Chapter 1
Chapter 1:
“Wow!” bulalas ni Gianna nang makita kung gaano kagara ang Crescent University. Dito siya dinala ng kanyang Lola Nena. Inihatid pa siya nito sakay ng kanilang bagong biling BMW. Isa kasing surgeon ang kanyang lola habang ang kanyang mga magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Iyon ang pagkakaalam niya. Sikat ang Crescent University sa bayan nila kay nang alukin siya ng kanyang Lola ay tinanggap niya ito.
“Ang ganda, Lola Nena!” namamanghang aniya habang iginagala ang paningin sa malaki at mahabang gate ng naturang Unibersidad. Hindi niya maitago ang pagkamangha.
“Sabi ko naman sa ‘yo, maganda ritong mag-aral, Gianna,” nakangiting usal ng kanyang lola. Sa edad na sixty ay malusog pa rin ang matanda. Iyon kasi ang sinabi nito sa kanya. Siguro ay dahil na rin sa diet nito. Mahilig kasi sa gulay ang Ginang at puro tubig lang ang iniinom nito. Ngunit nagtataka siya kung bakit mukha pa rin itong bata ngayon. “Alam na rin ng Mommy at Daddy mo na mag-aaral ka rito,” pagbibigay-alam nito sa kanya.
Ngumiti siya. “Thank you, Lola. Akala ko kasi ay isang cheap na school ang sinasabi mo. Kung alam ko lang sana ay matagal na akong pumunta rito,” aniya habang sinisilip ang loob. Hindi naman niya iyon makikita. May hugis buwan sa gitna ng gate at kulay pula iyon. A shiver run down her spine. Mukhang may kakaibang kuryente ang dumaloy sa kanyang sistema nang matitigang mabuti ang logo ng school.
“I like it, and I’m sure I’m going to love this place, Lola. Salamat,” nakangiting usal niya.
“Ihahatid pa ba kita sa loob?” tanong ng Ginang. Ngumiti pa ito sa apo.
Umiling lamang si Gianna at umibis na ng sasakyan. Lumabas din ang Ginang at tinulungan ang apo na ilabas ang mga maleta nito. May dormitory raw dito kaya mas lalo niyang nagustuhang dito mag-aral.
“Mauuna na po ako,” paalam ni Gianna sa kanyang Lola. Napatitig siya rito nang pagngiti ng matanda ay napansin niya ang matatalim nitong ngipin. Mabilis itong nagmaneho paalis. Kinabahan siya. Akala niya kasi ay nagmukha itong bampira. “Tsk! They’re not true,” usal niya sa sarili bago hinarap ang malaking gate. Napaigtad siya sa gulat nang bigla itong tumunog hudyat na bumukas ito.
Umatras siya nang gumawa iyon ng ingay. Dahan-dahan itong bumukas at nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyang makita kung gaano kagara ang naturang eskuwelahan. “Damn! This is heaven!” impit niyang sambit sa sarili. Excitement slowy crept on her. Napapasayaw pa siya dahil doon.
Kaagad siyang pumasok habang tulak-tulak ang kanyang maleta. Napaigtad siya nang may biglang dumaan sa gilid niya ngunit wala namang tao roon. Walang tao ngunit ramdam niya ang presensiya nito. “Ano ‘yon?” nahihintakutang tanong niya sa sarili.
Iwinaksi na lamang niya iyon sa kanyang isip at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang minuto rin ang nilakad niya at nagsisisi siyang hindi siya nagpahatid sa kanyang lola. Sumakit kaagad ang kanyang mga paa dahil sa suot na sapatos. Nasa tapat na siya ng main door nang bigla itong bumukas. Bumungad sa kanya ang dagat ng mga tao na hindi magkamayaw. Namangha na naman siya at ang mas nakakagulat ay lahat napatingin sa gawi niya.
Tumigil ang mga ito sa ginagawa habang nakatitig sa kanya. Nagtaka siya sa mga reaksyong nakuha galing sa mga kapwa niya estudyante. “Am I this beautiful?” napapangiting tanong niya sa sarili. Hindi niya alam kung saan tutungo dahil sa dami ng taong nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay nilulunod siya nang mga tinging iyon at hindi niya alam kung paano bumawi.
Napabalik siya sa huwisyo nang may lumapit sa kanya na isang lalaki. Matipuno ang katawan nito at mukhang security ang porma. Itim nga lang halos lahat ng suot nito. “Good morning, Ms. Hamilton. This way please,” usal nito sa kanya habang iminuwestra ang daan. Nanguna ito sa kanyang maglakad.
Nagtaka siya dahil kilala siya nito habang hindi pa naman niya nasasabi ang pangalan niya. Naisip niya ang kanyang Lola. Marahil ay ito ang nagsabi sa namamahala rito. Total hindi naman basta-bastang nakakapasok dito. Iginiya siya nito sa isa pang building. Ginawan siya ng school identification card at ipinasa naman niya ang kanyang credentials na hindi naman tinanggap dahil hindi raw iyon kailangan.
Umismid na lang siya. Ang sabi kasi ng nasa front desk ay ipinasa na raw ni Mrs. Nena Villanueva ang kanyang mga papeles. Lola niya iyon kaya naman kaagad siyang napangiti. Ang kailangan niya na lang ngayon ay ang mag-aral nang mabuti at huwag makipag-away. She’s a warfreak. Kaya nga hindi siya tumatagal sa isang school dahil sa pagiging sakit niya sa ulo. Hindi naman siya mahilig makipag-away sadyang lapitin lang talaga siya ng gulo. Palaban naman siya palagi. Ayaw niyang naiisahan at binu-bully.
Dahil sa kanyang ugali ay wala siyang kaibigan. Natatakot daw ang mga kaklase niya sa kanya kaya walang nakikipaglapit sa kagaya niya. “Thank you,” nakangiting usal niya nang ibigay sa kanya ang kanyang identification card. Napangiti siya lalo nang makita ang ganda nang pagkakagawa niyon.
“Here’s the map of the school,” usal ng kasama niya kaninang lalaki. “I am Rage,” pakilala nito bago yumuko. “The Head of Security,” dagdag pa nito.
Napaayos siya ng tayo bago ngumiti sa bagong kakilala. “Gianna,” nakangiting usal niya bago inilahad ang kanyang kamay.
Tiningnan iyon ng lalaki at mukhang nagdadalawang-isip pa ito ngunit kalaunan ay tinanggap naman nito ang kanyang kamay. Ngumiti pa muna siya sa lalaki bago tumalikod at hinahanap ang kanyang magiging room. Sa kanang bahagi ng Crescent University ay ang dormitory ng mga lalaki at sa kaliwang bahagi naman ay ang dormitory ng mga babae at doon siya pupunta. Kailangan niyang ilagay ang kanyang mga gamit.
Ilang metro ang nilakad niya at napapagod na siya. Three-inches kasi ang suot niyang sapatos. Sanay naman siyang magsuot nang ganoon katangkad na sapatos ngunit dahil sa haba nang nilalakaran niya ay nanghihina ang kanyang mga tuhod. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang kanyang hinahanap.
“Luna,” basa niya sa mga letrang nakalagay sa gate nito. May malaking buwan sa harap at pula iyon. Katulad noong nasa gate ng mismong University. Napangiti siya bago naglakad papasok. Wala naman masyadong tao dahil halos lahat ay may klase. Wala rin siyang nakikitang naglalakad maliban sa mabigat na presensiyang kanyang nararamdaman. Napaigtad siya at diretso ang tingin habang naglalakad. Kailangan niyang maging mabilis at hindi naman niya ang alam kung ano ang kanyang napapansin. Pakiramdam niya lang ay palaging may nakasunod sa kanya. Nawawala lamang iyon kapag may tao o may kasama siya.