Mag-isa sa sala si Lyndon. Tulala siyang nakaupo sa sofa at kanina pa nakatingin sa telebisyong walang buhay. Tumatakbo sa isip ni Lyndon ang mga napag-usapan nila ni Kate. Ngayong nagpakita at nagpakilala na ito sa kanya, siguradong hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto nito. Hindi hahayaan ni Lyndon na magtagumpay ito. Gagawin niya ang lahat huwag lang muna malaman ni Timothy ang totoo. Wala namang balak si Lyndon na ilihim kay Timothy habangbuhay ang tungkol sa tunay nitong pagkatao ngunit sa ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nito ang katotohanan. Bata pa si Timothy ngunit matalino ang bata kaya naman siguradong masasaktan ito sa oras na may malaman ito at iyon ang hindi niya muna hahayaang mangyari. Napabuntong-hininga nang malalim si Lyndon. Ngayon

