Pabalik-balik sa paglalakad si Uno sa loob ng kanyang kwarto. Hindi siya mapakali at halata sa kanya ang pagkalito. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang mga sinabi sa kanya ni Lyndon tungkol sa pagkamatay ng asawa nito sa panganganak. “Kung nine years na ang nakalipas mula ng mamatay siya sa panganganak… tapos kaka-ten years old lang ni Timothy… may posibilidad na anak nga nila ito. Ibig bang sabihin nun…” napailing-iling si Uno at hindi na itinuloy ang iba pang sasabihin. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Alam ni Uno kung kailan ang birthday ni Timothy at no’ng nakaraang buwan pa iyon. Mag-isa nga lamang niyang cinelebrate iyon. Iyon ang panahon na hindi pa niya alam kung sino ang nag-ampon sa kanyang anak. Ngunit malakas ang pakiramdam ni Uno na anak niya si T

