Kabanata 42 S U N N Y "Ano?" Isang malutong na mura ang agad na lumabas sa bibig ni Silver nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa party kagabi. Alam ko na magiging ganito ang reaksyon niya pero sinabi ko pa din dahil paniguradong malalaman din naman niya ito sa iba. Mas lalo lamang siyang magagalit kapag hindi niya sa akin nalaman mismo ang nangyari kagabi. "Siraulo pala ang gagong 'yon! Anong gusto niya? Naghahamon ba siya ng away? Pasalamat siya wala ako d'yan kagabi at baka nakatikim siya sa akin. Ang lakas ng loob ng kupal na 'yon, galawin ka. Hindi ko palalampasin 'to. Subukan niya lang magpakita sa akin, siya naman ang bibiruin ko," may pagbabanta niyang sabi. "Tumigil ka nga, Silver. Huwag mo nang palakihin pa ang gulo na 'to. Tapos naman na iyon. Nangyari na. Saka hindi nam

