Chapter Six
Ilang linggo na ako sa bahay nila Prim. Nahihiya na nga ako sa kanila. Pero wala pa akong kakayahang umalis dahil wala pa talaga akong mapupuntahan.
Wala pang tawag sa mga company na in-apply-an ko.
Pagsapit ng isang buwan... nalaman ko kung bakit. Narinig ko sa isang tauhan ng huling in-apply-an ko na pina-blacklist sa mga kaibigan company ang pangalan ko. Gusto kong magwala sa galit pero hindi ko magawa dahil sino lang ba naman ako? Ang hirap lumaban ng patas sa mga gano'n klase ng tao.
Paubos na iyong huling sinahod ko. Nauubusan na rin ako ng pag-asa.
Nasa tapat na ako ng gate nila Prim pero hindi ko pa magawang pumasok dahil nahihiya ako sa kanila. Naupo ako sa gilid. Para akong nauupos na kandila. Nilakad ko na nga lang pauwi dahil sa pagtitipid. Hindi pa rin ako nananghalian, 5 pm na ngayon.
Dala na rin siguro ng pagod at gutom ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Ngunit mas lalong tumindi iyon dahilan para mawalan ako ng malay.
--
Nagising ako na nasa ospital na ako. Sa gilid ng hospital bed ay naroon si Prim. Nang nakitang gising na ako'y agad itong napatayo sa kinauupuan at mas lumapit pa sa akin.
"Lia," mangiyak-ngiyak na ani nito. "Nakita na lang kita sa labas ng gate na walang malay."
"Sa pagod at gutom siguro ito, Prim---" akma akong babangon pero pinigilan ako nito't umiling siya.
"L-ia," alanganin ito. Ginagap nito ang kamay ko. Tuloy ito sa pag-iling.
"Hindi pagod at gutom ang dahilan?" tanong ko dahil parang hindi niya iyon kayang isatinig.
"Hindi... narinig ko iyong doctor na tumingin sa 'yo kanina. Ibang dahilan, Lia."
"Ano nga?" ani ko. Saktong dating ng babaeng doctor.
"Hi, Lia!" bati ng babae.
"Doc, anong problema sa akin? Mamamatay na ba ako?" advance masyado sa pag-o-overthink.
"Hindi, hija. Base sa test ko sa 'yo ay ikaw ay buntis---"
"B-untis? Doc, nagkakamali ka po," agad akong umiling. In denial agad lalo't Wala iyon sa plano. Masyadong magulo ang buhay ko. Hindi pwede ito. "Nagkakamali ka po, doc. Paki-check na lang po ulit ako. Tiyak na mali lang ang resulta ng unang test n'yo sa akin. May... may pregnancy test po kayo? Try ko na lang po---"
"Lia," awat ni Prim sa akin. Naiiyak na tumingin ako kay Prim.
"Prim, hindi pwede ito. Hindi ako buntis. Hindi." Kinabig ako ng kaibigan at niyakap.
"Kung hindi ka kumbinsido ay pwede kang mag-pt, hija. Pero ako na ang nagsasabi sa 'yo na tama ang resulta at ang test namin sa 'yo."
Naglalaro yata ang tadhana at ako ang napiling paglaruan.
Para nang sasabog ang ulo ko. Na-discharge ako. Kumpirmadong buntis at ngayon ay hindi ko na talaga alam ang gagawin.
"Magpahinga ka muna. Tama na muna sa pag-iisip, Lia. Magpahinga ka pagkatapos ay saka tayo mag-iisip ng mga dapat mong gawin---"
"Hindi kasama roon ang pagpapalaglag, Prim. Anak ko ito. Proprotektahan ko ito." Ngumiti ang babae saka tumango.
"Of course, Lia. Wala sa options iyan. Magpahinga ka na muna. Kailangan mo nang maraming pahinga dahil hindi na lang sarili mo ang kailangan mong alagaan. Pati na rin ang baby mo." Inalalayan ako ni Prim sa paghiga. Siya at ang pamilya niya ang sumagot ng bills at gamot ko. Nakakahiya man pero hindi ko matanggihan ang tulong nila dahil walang-wala talaga ako.
Pwede bang panaginip na lang ang lahat ng ito? Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang dapat kong gawin.
--
Hindi lang si Prim ang kaharap ko. Medyo magaan na ang pakiramdam ko dahil nakapagpahinga ako nang tuloy-tuloy. Narito ako sa kitchen kasama si Prim at ang magulang niya.
"Lia, nagpunta rito ang tiyahin mo kanina. Nabalitaan n'ya raw sa ospital na pinapasukan niya na na-ospital ka. Gusto ka raw niyang makausap para bigyan ka ng contact doon sa kakilala n'yang nag-a-abort."
"Po? Si Tita Bebs po? Abort? No! Hindi ko po ipalalaglag ang anak ko. Bakit po ba nila naiisip ang mga ganyang bagay?" hindi napigilan ang inis na bulalas ko.
"Sinabi ko nga na hindi mo kailangan magpa-abort. Sabi niya'y kailangan dahil sayang daw ang future mo."
"Hindi ko po ipalalaglag ang anak ko. Bubuhayin ko po ito. Ang tagal ko nang binubuhay ang sarili ko at si mama. Kakayanin ko rin pong buhayin ang sarili kong anak. Kung inaaalala nila na lalapit ako sa kanila ay hindi po iyon mangyayari. Hindi ko po iaasa sa kanila ang buhay ko at ng anak ko," may diin sa bawat bigkas. Firm ang desisyon kong panindigan ang pagbubuntis ko. Walang kinalaman ang anak ko sa mga maling actions ko, mas lalong walang kinalaman ang anak ko sa kasalanan ng nanay at ex-boyfriend ko.
"Lia, may nasabi pa ang Tita mo kanina... kung ayaw mo raw ay siya ang gagawa nang paraan para solusyunan ang problema mo."
"W-hat?" ani ko. Pwepwersahin nila ako? Iyon ba ang ibig nilang sabihin?
"Kaya may pwede kaming suggestion sa 'yo, hija," ani ng ama ni Prim. "Tutal ay tinutulungan ka naman na namin ngayon ay mas mabuting lubos-lubusin na 'di ba? Gusto mo bang sumama kay Prim sa probinsya namin? Nag-usap kami ng anak namin na siya ang aasikaso sa property namin doon. Mananatili siya ng ilang buwan doon," agad akong napatingin kay Prim na tumango-tango.
"Nag-resign na ako sa trabaho, Lia. Kailangan na rin kasing asikasuhin ang property roon. Sama ka na lang sa akin."
"Hija, hindi mo rin kailangan magtrabaho habang ganyan ang kalagayan mo. Tulungan mo lang si Prim sa property at kami na ang bahala sa allowance n'yo roon."
"Mas magandang lumayo ka na muna rito sa siyudad, Lia. Para sa safety ninyo ng anak mo."
"Ayos lang po ba talaga?"
"Ayos sa amin, Lia."
Kung ang paglayo ang kailangan para makatiyak na ligtas ako at ang anak ko ay tatanggapin ko ang alak nila. Sasama ako kay Prim. Lalayo ako sa siyudad na mas marami pang sakit at lungkot ang ibinigay sa akin.
"Sige po. Sasamahan ko po si Prim, tito." Satisfied ang mga ito sa naging sagot ko.
"Kailan mo gustong bumiyahe, Lia?" tanong ng ina ng kaibigan ko.
"Si Prim po ang dapat magdesisyon sa bagay na iyan, Tita."
"Aba'y kung ako ang pagdedesisyonin n'yo ay gusto kong bukas na agad. As soon as possible na makalayo ka sa mga kamag-anak mo ay mas better, right?"
Kailangan ko ring lumayo hindi lang dahil sa safety ko... kailangan kong lumayo para makalimot. Makalimutan ang mga taong dahilan kung bakit ako nasaktan.