Chapter Fifteen "Mama, pwede ba nating maging friend si Uncle Zie?" nagluluto kami ni Prim sa kusina at abala naman sa pagkukulay si Avery sa coloring book niya. "Anak," ani ko pero hindi ko alam kung paano dudugtungan iyon. "He's nice, mama. Nag-play kami kanina at super happy ng heart ko. Gusto ko makapag-play rin kami ni papa ko like kagaya ng play namin ni Uncle Zie. Wala po ba day off sa moon?" nagkatinginan kami ni Prim. "Hindi po ba nagre-rest si papa ko po?" agad na hinila ni Prim ang pamunas at tinuyo ang kamay niya. Saka lumapit kay Avery. "Wow! Ang cool naman n'yan, Avery. Anong color itong ginamit mo?" "Hhmm... purple?" sagot ng bata. "Wow, purple? It's so pretty, Avery. Ang galing mong magkulay," nakuha man ni Primrose ang atensyon ni Avery ay hindi naman naalis sa

