Chapter Three
"Lia, ano ba itong ginawa mo?" stress na tanong ni Prim sa akin. Nagising ako sa tili ni Prim. Walang saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa hubad kong katawan. Masakit ang ulo at katawan ko. Alam ko rin kung bakit masakit ang gitna ko. Obvious naman sa pulang marka sa puting sapin ng kama. Tulala ako. Anong kagagahan itong ginawa ko? Tinignan ko ang oras sa relo ko, 6:20 am. Kaming dalawa lang ni Prim dito sa VIP room.
"W-hat happened?" kahit may idea ako sa kagagahang nagawa ay napatanong pa rin ako ng gano'n.
"Gosh, Lia! Bumalik ako sa table mo kagabi pero hindi kita nakita. Nagtanong ako sa isang bouncer. Ang sabi'y lumabas ka na at sumakay ng taxi. Sinungaling siya. Hinanap kita. Pero hindi kita nakita. Nandito ka lang pala. Anong ginawa mo, Lia? Diyos ko!" tinulungan ako nitong magbihis. Iyong lalaking nakasama ko rito sa VIP room ay wala na. Walang bakas na iniwan.
Tinulungan pa akong magbihis ni Prim dahil tulala ako.
"Halika na. Sumama ka muna sa akin sa bahay." Hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko lang si Prim na gawin ang gusto niya. Dala niya ang sasakyan ng tatay niya kaya kahit malakas ang buhos ng ulan at medyo baha na ay nakauwi pa rin kami sa kanila. Tahimik lang kami dahil narito rin sa bahay ang pamilya niya.
"Hiramin mo muna itong damit ko. Iyang undies ay bago pa iyan. Sige na." Tahimik na tinanggap ko iyon at pumasok ako sa banyo. Naligo ko.
Paulit-ulit kong pinaalala sa sarili na hindi ako pwedeng umiyak dahil may mga tao sa paligid kong tiyak na mag-aalala sa akin.
Pagkatapos kong naligo ay nagkulong lang ako sa kwarto ni Prim. Doon ay hinayaan ko ang sarili ko na umiyak nang umiyak. Kasabay ng mga luha ko ay matinding ulan na parang nakikisabay.
"Lia, kain ka muna," ani ni Prim. Hapon na. Wala pa akong kinain o ininom man lang.
Nang lingunin ko ito ay nakita kong kasama pa ni Prim ang mama niya na may dalang tray na may lamang pagkain.
"Anak, kain ka muna para may lakas kang umiyak," malumanay na ani ng ginang.
"Ma, bakit naman ganyan?" siya ni Prim sa inang tiyak ko namang nagbibiro lang.
"Baka gutom na kasi, 'nak." Inilapag niya sa table ang tray saka lumapit sa akin. Umupo naman ako't pinunasan ang luha ko.
"Need a hug, 'nak?" tanong ng babae. Hindi na ako sumagot pa. Yumakap na lang ako rito at umiyak. "Lia, kung ano man ang pinagdaraanan ngayon ay alam kong malalampasan mo rin iyan. Ihe-heal ng Diyos ang pain na bumabalot sa puso mo."
"Ang sakit, Mama Rose. Hindi ko po matanggap," iyak ko sa bisig ng ginang.
"Kung ano man iyang problema mo ay mas mabuting huwag mong sarilin, 'nak. Nandito kami. Pati na ang pamilya mo lalo na ang mama mo."
"Ma," saway ni Prim.
"Bakit? Tama lang naman iyon, Prim. Mas mabuting makipag-usap siya sa ibang tao para mailabas niya kung ano man iyong nagpapabigat ng dibdib niya."
"Mama Rose, si mama po ang dahilan ng pain ko ngayon," pinunasan ng ginang ang luha ko.
"Bakit? Nagtalo ba kayo ni Pressy?" nabahalang ani nito. Napatingin ako kay Prim. Pinag-isipan pa kung dapat ko bang sabihin sa ginang ang problema.
"Lia, hindi mo naman kailangan sabihin kay mama kung hindi ka komportable," umupo na rin si Prim sa tabi ko.
"Masyado bang mabigat ang problema, 'nak?" tanong ng ginang.
"Mama Rose, nahuli ko po si mama---"
"Ha?"
"Nahuli ko po si mama at ang boyfriend ko... nagse-s*x," pagkarinig niya sa sinabi ko ay napa-sign of the cross siya. Gulat na gulat din ang reaction niya.
"T-otoo?" ani nito sa akin. "Kaya ka nagkakaganyan dahil sa mama at boyfriend mo?"
"Hindi ko man lang po nahalata na iniiputan na pala nila ako. Wala po akong kaalam-alam, Mama Rose. Ilang buwan na pala silang may relasyon. Nahuli ko po sila kahapon. Mismong sa kwarto ko po."
"Grabe naman iyang si Pressy. Wala na bang ibang lalaki para boyfriend mo pa ang patulan? Hindi ba nag-isip iyang nanay mo?" inis na ito. Kinabig niya ako't muling niyakap. "Kung ayaw mo pang umuwi ay rito ka na lang muna."
"Hindi ko po siya kayang harapin, Mama Rose. Nandidi po ako. Galit na galit po ako."
"Nauunawaan ko, 'nak. Dito sa bahay ay welcome na welcome ka. Tahan ka na muna at kumain na muna," inalalayan niya ako. Kapag iyang nanay mo ay makita ko sa saan ay ingungudngud ko talaga iyan. Ooperan ko rin ng gamot sa kati ng pekpek."
"Ma!" muling saway ni Prim sa kanyang inang nanggigigil.
"Aba! Puring-puri pa namin ng dada mo iyang bruhang iyan. Sabi ko pa napakabuting babae ni Pressy. Kahit hindi maganda ang naging hiwalayan nila ng asawa niya ay never niyang siniraan sa anak niya. Mabuting ina. Nakatago pala ang kulo ng gaga. Nanggigigil ako. Masasapok ko talaga iyon."
"Hindi ko po akalain na magagawa ng mama ko iyon, Mama Rose. Alam ni mama ang trauma ko sa mga lalaki pero dinagdagan pa niya."
"Kaya rito ka muna. Kalmahin mo iyang sarili mo. Bata ka pa. Hindi lang Isa ang lalaki sa mundo." Pero isa lang ang ina ko. Oo, maraming lalaki. Pero nag-iisa lang ang mama ko. Bakit niya iyon nagawa sa akin?
"Lia, kain ka na muna. Sige na. Kailangan mong kumain. Baka magkasakit ka," worried na ani ni Prim na iginiya na ako patayo.
Mapilit sila kaya kumain na rin ako. Hindi ako makapag-isip ngayon. Sabog talaga ang utak ko at masakit pa ang ulo.
Pagkatapos kong kumain ay in-allow naman nila akong mapag-isa. Nakita ko na lang na naman ang sarili ko na umiiyak habang yakap ang unan.
Pumasok si Prim sa kwarto at humiga sa tabi ko. Marahan nitong hinagod ang likod ko.
"Lia, tumatawag si Tita sa akin pero hindi ko sinagot. Iyong phone mo rin kanina pa nagri-ring. Si Tita Pressy rin ang tumatawag."
"Ayaw ko siyang makausap, Prim," tugon ko rito.
"I know at naiintindihan ko naman. Kaya in-off ko na lang muna ang mga cellphone natin," napahagikhik pa ang babae. "Anong balak mo, Lia? Papasok ka ba sa office sa lunes?"
"O-po. Pipilitin kong makapasok." Nanahimik ako. Gano'n din naman si Lia. Pero after 5 minutes ay nasira ang katahimikan na iyon nang pumasok ang nanay nito.
"Anak, gusto kang makausap ng Lola mo," iniabot nito sa akin ang phone. "Usap daw kayo," nag-aalinlangan man pero tinanggap ko iyon. "Sorry, 'nak. Nasagot ko." Tinanggap ko iyon at nagpasalamat dito.
Lumabas muna ang dalawa. Bago ako nagsalita.
"Lola?" ani ko sa nanay ng mama ko.
"Umuwi ka ngayon din, Lia," seryosong utos ng ginang. "Mag-usap tayong lahat dito."
"Ayaw ko po," agad kong tanggi.
"Hija, umuwi ka rito. Hindi na huminto kaiiyak ang nanay mo. Gusto mo bang may mangyari sa kanyang masama rito? Lalaki lang iyan, Lia. Ano ba naman at i-share mo na lang sa nanay mo?"
"Lola, naririnig mo ba ang sarili mo?" nabuhay ang inis ko at hindi ko iyon itinago rito.
"Oo naman. Kaya bumalik ka na rito at mag-usap kayo. Nangyari na ang nangyari. May relasyon sila---"
"Alam n'yo po ba? Matagal na po ba?"
"Aba'y dati ko pang alam. Sinabi naman sa akin ng mama mo."
"Grabe!" disappointed na ani ko rito.
"Hija, huwag kang mag-inarte d'yan. Umuwi ka rito at mag-usap tayo nila mama mo rito."
"No!" tanggi ko.
"Dito na titira ang boyfriend mo... magsasama na sila ng mama mo."
"Ano po?" gulat na bulalas ko. "Ang tindi naman po nila? Ang kapal naman po ng mga mukha nila! Si mama po? Wala na ba talagang delikadeza si mama?" hindi ko napigilang hiyaw.
"Stop, Lia. Huwag kang magsasalita ng ganyan sa mama mo. Mama mo pa rin siya. Bumalik ka rito't mag-usap kayo. Baka kung pag-usapan ninyo ang magiging set-up ninyo rito ay maayos pa ang relationship ninyo ng mama mo."
"No, Lola! Hindi ako uuwi. Hindi na ako uuwi."
"Umuwi ka, Lia. Paano ang mama mo kung hindi ka uuwi rito? Paano ang mga bills ninyo na ikaw ang may responsibility?"
"What do you mean, Lola? Uuwi ako d'yan para gawing tagabayad ng mga bills ni mama?" sarcastic pa akong natawa.
"Why not? Si mama mo na lang ang meron ka. Papabayaan mo pa ba naman, Lia? Responsibility mong buhayin ang iyong ina kagaya ng ginawa niya sa 'yo no'ng bata ka. Uwi na. Lalaki lang iyan. Hayaan mo na ang mama mo na maging masaya. Humanap ka na lang ng iba."
"Sana'y alam mo iyang sinasabi mo, Lola. Niloko ako ng boyfriend ko at ng mama ko. Naaktuhan ko pa sila sa sariling kama ko. Sobrang baboy nila, Lola. Tapos kukunsintihin mo sila? Hahayaan mong gano'n na lang iyon?"
"Ang drama mo, apo. Madali lang humanap ng lalaki, pero isa lang ang ina mo. Huwag mo nang dibdibin pa."
"Enough, la. Hindi ako uuwi. Ayaw ko na pong umuwi. Sa totoo lang ay hindi ko po responsibility na buhayin ang mama ko. Ginawa ko lang iyon dahil mahal ko siya. Pero ngayon... no... hindi ko na kayang pasanin ang taong nangtraydor sa akin."
"Aba! Talagang papabayaan mo? Mayaman ang boyfriend mo pero alam mo namang hindi na binibigyan ng allowance ng magulang niya... sinong bubuhay sa kanila? Ako?"
"Alangan naman pong ako? Niloko na nga ako tapos palalamunin ko pa iyong boyfriend ko at nanay ko na nanlolo sa akin. Hindi naman po ako martir at tanga para gawin po iyon," inis na ani ko rito.
"Galit ka ngayon pero tiyak namang mapapatawad mo rin sila, Lia. Basta mag-usap kayo ng mama mo. Iyong hulog sa car ni mama this month huwag mong kalimutan."
Putangina! Kasing tigas yata ng bato ang mukha nila.