Napangiti si Uno nang mailagay na niya sa tupperware na nakapatong sa mesa ang menudo na iniluto niya. Ibibigay niya ito kay Lyndon at Timothy bilang pambawi niya sa ibinigay sa kanyang kaldereta no’ng nakaraan. Kinuha ni Uno ang takip ng tupperware at ipinantakip iyon. Napangiti siyang muli dahil naalala niya ang mga magagandang nangyayari nitong mga nakalipas na araw. Pamaya-maya ay iniwan na muna ni Uno sa mesa ang tupperware na naglalaman ng menudo saka umalis sa kusina. Pumunta siya sa kanyang kwarto para kumuha ng twalya dahil maliligo siya. Lumipas ang halos dalawampung minuto ay natapos din si Uno sa pagligo. Muli siyang bumalik sa kanyang kwarto na nakatapis na lamang ng twalya kaya kita ang maganda niyang pangangatawan na medyo mamasa-masa pa. Lumapit si Uno sa kanyang cabine

