5 - Confrontation

1495 Words
Chapter Five Pagbaba pa lang namin ng taxi ni Prim ay nakita ko na ang nakaparadang sasakyan ni mama sa labas. May garahe sa loob pero sasakyan ni Harvey ang naroon. Nawalan pa ng lugar iyong sasakyan na binabayaran ko. Tsk. Pumasok kami ni Prim. Tahimik ang paligid. Nang nakarating kami sa sala ay inabutan namin si Mama at Harvey na magkatabi sa couch. Sweet na sweet na sinusubuan ni Mama ang lalaki ng grapes. "Wow! Ang sweet... sana langgamin kayo," hindi napigilan ni Prim na ibulalas iyon. Agad na napatayo si mama na para bang gulat na gulat siya sa pagsulpot namin. "Anak!" akmang yayakapin niya ako pero agad akong umiwas. "Huwag kang umakto na para bang wala kang nagawang kasalanan sa akin, ma," cold na ani ko sa aking ina. Tinignan ko si Harvey. Lumapit ako rito dahil sobrang prente itong nakaupo sa couch na para bang bahay niya iyon. "Hi, love!" tumayo si Harvey pero agad ding bumagsak nang tuhurin ko ito. Namilipit sa sakit ang lalaki pero bago pa ito maka-recover ay binigyan ko na agad ito ng mag-asawang sampal. Agad namang pumagitan si mama. "Anak, huwag mo siyang saktan!" agad itong naluha. "Mahal ko siya, anak. Mahal namin ang isa't isa," iyak nito. "Pero handa naman akong umatras para sa inyong dalawa... kaya kong magpaubaya sa 'yo, anak." Iyak ng aking ina na akala ata'y makakatanggap siya ng medalya dahil sa handa niyang gawin. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, mama? Parang ang dating ay ulirang ina ka na d'yan," natawa pa ako. "Anak, please! Hindi ko naman sinasadya. Nagkamali kami ni Harvey. Yes. Alam namin iyon. Pero handa naman naming itama ang pagkakamali namin." "How?" napaangat ang kilay ko. Paano nila itatama ang pagkakamaling sa paningin ko ay hindi na maitatama pa? "Ayusin natin ang relasyon natin, Lia," singit ni Harvey. "Pwede naman tayong tatlo sa isang relasyon," si Prim na tahimik lang ang may pinakamalakas na reaksyon. "Tangina. May agiw ata sa utak itong si Harvey," komento pa ni Prim na natawa pa nga pagkatapos niyang magsalita. "Eh, tangina mo pala!" agad kong hinablot ang buhok ng lalaki. Sinabunutan ko ito. Pero sinubukan na naman ni mama na umawat. Dahil nandidilim ang paningin ko'y natabig ko ito. Parang gulat na gulat pa siya. Hindi makapaniwala na magagawa ko iyon sa kanya. "Ano ba, Lia?!" galit na sigaw ni Harvey at agad akong tinabig. Dinaluhan niya si mama. Bakas sa mukha nito na labis siyang nag-alala sa pagkakatumba ni mama. Iyak nang iyak ang aking ina sa bisig ni Harvey. "Nagmamahalan kami ng mama mo, Lia. Mahal din kita. Iyon ang best option na pwede nating gawin. Kaya ko kayong mahalin... kayong dalawa. Please. Be considerate. Huwag mo akong ipagdamot sa mama mo." "Tangina ka, Harvey. Ano ka gold? Ipagdamot? Ma..." tumingin ako sa ina. "Sa 'yo na iyang putanginang lalaki na iyan. Magsama kayong dalawa. Solohin mo na. Hindi ako gaga at tanga para makipaglaro sa inyo. Ikaw, Harvey... alam mo kung gaano kahirap sa akin na magtiwala. Pero mas pinili mong sirain iyon. Ikaw, ma, alam mong mahal ko ang lalaking iyan! Wala bang ibang lalaki? Bakit boyfriend ko pa, ma?" hiyaw ko sa aking ina. "Nababaliw ka na dahil lang sa isang lalaki?" usal ni mama na para bang nababaliw na ako sa paningin niya. "Wow! Ma, ikaw pa ang may ganang magtanong n'yan sa akin? How about you... nababaliw ka na yata kaya pati boyfriend ko'y inagaw mo---" lumapit ito sa akin at sinampal ako. "How dare you, Lia? Pinalaki kita nang maayos hindi para bastusin mo lang! Anong pakiramdam mo habang pinagsasalitaan mo ako ng ganyan?" "Ma! Maaaa! Anong pakiramdam mo habang nakikipaglaro ka sa boyfriend ng anak mo?" balik kong sigaw rito. "Huwag mong kwestiyunin kung paano ako sumagot sa 'yo ngayon. Buong buhay ko ay never kitang binastos at sobrang laki ng respeto ko sa 'yo. Pero bakit sa tingin mo ako ganito ngayon? Bakit sa tingin mo ganito ako sumagot sa 'yo ngayon?" iyak ko sa ina. "Lalaki lang iyan, Lia!" "Lang? Harvey, lalaki ka lang pala eh," natawang ani ko habang luhaan. "Lalaki lang... pero nakuha mo pang ahasin sa anak mo, ma. Boyfriend ng anak mo iyan, ma. Nag-enjoy ba kayo? Habang ginagawa n'yo ba akong lokohin ay naalala n'yo ba ako? Tangina." Napasalampak ako saka humagulhol nang iyak. "Hirap na hirap na nga akong magtiwala... dinagdagan n'yo pa ng dahilan para mas lalo akong matakot. Tangina. Ang sakit... ang sakit, ma." Sinubukan akong hawakan ni mama. "I'm sorry, anak. I'm sorry. Patawarin mo si mama---" umiling ako. Pinunasan ang luha. "No. Hindi ko kayang ibigay sa 'yo iyan. Hindi ko kayo mapapatawad. Kayong dalawa." Umiwas ako rito na para bang nandidiri ako rito. "By the way, Harvey... Salamat ha... salamat dahil sa 'yo ay natanggal ako sa trabaho." "W-hat?" hindi makapaniwalang tumingin si mama sa lalaki. "Sana'y maging masaya kayo..." tinignan ko si mama. "Mas pinili mo akong saktan, ma. Kahit alam mong mali iyon. Ang buti-buti ko sa 'yo. Pero mas nanaig sa 'yo ang kakatihan---" this time ay napigilan ko na ito nang akma niya sana akong sasampalin. Saka patulak kong binitiwan. Niyakap agad ito ni Harvey. "Bagay kayo. Sana'y maging masaya kayo. Okay lang siguro iyan, ma. Mawalan ka man ng anak ngayon, at least may boyfriend ka 'di ba?" tinalikuran ko ito at dumeretso ako sa kwarto. Dali-daling kinuha ang maleta at nag-impake. Humabol si mama at sinubukan niya akong pigilan. "Saan ka pupunta? No! Hindi ka aalis. Anak, iniwan na nga tayo ng papa mo at ng kapatid mo! Iiwan mo rin ako?" para itong takot na takot. "Anak, please! Hindi ko kaya, Lia. Huwag mong iwan si mama," pakiusap nito. "Parang awa mo na," pero nagbingi-bingihan ako sa pagmamakaawa nito. Tumulong na rin si Prim sa pag-ayos ng mga gamit ko. Iyong mga files ko sa cabinet ay nai-shoot din nito sa maleta ko. Bale dalawang maleta ang nalagyan ng gamit ko. "Hindi ka aalis!" sinubukan nitong humarang sa pinto nang ibaba ko na ang maleta. Ready na para hilain iyon. "Paano ako, anak? Paano ang mga bills dito sa bahay? Iyong monthly payment ng car? Anak, huwag mo namang iwan ang responsibilidad mo---" "Hoy, Tita Pressy!" gulat na bulalas ni Prim. "Hindi responsibility ni Lia iyan. Pero dahil mabuting anak si Lia ay sinalo niya ang hindi naman niya responsibility. Mabuting anak ang anak mo pero nakuha mong saktan." "Prim, hayaan mo na. Alis na tayo," ani ko. Hinawi ni Prim si mama. Todo alalay naman si Harvey. Palabas na kami'y humahabol pa rin si mama. Kahit si Harvey ay gano'n din. "Lia, bigyan mo naman kami ng chance," ani ng lalaki. "Hindi ko kayang mabuhay na wala ka---" huminto ako't muli ko itong binayagan. "Tangina ka! Nagbulag-bulagan ako sa 'yo. Sa sobrang mahal kita ay hindi ko man lang nakita ang mga red flags mo. Mayaman ang pamilya mo pero halos sa akin ka umasa ng mga kailangan mo. Gets ko na kung bakit isinusuka ka ng pamilya mo. Wala ka kasing kwenta. Kaya ba pinatulan mo ang mama ko dahil sa mommy issues mo? Anong sabi ng mama mo sa 'yo? Hindi ka niya matanggap sa buhay niya dahil wala kang kwenta," dumilim ang expression ng mukha ni Harvey. Sapol na sapol ba ito sa sinabi ko? Well, malaking issue rito ang nanay niya. Big deal sa lalaki ang mga comment ng ina. Kaya iyon din ang sinabi ko. "Gusto mo pala ng nanay... hindi ka na lang nagsabi. Nanay ko pa talaga ang plano mong mag-heal ng mommy issues mo." Halatang na trigger ito. Nang talikuran ko ito ay sumambulat na ang galit nito. "Kasalanan mo, Lia! Kasalanan mo kung bakit pinatulan ko ang nanay mo! s*x lang hindi mo pa naibigay. Iyong nanay mo agad bumukaka sa akin. Ibang-iba ang nanay mo sa 'yo. Satisfied ako lagi sa kanya, habang sa 'yo palaging nasasaling ang ego ko!" "Eh 'di congrats," balewalang sagot ko. Saktong nakapagpara ng taxi si Prim. Agad inilagay sa likuran ang mga maleta. Nang nakalulan na kami ay humabol pa si mama pero pinausad na ng driver ang taxi. Muli akong naiyak. Sobrang sama ng loob ko. Iyong iyak na sobrang bigat sa dibdib. Tahimik lang naman ang driver at si Prim. Nakauwi kami sa kanila na parang wala ako sa sarili. Sa kwarto ay hinarap ako ni Prim. "I-block mo na silang lahat. Unang step sa pagmo-move on mo ay ang ginawa mong paglayas. Sunod ay i-block mo naman sila. Tumahan ka na. Ayusin mo ang buhay mo at patunayan mo sa sarili mo na kaya mo... hindi sila kawalan. Fighter ka noon pa." Tumango-tango ako. "Kaya ko ito, Prim. Kaya ko," ani ko na niyakap ang kaibigan. Umiiyak pa ako pero sinimulan ko nang i-block ang mga taong dapat alisin sa buhay ko. Sobrang sakit... mas masakit talaga ang betrayal ng mga taong mahal ko. Worst is... nanay at boyfriend ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD