Madaling araw na ngunit hindi pa rin natutulog si Lyndon. Nakaupo lamang siya sa labas ng pinto ng kanilang bahay at hindi iniinda ang lamig na dulot ng pag-ulan kanina na ngayon ay huminto na sa pagbuhos. Basang-basa ng ulan si Lyndon ngunit hindi niya iyon binibigyan ng pansin. Tulala lamang siyang nakatingin sa malayo. Tumatakbo sa isipan ni Lyndon ang mga nangyari na kahit kailan ay hindi niya akalain na mangyayari. Hindi niya inaasahan na ang taong ayaw niyang mawala sa mundo niya ay siyang kamumuhian din niya. Kinapa ni Lyndon ang likod ng bulsa niya at kinuha ang wallet doon. Binuksan niya iyon at tiningnan ang litratong nakalagay sa photo pocket nito. Litrato nila iyon nila Candice at Timothy. Buhat-buhat ng namayapa niyang asawa ang sanggol na inampon nila noon. Ang mukha ng

