Chapter Ten "Anong sinisilip mo d'yan?" sita ko kay Prim. Umagang-umaga ay nakasilip ito sa bintana at tinatanaw ang kabilang bahay. "Lia, parang may kapitbahay na tayo d'yan," mahinang ani nito sabay ayos ng tayo. "Ah, oo. Kahapon ay may dumating d'yan." "Nakita mo?" ani nito. Tumango naman ako. "Oo. Nakita ko. Itigil mo na iyang pagsilip. Baka mahuli ka ng kapitbahay at ma-weirdo-han sa 'yo." Iniayos naman agad nito ang kurtina. "Parang lalaki, Lia---" "Lalaki iyong nakita kong bumaba ng sports car kahapon." Tumango-tango naman si Prim na para bang gusto ulit sumilip. "Itigil mo na iyan, Primrose. Tulungan mo na lang akong magbukas ng tindahan," yaya ko rito. Pareho kaming lumabas. Tulog pa naman si aling maliit. Puyat ang bata. Binasahan ko ng story kagabi, mas una pa akon

