Kabanata 18
S U N N Y
Napasandal na lang ako sa gaming chair pagkatapos ng unang laro. Nahihina ako at nadidismaya sa sarili ko dahil sa mga error na nagawa ko sa laro. Kanina pa mainit ang ulo ni Alistair sa akin at hindi manlang siya nag effort itago ang iritasyon niya sa akin. Halos bugahan na niya ako ng apoy kanina. Ramdam ko talaga na gusto na niya akong sigawan kanina sa dami ng pagkakamaling nagawa ko.
Aminado naman ako na marami talaga akong nging pagkakamali kanina pero kailangan ba talagang magalit siya ng sobra na para bang nasa tournament na kami kahit nagpa-practice pa lang naman kami dito? Unang beses pa lang naman ito tapos ganito na agad kainit ang ulo niya? Mas lalo lang akong nagkakamali dahil sa ipinapakita niyang attitude sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko.
Paano ako maakapag focus sa laro kung ganito siya? Mas lalo lang akong natataranta at hindi makapag-isip ng maayos dahil sa kanya.
"What the hell is your problem?" pagalit niyang asik sa akin nang balingan niya ako.
Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili bago ako muling nagmulat. Ano bang problema sa akin ng lalaking ito? Napakalaki talaga ng galit niya sa akin. Nanalo naman kami kahit ang dami kong pagkakamali kaya ano pang ikinagagalit niya?
"You are obviously throwing the game!"
What the hell? Bakit ko naman gagawin iyon? Baliw na ba ang isang ito?
"I'm not. I just couldn't focus." Dahil sa pinapakita mo!
Gusto ko sanang idugtong iyon kaya lang baka mas lalo lang siyang magalit sa akin at mas lalo lang akong mapag-initan dito.
"If you can't f*****g focus. Then you shouldn't be here. You should never f*****g join the pro-scene, kung simpleng pag focus lang sa laro hindi mo pa magawa!"
Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nasasabi niya ng diretso ang mga masasakit na salitang iyon. Uminit ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Agad inatake ng sakit ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi ko inasahan na magagawa niyang sabihin sa akin ang mga salitang iyon. Sobrang sakit. Tagos iyon hanggang sa dibdib.
S'yempre dahil sa kanya pa talaga nanggaling ang mga masasakit na salitang iyon. Sa taong pinaka iniidolo ko pa talaga sa pro-scene. I always look up to him kaya sobrang sakit para sa akin makarinig ng mga ganitong salita mula sa kanya. I always look up to him, so it hurts so much for me to hear such harsh words from him.
Okay lang sana kung sa iba ko marinig ang mga katagang iyon pero hindi, eh. Sa dami ng pwedeng magsabi sa akin noon, siya pa talaga. Ang taong tinitingala ko pa talaga ang makakapagsabi noon. Sobrang sakit.
Kumuyom ang mga palad ko kasabay ng pag-iinit ng magkabilang gilid ng mga mata ko.
"I think that's too much, bro," si Marcus na may bakas ng pag-aalala para sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pilit pinigilan mapaiyak.
"Ano bang problema? Nanalo naman tayo, ah. Masyado mo naman yatang pinag-iinitan si Rain? Baka nakakalimutan mo, kapapasok niya pa lang sa team natin kaya normal lang kung nagkakamali pa siya. Masyadong mainit ang ulo mo, umpisa pa lang ng laro, kaya mas lalo lang siyang na pi-pressure."
"So it's my fault now? Kasalanan ko pa na mali-mali 'yan?" sabay baling muli sa akin ni Alistair.
"Hindi ganyan, Master." Umiling-iling si Kean habang may dismayadong tingin kay Alistair.
Pumikit ako ng mariin at hindi na nakapagpigil pa.
"Ano ba talagang problema mo sa akin, huh? Ano bang ginawa kong masama sa'yo at ganito mo ako tratuhin? Hindi na ba pwedeng magkamali ang tao? Humihingi naman ako ng paumanhin sa tuwing nagkakamali ako, di ba? Kailangan pa ba talagang umabot sa ganito, na minamaliit mo na ako? Bakit? Dahil bago lang ako sa inyo, pag-iinitan mo na ako? Hindi naman siguro ako makakapasok sa team na ito kung hindi ako deserving, di ba? Pinaghirapan ko ding makapasok dito kaya hindi mo ko kailangang bastusin ng ganyan. Kung ayaw mo ako sa team na ito, sabihin mo kay coach, hindi 'yong pag-iinitan mo ako ng ganito! Hindi naman ako tanga! Nakapasok ako dito kasi marunong ako, kung kukwestyonin mo ang kakayahan ko, hindi ba parang kinuwestyon mo na din ang kakayahan ni coach at ng president kasi sila ang pumili sa akin at naglagay sa akin dito."
His jaw clenched. His eyes are burning with anger. Pero wala na akong pakialam pa doon. Magalit na siya sa akin kung gusto niya pero hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. Hindi din ako papayag na basta na lang tutunganga dito at hahayaan siyang maliitin lang ako. Sabi ko nga, kahit sobrang gustong-gusto ko pa siya, hindi ko siya uurungan. Lalo na at wala naman talaga akong ginagawang masama sa kanya. Nananahimik ako dito pero kung patuloy niya akong pag-iinitan, talagang lalaban ako.
"Anong nangyayari dito?"
Sabay-sabay kaming napabaling sa bagong dating na si coach. Yumuko lang ako at wala ng sinabi pa.
Pagkatapos no'n ay basta na lamang umalis si Alistair na wala manlang sinasabing kahit ano. Napapikit ako ng mariin at nanghihinang napasandal muli sa inuupuan ko.
"What happened?" si coach iyon na naghihintay ng paliwanag mula sa amin.
Tumikhim si Bren bago siya ang sumagot sa tanong nito.
"Wala naman, coach. Medyo hindi lang naging maganda ang laro namin kanina."
"Ganoon ba? That's fine. We will fix that," ani coach bago pumunta sa sarili niyang gaming chair at PC.
"Pasensya na, coach. Pumalpak ako," amin ko habang napapakagat sa ibabang labi ko.
"I said that's okay, Rain. Normal lang na hindi maging maganda ang laro mo sa una dahil hindi mo pa naman kabisado ang galaw ng mga kasama mo."
"Tama si coach. Okay lang 'yan, Rian. Ganyan din naman ako noong una. Nahihirapan din ako sumabay sa kanilang lahat. Siguro dahil na din sa matinding pressure."
"Pero kahit na, nakakahiya pa din iyon. Lagi kong sinasabi na idol ko kayong lahat dito, na lagi akong nanonood ng mga laban niyo, tapos hindi ko pa din pala kabisado ang mga galaw niyo? Nakakahiya."
"Anong nakakahiya doon? Nagbabago ang laro namin habang tumatagal. Tingin mo mananalo pa din kami kung iisa lang ang galaw na pinapakita namin? Hindi, dahil mahuhulaan agad ng kalaban namin ang mga susunod naming galaw. Tingin mo ba hindi nila pinag-aaralan ang laro namin? S'yempre pinag-aaralan nila 'yan kaya kinakailangan din naming baguhin ang game play namin. Naiintindihan mo ba? Kaya hindi mo kasalanan kung medyo naninibago ka pa sa bago naming sistema sa paglalaro," si Marcus na ngayon ko lang narinig na magsalita ng seryoso. Akala ko tulad din siya nina Dylan at Kean na puro kalokohan lang ang alam sabihin, pero mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya.
"I agree," si Bren na ngumiti ng bahagya sa akin upang pagaangin siguro ang loob ko kahit papaano.
"Tama si Marcus. Nagbabago ang gameplay namin sa bawat season. Hindi pupwede na iisang galaw lang ang ipapakita namin sa mga tao, hindi kami mananalo kapag ganoon, dahil mabilis na mapag-aaralan ng kalaban ang mga susunod naming hakbang." Si coach.
"Hindi naman iyon, coach, eh. Ang panget talaga ng laro ko kanina. Hindi ako nakapag focus ng maayos sa laro."
"That's okay! Ganyan naman talaga sa simula. Lahat namin kami dito dumaan sa ganyan. Mas grabe lang siguro 'yong pressure sa'yo dahil nandito ako. Pasensya na, ha? Nai-intimidate ka ba sa akin, Rain?" nakangisi na ngayong biro ni Dylan.
Hindi ko na din tuloy napigilang mapangiti. Napailing ako habang nangingisi.
"Don't worry, Rain. I'll talk to Ali. Medyo hindi ko na nagugutuhan ang trato niya sa'yo."
"Huwag na coach. Naiintindihan ko naman kung ayaw niya sa akin ngayon. Wala pa naman kasi akong napapatunayan sa pro-scene tapos napili agad ako sa team niyo. Baka iniisip niya lang na hindi ako karapat-dapat para dito. Pero ayos lang dahil nakahanda naman akong patunayan ang sarili ko sa inyo."
"Rain, hindi ka mapipili kung wala kaming nakitang potential sa'yo. Magaling ka kaya ka nakapasok. Huwag na huwag mong pagdududahan ang sarili mong kakayahan dahil iyan ang ikakabagsak mo."
Tumango ako kay coach.
"Alam ko naman iyon coach. Saka hindi ko pinagdududahan ang sarili ko. Sinasabi ko lang na gusto kong patunayan na karapat dapat ako para sa posisyon na ito."
"Of course. Hindi ka mapipili kung hindi."
"Patutunayan ko pa din coach. Baka hindi pa din sapat kay Alistair iyong mga ipinakita ko no'ng tryouts. Baka may hinahanap pa siyang iba, kaya hindi niya ako matanggap-tanggap para sa team na ito."
Bumuntong hininga si coach bago siya tumango.
"Ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo. Basta ako, naniniwala akong kaya mong sumabay sa laro ng mga ito. Hindi mo na kailangang patunayan ang sarili mo sa akin. Sapat na sa akin ang mga pinakita mo no'ng tryouts."
"Sa akin din. May tiwala ako sa management natin. Hindi sila kukuha ng hindi magaling." Si Kean na sinang-ayunan naman ng tatlo pa.
Bumaling ako kay coach Ry upang magpasalamat.
"Maraming salamat sa pag-intindi, coach."
Sunod na bumaling ako sa apat.
"Maraming salamat din sa pagtitiwala niyo, guys. Pangako, hindi ko kayo bibiguin. Mag cha-champion tayo this season. Hindi lang Pilipinas at Asya kundi sa buong mundo," sabi ko ng nakangisi at may halong pagmamayabang.
"Yan ang gusto ko sa'yo!" si Bren na inilapit pa ang inuupuan sa akin pa para makipag-high five. Natawa na lang ako.