Kabanata 34 S U N N Y Sa sumunod na araw ay wala kaming training kaya sinubukan kong yayain ang apat na kumain sa labas. S'yempre kasama na si Alistair doon, hindi ko na nga lang siya inaya dahil may kasunduan naman na kami kahapon na kakain sa labas at sagot ko bilang pasasalamat ko sa pagbabantay niya sa akin kahapon habang masama ang pakiramdam ko. Sa lahat ng tao dito sa bootcamp hindi ko inasahang si Alistair pa ang gagawa noon para sa akin. As in sobrang nagulat talaga ako na hindi niya ako iniwan hanggang sa hindi siya nakakatiyak na ayos lang ako. "Bakit nagyayaya ka ngayon? Pagkatapos mong hindi sumama kahapon, ngayon ka magyayaya?" May halong pagtatampo sa boses na sabi ni Bren pero alam ko namang nagbibiro lang ito. "Masama nga kasi ang tiyan ko kahapon kaya hindi na ako nak

