Kabanata 40 S U N N Y "Akala ko ba para sa'yo ang party na ito, but why are you here?" Nang lumingon ako ay agad kong nakilala kung sino ang nagsalita. Si Alas iyon, nakasuot siya ng puting v-neck shirt na pinatungan ng itim na leather jacket. Medyo gulo ang buhok niya dahil sa hangin pero ang gwapo pa din niyang tignan. Naiilawan ang kalahati ng mukha niya at ang kalahati naman ay nasa dilim. Agad akong nagtangkang tatayo sa kinauupuan ko nang bigla na lang siyang maupo sa tabi ko, may malaki pa din namang distansya sa pagitan naming dalawa. Nagtatakang tinignan ko siya. Hindi ko alam na nandito din pala siya. Alam ko naman na imbitado siya sa party na ito pero hindi ko lang talaga inasahan na talagang pupunta siya. Akala ko kasi hindi siya pupunta. Pero ngayon na nandito siya, parang

