Kabanata 39 S U N N Y "Wala bang juice d'yan? Masama ang pakiramdam ko, ayokong uminom," pagdadahilan ko. Oo, alam ko, napaka KJ ko para sabihin iyon pero hindi naman siguro masamang tumanggi sa inuman paminsan-minsan. Ayoko kasi talagang uminom ngayong gabi. Sa dami ng taong nakapalibot sa akin ngayong gabi hindi pwedeng magpabaya ako. Hindi pa nga nagsisimula ang tournament, matatanggal na agad ako? S'yempre hindi ako papayag na ganoon. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ako mabuko. Kailangan kong mag-ingat. "Anong juice? Hindi pwede 'yan dito! Ito ang inumin mo," agad na sabat ni Kean nang marinig ang sinabi ko kay Bren, nag-abot pa talaga ng isang boteng alak sa harapan ko. Tinignan ko iyon at napalunok. Sa itsura palang noon alam ko na agad na matapang 'yon. Baka ilan

