8 - Avery Aethere

1489 Words
Chapter Eight "Primrose!" tawag ko sa kaibigan nasa sala. Nagising ako dahil sa sakit ng tiyan. Hindi na kailangan pang tawagin sa pangalawang beses dahil bumungad agad ito. Inabutan niya akong namimilipit sa sakit ng tiyan. "Bakit? Manganganak ka na ba?" agad itong umalalay sa akin. Tinulungan niya akong makaupo saka sinuotan ng sandals. "Manganganak na yata ako, Prim. Ang sakit na, Prim." Huminga ako nang malalim. Nang humilab iyon ay napadaing ako. "Halika na. Punta na tayo ng hospital." Hawak na nito ang maleta. Sa isang kamay niya ako kumapit. Lumabas kami ng bahay. Naisara pa naman namin iyon. Saktong may tricycle na napadaan na agad nitong pinara. "Sa ospital po! Pakibilisan po natin," sumalampak na nga lang si Prim sa sahig ng tricycle habang ako ang nakaupo nang maayos. May luha sa mga mata at panay ang daing dahil sa sakit. "Lalabas na, Prim," bulalas ko. "Huwag! Pigilan mo muna. Anong gagawin k d'yan... sasaluhin ko? No! Pigilan mo." "A-ray!" iyak ko. "Malapit na tayo. Kumalma ka kahit mahirap," naiiyak na sa kabang bulalas ni Prim. Pagdating namin sa hospital ay agad namang may sumaludong sa amin. "Lalabas na!" impit kong hiyaw dahil ramdam na ramdam ko na talaga. Agad naman akong inasikaso. No'ng sinabi kong lalabas na at naipasok ako sa isang silid ay handa na talaga akong umiri. Pagkahiga ko nga'y napaire na ako. Hindi ako pinahirapan ng anak ko. Isang ire lang ay ramdam ko ang agad nitong paglabas. "Hala, excited ang baby!" natawang ani ng doctor na ngayon ay hawak na ang anak ko. Umiyak ang sanggol. Kaya hindi ko na rin napigilan ang iyak ko. Nandito na ang munti kong prinsesa. Nandito na si Avery Aethere Riven. "Ang lusog ng baby ni mommy. Pero hindi pinahirapan ang mommy," aliw pang dagdag ng isang nurse. "Okay po ba siya, doc?" "Iche-check namin. Relax ka na. Very good ka." Napangiti ako saka mariing napapikit. Hindi ako nahirapan sa panganganak. Thank you, Lord. Nang ipahiga nila sa dibdib ko si Avery ay huminto ito sa pag-iyak. "Hi, anak! Nandito si mama, anak ko." Sa sobrang saya ko na makita ito, hindi ko talaga mapigilan ang luha ko. Tuloy-tuloy sa pag-ayos. Napakaamo ng mukha ni Avery. "Mommy, kamukha mo ang baby. Ang cute n'ya," proud na proud na napangiti ako. Kung ako ay umiyak nang nakita si Avery... si Prim naman ay ngumawa. "Diyos ko, Lia! Ang cute ng inaanak ko," ani nito habang nakatitig sa sanggol na buhat ko. Napapatingin na ang mg kasama namin dito sa kwarto. Mahigit sampung hospital bed ang narito. Si Prim lang iyong ngumangawa sa kagalakan. Napabungisngis ako dahil sa reaction nito. "Pogi siguro ang tatay n'yan," biglang bulong nito sa akin. "Hindi ko alam... kamukha ko naman 'di ba?" ani ko rito. Agad itong tumango. "Kamukha mo, girl. Sobrang cute n'ya. Hi, Avery Aethere! Ninang here. Kapareho mong maganda." "Hindi n'ya ako pinahirapan kanina, Prim. Isang ire lang ay lumabas na agad," natatawang kwento ko rito. "Aba! Very good na agad si Avery. Nakinig sa laging bilin ng Tita Ninang n'ya," hindi na ako nagtataka kung familiar na si Avery sa boses ni Prim. Nasa sinapupunan ko pa lang kasi si Avery ay kinakausap na ni Prim. Laging kwenekwentuhan. Nang nabalitaan ng parents ni Prim na nanganak na ako ay agad silang mag-video call. Tuwang-tuwa sa kanilang apo. "Sa Christmas ay d'yan kami, Lia. Para naman makita namin si Avery sa personal. Magpapadala rin kami ng mga regalo d'yan na kakailangan niya. Nagyayaya si Prince na mag-shopping para kay Avery. May mga gusto ba kayong ipabili?" "New phone sa akin---" singit ni Prim pero hindi ito pinatapos ng ina. "Nope. Hindi ka kasali. Si Avery lang ang ipagsho-shopping ng kapatid mo," napasimangot tuloy si Prim sa sinabi ng kanyang ina. "Fine, fine. Para naman kay Avery," umakto pa ito na parang nagseselos pero mabilis ding napangiti. "Pasalamat ka, Avery, masyado kang cute." Ipinasa ko rito ang sanggol. Kaso umiyak kaya ibinalik din nito sa akin at pinadede ko. -- Mabilis na lumipas ang mga buwan. Halos hindi ko na nga namalayan. Parang natauhan na lang ako iyong sanggol na inire ko ay isang taon na ngayon. "Happy birthday, Avery!" nang pumalakpak kami ay pumalakpak din ang anak ko. "Blow mo na ang candle, Avery," inilapit dito ang cake. Agad nitong inabot pero napigilan ko. Buti na lang dahil tiyak kong ngangawa ito kapag mapaso. Si Prim ang may buhat sa kanya. Ako naman ang may hawak ng cake. Pareho kaming umihip sa cake na iyon. Kasama namin ang pamilya ni Prim sa pag-celebrate ng birthday ng anak ko. Narito rin si Tito at Prince. Sa dalawang lalaki lang na ito ako hindi naiilang. Komportable ako sa kanila dahil ipinararamdam din naman nila na safe ako sa kanila. Ngayon ay buhat ni Tito si Avery. Nilalaro nito ang bata na tawa naman ng tawa sa tinatawag niyang lolo. "Kumusta ka rito, Lia?" tanong ni Tita Primera. "Okay naman po, Tita. Masaya. Busy sa tindahan." "May balita ka ba sa pamilya mo, 'nak?" "Kina mama po?" "Oo," tugon nito. Umiling naman ako. "Wala po, Tita. Pinutol ko na po ang lahat ng communication ko sa kanila. Why po?" "Well, nabalitaan ko lang kasi na buntis daw ang mama mo---" "Po?" nanlaki ang matang ani ko. "Tuluyan nang nagsama ang mama mo at si Harvey. Buntis ngayon ang mama mo," hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nagbunga pa talaga ang kababuyan nila. "Pinalalabas ng mama mo sa public na nag-surrogate lang daw siya para sa inyo ni Harvey. Ang alam ng iba't ikaw pa rin ang girlfriend ni Harvey at doon na nakatira si Harvey sa bahay ninyo." "Surrogate?" mas lalo akong nawindang. "Siguro para hindi sila mahusgahan sa ginawa nilang panloloko sa 'yo. Iyong dinadala raw ng mama mo ay anak ninyong dalawa ni Harvey, hindi mo raw kayang magbuntis." "Unbelievable!" bulalas ko na napailing-iling pa. "Nababaliw na yata ang mama mo, Lia. Kung ano-ano nang naisip. Ang tapang nilang lokohin ka pero hindi naman pala nila kayang harapin ang consequences. Kaya sa tuwing may mga kaibigan ako na nakwekwento ang sakripisyo ni Pressy para sa 'yo ay tinatawanan ko't agad kong itinatama. Aba! Manloloko sila... hindi sila pwedeng magmukhang malinis. Sinaktan ka nila at patuloy sila sa kagaguhan nila." "Sino ang bumubuhay sa kanila ngayon, ma?" ani ni Prim na nakikinig na pala. "Ang alam ko'y nagtratrabaho ang mama ni Lia ngayon. Si Harvey ay walang trabaho. Binubuhay pa rin ng papa niya. Iyong sasakyan ng mama mo ay kinuha na sa kanya pagkatapos hindi makapaghulog ng tatlong buwan. Hays. Nakakapanghinayang iyang nanay mo, Lia. Akala ko pa naman ay mabuting ina. Pinanindigan talaga nila ang relasyon nila." "Naku, ma! Gusto pa nga no'ng lalaki na tatlo sila sa relasyon. Buti na lang at matalino itong kaibigan ko," nailing na lang ako. Pinaalala pa talaga ni Prim iyon. "Baka sa susunod ay palabasin na nilang pinabayaan mo ang anak ninyo ni Harvey. Hays. Kaya kahit magmukha akong tsismosa ay sinasabi ko talaga sa mga kakilala ang totoo. Mas mabuti nang marami ang makaalam." "Salamat po, Tita. Pero hayaan n'yo na lang po. Baka mapaaway pa kayo o mapasama. Okay naman kami ni Avery rito sa El Pueblo. Masaya po ang buhay namin dito. Wala na po akong balak bumalik ng siyudad." "Wala ka bang balak mag-asawa?" agad napatingin si Prim sa akin. Tinaasan pa ako nito ng kilay. "Wala na po, Tita. Okay na po kami ni Avery. Tahimik na po ang buhay namin dito." Tinitigan ako ng ginang na para bangay Duda siya. "Seryoso?" "Ma, ako ay hindi pa naman nawawalan ng hope na may makilala si Lia na lalaking magpapabago ng isip niya." "Ayaw ko na talaga. Huwag na kayong umasa. Masaya naman kami ni Avery na kami lang... with Prim and kayo na rin po, Tita." "Pero, 'nak, hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho ha. Hindi lahat ay sasaktan ka't lolokohin." "Kahit pa po meron... hindi ko pa rin po sila papapasukin sa buhay ko." "Okay na raw sa kanya ang d***o, ma," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Prim. Malakas naman ang tawa ng mag-ina. "Pero mas masarap pa rin ang buhay na---" "Ma!" awat ni Prim. See. Sinimulan niya tapos siya itong hindi kayang makinig. Tawang-tawa lang ang ginang na iniwan na kami sa table namin pagkatapos no'n. Tinignan ko si Prim. Namumula pa ang pisngi nito dahil sa pagtawa. "Ikaw ba, Prim? Kailan ka mag-aasawa?" ani ko rito. "Kapag dumating ang lalaking para sa akin ay pakakasalan ko agad. Ang weird naman kung mag-aasawa na ako kahit hindi pa dumarating 'di ba? Sinong pakakasalan ko... card board?" "Tsk. Pilosopo." Inirapan ko pa ito. Nang pumalakpak ang mga kasama namin ay gumawi sa kanila ang tingin namin. Nakapalibot kay Avery ang mga ito. Nakatayo ang anak ko at sinusubukan lumakad. Nang pumalakpak muli ang mga lolo, Lola, at Tito niya, ay pumalakpak din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD