Chapter Forty-seven "Lia," tawag ni Mackenzie sa akin. Mukhang katatapos nitong mag-jogging at saktong dating lang. Nagbubukas naman ako ng tindahan. Tinignan ko lang ito sabay iwas ng tingin dahil hindi pa rin tapos ang utak ko sa pag-o-overthink. Nang akma na sana akong papasok sa gate namin ay pinigilan ako nito at hinila papunta sa kabilang gate, sa gate ng bahay ni Mackenzie. "Bitawan mo ako," ani ko habang palinga-linga. Ayaw kong may ibang makakita sa amin at kung ano ang isipin. "No. Kailangan nating mag-usap. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan," nang nakapasok kami ay agad din nitong isinara ang gate saka bigla na lang akong pinasan. Hindi ako makasigaw dahil baka mas lalo kaming makita ng mga kapitbahay. Ipinasok niya ako sa sala ng bahay niya at inihiga s

