Chapter Sixteen Ang tili ni Avery at Prim ang nangingibabaw sa labas. Nang silipin ko'y nakita ko silang tumatakbo habang hinahabol ni Mackenzie. Parang bagay sila ni Prim. Parang happy family ang tatlo. Nanulis ang nguso't napabuntonghininga ako. Alam ko naman ang makapagpapasaya kay Avery. Masaya siya ngayon, pero tiyak kong mas sasaya ang anak ko kung buo ang pamilya niya. Pero may mga bagay kasi talaga na simula pa lang ay hindi na buo. Never mabubuo. Nang nahuli ni Mackenzie ang dalawa ay agad nitong binuhat si Avery at itinaas. Agad namang itinaas ng anak ko ang dalawa niyang kamay saka siya inikot ni Mackenzie. Nag-alala ako na baka mahulog ito pero nang gumawi sa matikas na katawan ng lalaki ang tingin ko... na-realize ko na wala akong dapat alalahanin. "Gusto mo pong sumali, ma

