Chapter Nineteen Napapadalas ang pagbisita ni Islao kay Mackenzie. May pagkakataon pa ngang nakikita ko ang mga ito na magkatabi sa balcony. Parehong nakatingin sa laptop kaya ang dating ay sweet na sweet. No'ng sumunod na linggo ay iba-ibang lalaki na ang nagpupunta. Nakukuha pa namang tumambay ni Mackenzie sa harap ng tindahan kapag umaga, pero kapag gabi ay pansin ko na iba-iba ang mga dumarating sa bahay niya. Feeling ko tuloy ay nagbo-booking ang lalaki. Malisyoso man. Pero hindi ko kasi maiwasan mapaisip. Siguro kung hindi niya sinabing gay siya ay hindi naman ako mag-iisip ng ganito. Kasalanan ito ni Mackenzie. Oo, kasalanan talaga niya. "Good morning, Lia!" nagbubukas pa lang ako ng tindahan ay bumungad na si Mackenzie sa gate. Lumabas ito at nag-inat-inat pa. Naka-sweatpan

