Kabanata 50 S U N N Y Hinatid ako ni Silver hanggang sa bootcamp. Sinabi kong huwag na niya akong ihatid pero nagpumilit pa din siya kaya hinayaan ko na. May magagawa pa ba ako kung siya itong mapilit. Gabi na kami nakarating sa bahay dahil dumaan pa kami sa restaurant na madalas din naming kainan. S’yempre nagpalibre lang ako sa kanya dahil wala na akong budget, napunta na sa regalo ko sa kanya ang pera ko. Pero ayos lang dahil minsan lang naman akong magbigay ng mahal na regalo sa kanya. Sigurado naman din akong matutuwa siya sa regalo ko. Hindi naman masyadong mahal pero para sa akin mahal na iyon dahil halos maubos ang laman ng wallet ko sa gift na ‘yon. Hindi naman kasi ako kasing yaman niya. Pagpasok ko pa lang ay naabutan ko na ang boys sa sala. Mukhang naisipan nanaman nilang m

