Chapter Forty-six Tulala si Mackenzie habang nakaupo sa harap ng tindahan. Hapon na ito nakauwi. Ngayon ay parang ang lalim ng iniisip nito. May pagkakataon pa na pabago-bago ang expression ng mukha nito. Parang diring-diri tapos iiling-iling pa. "Tanginang Islao iyon," may minura siya pero hindi ko naintindihan ang pangalan na binanggit nito dahil biglang tumili si Avery dahil sa inis nito sa nilalarong hindi mailagay nang maayos sa box. "Okay ka lang?" hindi ko na napigilang tanong kay Mackenzie. Napatingin ito sa akin. Agad namang tumango-tango nang na-realize na nakatitig na ako sa kanya. "Yes, Lia. I'm okay," ani nito. "Pasok ka rito sa loob," yaya ko sa lalaki. Agad namang tumalima ang kapitbahay ko. Pagpasok nito ay agad itong naupo sa tabi ni Avery at nakipaglaro. Iyong ka

