009

1113 Words
Kabanata 9 S U N N Y Umangat ang tingin ko mula sa screen cellphone ko hanggang sa bagong ligong si Alistair. Automatic na umawang ang mga labi ko nang makitang topless siya at mayroon lamang tuwalyang nakakapit sa baywang niya. Basang-basa pa ang buhok niya habang pinupunasan niya ito ng isa pang tuwalya. Oh my god. Mabuti na lang at mabilis kong natakpan ang bibig ko bago pa tuluyang tumulo ang laway ko sa sobrang hot ng lalaking nasa harapan ko ngayon. I swear, para akong nakakita ng anghel na biglang bumaba sa lupa, anghel na topless at katatapos lang mag shower. Ang mga patak ng tubig mula sa kanyang basang buhok ay bumabagsak sa kanyang malapad na dibdib. Darn! Parang gusto ko na lang maging isang patak na tubig. Jusko, pati ba naman patak na tubig ay kaiinggitan ko pa? Sino ba namang hindi? Malaya siyang nakakapaglandas sa dibdib ng baby ko. Nailunok ko na lang ang laway na dapat sana ay tutulo na mula sa bibig ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa iniisip kong ito. Minamanyak ko lang naman siya sa isipan ko at hindi magandang senyales iyon. Oo, aware naman ako na hindi magandang magnasa ng ganito sa isang tao. Pakiramdam ko kasi kahit wala akong ginagawa parang minamanyak ko na din siya dahil sa mga ganitong pag-iisip ko. Ayoko ng ganito. Jusko, hindi naman ako ganito. Kailan pa ako nagkaganito? Ngayon lang! Oo, aminado ako na nagagwapuhan ako sa kanya pero never pa akong nag-isip ng ganito sa kanya noon. Pero kasi naman, eh. Ang hirap kayang hindi maglaway kung ganito ba naman ang masisilayan mo. At baka pa araw-araw ko siyang makitang ganito. Oh, damn! Baka araw-araw din akong magkasala kung ganito. Bakit ba ganito kaperpekto ang lalaking ito? Seriously, wala ba siyang maipapakitang panget na katangian sa akin, bukod sa pagiging suplado niya? Tapos may gana pa siyang magpakita ng ganito sa akin? Pumikit ako ng mariin upang manalangin at humingi ng tawad. Pinagsalikop ko ang mga palad ko na parang nagdadasal. Pakiramdam ko sobrang mali nitong mga iniisip ko. Hindi pwede itong ganito. Patawarin niyo po ako sapagkat isa lamang po akong tao na nagkakasala din paminsan-minsan. Hindi ko po maipapangako na hindi na ako magkakasala ng ganito dahil hindi naman po natin masasabi kung ano ang mangyayari sa future. Pero sana patawarin niyo pa din po ako. Huwag po kayong magsawang patawarin ako kung magkasala man ako ng paulit-ulit habang naririto ako. Ang hirap-hirap lang po kasi talagang pigilan ng tukso. “What are you doing?” Agad akong napadilat nang marinig ko ang iritadong boses ng taong dahilan kung bakit ako nagkakasala ng ganito. Pagdilat ko ay naabutan ko itong nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na para bang sobra siyang nawiwirduhan sa akin. Nakasampay na sa batok niya ang tuwalyang kanina lang ay ginagamit niyang pantuyo ng kanyang buhok. Kagagaling lang niya sa shower pero parang mainit nanaman ang ulo niya. Pero kahit mukhang mainit nanaman ang ulo niya ang gwapo pa din talaga. Ang sarap-sarap pagmasdan. Kung hindi lang ako nagkakasala sa pagtitig sa kanya baka buong maghapon ko na siyang tinitigan dito at hindi na ako lumabas pa ng kwartong ito. “Huh? Ah…” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nahuli niya ba akong nakatitig sa katawan niya kanina? “Nagdadasal… Medyo hindi kasi maganda ang napanagnipan ko kanina kaya naisipan kong magdasal.” Kadarasal ko lang may bago nanaman akong kasalanang nagawa. Nagsinungaling naman ako ngayon. Diyos ko, dadalas yata ang pagkakasala ko dahil sa lalaking ito, ah. Totoo ngang nakakasala ang mga lalaking ubod ng gwapo tulad ni Alistair. His forehead creased with confusion. He looked at me as if I was too weird for him. Ngumiti na lamang ako para ikubli ang kahihiyang nararamdaman ko. Nakakahiya ka, Sunny. Nakita ka pa yata niyang nagnanasa sa katawan niya kanina. Hindi ka na nahiya. Kanina habang tulog siya pinagmamasdan mo na siya tapos ngayon naman nagnanasa ka harap-harapan sa katawan niya. Sino ba naman kasing hindi, di ba? Nasa harapan mo na, eh. Nasa harapan mo na ‘yong palay. Tutukain mo na lang. Omg! Ayoko na talaga ng ganito. Pwede bang magpalit ng isip ang tao, masyado na yatang polluted itong akin. Wala na siyang sinabi pagkatapos no’n. Kumuha lang siya ng mga damit sa cabinet niya at pumasok na ulit sa banyo para yata magbihis. Malamang, Sunny. Ano pa ba ang gagawin niya doon kundi magbihis? Umiling-iling ako bago tumayo. Tama na ito. Sobra na itong mga naiisip kong ganito. Imbes na makapagpahinga ay mukha pa akong na stress sa tinatakbo ng isip ko. Lumabas na lang ako nang matigil din itong mga naiisip kong ganito. Naabutan ko sina Kean at Dylan sa salas. Silang dalawa lang ang naroon at may kung anong pinag-uusapan. “Oh, Rain, ikaw pala. Hindi ka makatulog?” may ngising tanong ni Kean habang nauupo ako sa couch na inuupuan din nilang dalawa. Tumango ako. “Oo, eh.” “Hindi ka makatulog o hindi ka lang komportableng kasama sa kwarto si master?” Umiling ako kaagad. “Hindi naman. Hindi lang talaga ako makatulog. Hindi naman kasi ako inaantok.” “Mamaya, ah. Iinom tayo,” paalala ni Dylan. Tumango ako. Mabuti na lang at marunong naman akong mag-inom kahit ganito ako at wala masyadong kaibigan. “Oo, ba.” “Malakas ka bang uminom, Rain?” “Hindi naman. Sakto lang. Siguro hanggang limang bote lang ang kaya ko. Depende s’yempre kung gaano kalaki ang bote.” Tumawa ako. Nakitawa naman din ang dalawa. “Si master kaya makikisali mamaya?” Agad na umiling si Dylan. “Naku malabo ‘yan. ‘Yong suplado pa ba na ‘yon? Sasali ‘yon kung tayo-tayo lang pero kung kasama si Rain, malabo.” Bumagsak ang magkabilang gilid ng labi ko. “Hayaan mo na, Rain. Sa una lang ‘yan ganyan. Makakasundo mo na din ‘yan at masasanay ka din na ganyan siya.” Tumango ako at ngumiti nang muli. “Alam ko naman. Hindi din ba kayo nagkasundo agad noong pumasok ka dito sa team?” Sandaling natigilan si Dylan upang mag-isip, umangat pa ang tingin niya sa kisame. Kumunot ang kanyang noo at muling ibinalik sa akin ang tingin. “Hindi ko na maalala, eh. Pero mabilis lang din naman kaming nagkasundo kung hindi ako nagkakamali.” Kung si Dylan na loko-loko, mabilis niyang nakasundo, siguro naman mabilis din niya akong makakasundo. I hope so. Isa iyon sa mga bagay na gustong-gusto kong matupad. S'yempre nandito na din naman ako lulubos-lubusin ko na. Hindi ako pwedeng mawala dito nang hindi kami nagkakasundo ni Alistair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD