Kabanata 41 S U N N Y Pag-alis ni Bren ay saktong pagpasok naman ni Alistair sa aming kwarto. Agad nagtama ang aming tingin nang buksan niya ang pinto at nagtagal iyon ng ilang segundo din. Suminghap siya bago nagbawi ng tingin. Naglakad siya papunta sa kama niya at naupo doon. Nilagay niya ang magkabilang siko niya sa kanyang mga tuhod at muling tumitig sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya ngayon habang tinitignan ako. Basta ang alam ko lang ay may kung ano sa titig niya na nakakapagpalambot sa mga tuhod ko. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula itong ganitong epekto ng titig niya sa akin. Ngayon lang yata, mula nang makita ko siyang ipagtanggol ako sa harap ng napakaraming tao. "Why were you with

