Kabanata 38 S U N N Y Agad akong sinalubong ni Bren nang natanaw niya kaming palabas sa maingay na pool area. Nagulat ako sa dami ng taong naroon. Alam ko naman na madami silang inimbita pero hindi ko akalin na ganito pala talaga kadami ang pupunta. Halos malula ako sa dami ng tao sa paligid ko. Parang halos lahat ng nasa pro-scene ay inimbita na nila. May mga vlogger pa akong nakita at ilang sikat na model. May artista pa nga yata akong nakita, hindi lang ako masyadong sigurado kasi bigla na akong hinila ni Bren papunta sa lamesa nila. Napasulyap ako sa medyo naiwang si Alistair dahil sa panghihila ni Bren sa akin. Wala naman akong nakitang iritasyon sa kanya. Nakatingin lang siya sa amin habang nakasunod. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay tipid siyang ngumiti. Parang may

