008

2010 Words
Kabanata 8 S U N N Y Mabilis lang akong natapos sa pag-aayos ng mga gamit ko, dahil kokonti lang naman ang mga dala ko. Mga damit pa iyon ni Rain na naiwan sa bahay, kaya medyo maluluwag pa nga sa akin ang iba doon. At least may mga kasya pa naman sa akin, saka may magagamit ako. Konti na lang ang kailangan kong bilhin. Medyo paubos na din kasi ang pera ko. Mula kasi nang magpaiwan ako dito sa Pilipinas, sarili ko na ding pera ang ginagamit ko. Kung ano-anong trabaho na nga ang pinasok ko pero hindi naman ako nagtatagal sa mga trabahong iyon. Kaka-graduate ko pa lang din naman at kaaalis lang din ng mga magulang at kapatid ko ng bansa para sa ibang bansa na mamuhay. Nagpaiwan ako dahil ayoko talaga doon. Gusto ko dito sa Pilipinas dahil may pangarap nga akong gustong tuparin dito. Kaya lang ang hirap pala talagang kumita ng pera. Lalo na noong nawalan ako ng trabaho magdadalawang buwan na ang nakalipas. Mabuti na nga lang at lagi akong nakakalibre ng pagkain kapag na kina Silver ako. Kaya nga lagi talaga akong natambay doon. Mabait naman kasi ang mga magulang sa akin ni Silver, sa totoo lang para ko na nga ding mga magulang ang mga iyon. Wala silang ka alam-alam sa naging pagpasok ko dito sa Esports community, hindi na namin pinaalam sa kanila ni Silver dahil alam naman naming tututol ang mga iyon kapag nalaman nila. Hindi naman lingid sa kaaalaman namin ni Silver na delikado talaga itong ginagawa ko. Pero wala, eh. Nandito na ako. Nakapirma na din ako ng kontrata kaya wala ng atrasan pa ito. Saka matagal ko din namang pinag-isipan ito. Nag-aaral pa lang ako gusto ko na talagang gawin ito, nagkaroon lang ako ng pagkakataon nang umalis si Rain at ang mga magulang namin, mga limang buwan na ang nakakaraan mula nang gumraduate kami ng kambal ko sa kolehiyo. Hindi kasi ako papayagan ng mga iyon kung sakali mang ituloy ko 'yong balak ko na nandito sila sa Pilipinas. Pero s'yempre bago ako nakapasok dito, kung ano-ano munang trabaho ang pinasok ko para lang kumita. Hindi naman kasi ako pang live stream tulad ni Silver. Wala namang mag-su-subscribe sa akin kung hindi ako maganda or sexy. Tanggapin na natin, gano'n talaga halos ang katangian ng mga babaeng live streamer sa bansa. Maganda at sexy. Kapag wala ka ng dalawang katangian na 'yon, mahihirapan kang magkaroon ng maraming subscriber. Hindi ka din kikita. Kaya hindi talaga ako pwede sa ganyan. Saka hindi naman din iyon ang trip ko. Ang gusto ko talaga ay ang makapasok sa pro-scene. At ito na 'yon, unti-unti ko nang tinutupad ang pangarap na 'yon. Pasalamat na lang talaga ako at nakuha ako bilang bagong player ng team na pinaka hinahangaan ko mula pa noon. Nang natapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay naupo lang ako sa malambot na kama ko. Hindi naman ako inaantok kaya sa tingin ko hindi naman ako makakatulog. Nilingon ko ang natutulog na si Alistair bago ako nahiga din sa sarili kong kama. Pinanood ko lamang siyang matulog habang nagpapalipas ng oras. Buti nakakatulog siya nang may nakatingin sa kanya, kung sa bagay hindi naman niya alam na pinapanood ko siya ngayon habang natutulog siya. Ang sarap niya sanang pagmasdan pero pati ba naman sa pagtulog walang reaksyon ang kanyang mukha? Hindi ba nananaginip ang taong ito? Imposible, wala naman yatang taong hindi nananaginip. Pero curios lang ako kung nagbabago kaya ang ekspresyon ng kanyang mukha kapag may napapanaginipan? Ano ba 'yan, Sunny! Pati ba naman 'yan iisipin mo pa. Baliw ka na nga talaga. Buti hindi niya nararamdaman na may nanonood sa kanya habang mahimbing siyang natutulog. Hmm, ang sarap pagmasdan. Mukha siyang anghel kapag natutulog. Mukha din naman siyang anghel kapag gising dahil sa maamo niyang mukha. Suplado nga lang. May suplado bang anghel? Si Alistair. Ang gwapo mo sana kung hindi ka lang suplado. Pero ayos na din iyon kaysa naman matulad siya sa mga ka-team niya na puro babaero. Si Dylan, Marcus at Kean ang tinutukoy ko kasi kilala naman talaga silang playboy. Si Alistair at Bren lang ang hindi babaero sa kanila. Pati pala si coach. Si coach Ryan pa ba? Napaka disiplinado at bait kaya ng taong 'yon, tapos ang gwapo pa. Kung magkaka-crush pa ako ulit maliban kay Alistair, si coach na 'yon. Siya 'yong lalaking masasabi mong masarap maging boyfriend. Mabait, matalino at gwapo. Lahat na yata ng magagandang katangian nakuha na ni coach. Siguro ang swerte ng magiging girlfriend no'n. Si Bren mabait din naman at friendly, pero makalokohan din ang isang 'yon, eh. Mas malala lang talaga sina Dylan, Marcus at Kean sa kanya pero madami ding kalokohang alam ang lalaking 'yon. Pero wala pa ding papantay sa pagiging loko-loko ni Dylan. Siya yata ang pinaka sakit sa ulo ni coach Ryan, eh. Kahit nga ako kanina sumasakit ang ulo ko sa sobrang gulo ng lalaking 'yon. Gano'n din si Kean pero sa tingin ko naman mas napagsasabihan kahit papaano si Kean at Marcus kaysa kay Dylan na parang ang hirap pagsabihan kung minsan. Ang swerte lang talaga niya at kay coach Ryan siya napunta, kung sa ibang coach o team siya baka hindi umubra ang ugali niyang ganoon. Basta isa lang naman ang pinagkaparepareho nilang lahat. Lahat sila gwapo, kaya siguro sikat din ang team nila sa mga kababaihang tulad ko. Aminado naman ako na isa iyon sa dahilan kung bakit ko sila hinangaan noong una, pero habang tumatagal at unti-unti ko na ding nakikilala ang personalidad nila, mas lalo ko pa silang hinahangaan at minamahal. At least, hindi sila pekeng tao. Kung ano ang nakikita mong ugali nila sa social media, ganoon din sila sa personal. At iyon ang nagustuhan ko sa kanila. Sa totoo lang makukulit lang naman talaga sila pero mababait naman silang tao. Saka magaling talaga sila pagdating sa laro at doon ko sila pinakahinangaan. Sino ba namang hindi hahanga sa kanila kapag nakita mo silang maglaro. Sobrang gagaling. Bawat tournament nila may bago silang strategy na pinapakita. At siguradong iyon din ang dahilan kung bakit marami din talaga silang supporters. Kaya nga sobrang laking karangalan sa akin na mapasama sa grupong ito. Sobrang nakaka-proud na mapabilang sa grupo na ito. Noon pangarap ko lang ito, eh. Hindi ko talaga akalain na matutupad ang pangarap ko na ito. Sino ba naman kasi ang makakaisip na mapapabilang ako sa isa sa mga sikat na team sa bansa? Saka hindi lang sila dito sikat. Sikat din sila pati sa ibang bansa. Nawala ako sa iniisip ko nang biglang dumilat si Alistair. Agad akong pumikit para magkunwaring tulog kahit alam kong nahuli na niya akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya! Ano ba naman kasing naisipan mo, Sunny, at pinapanood mo 'yong natutulog na tao? Ikaw kaya ang panoorin habang natutulog, anong mararamdaman mo. Pinalipas ko ang ilang minuto bago ako muling dumilat para silipin ang ginagawa ni Alistair. Napabangon ako nang makitang wala na siya sa kama niya. Nasaan na ang isang 'yon? Hindi ko naman narinig na bumukas ang pinto kaya imposibleng lumabas siya, malamang nasa shower iyon ngayon. Baka naliligo. "Siguro nga," bulong ko sa sarili ko. Sumandal na lamang ako at hindi na sinubukang matulog pa, dahil hindi naman talaga ako inaantok. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa bedside table at naisipang buksan ang social media ko. Nga pala, gumawa ako ng bagong social media, s'yempre iyong may pangalan ng kakambal ko at picture ko na maiksi na ang buhok ko. Hindi ko naman kasi pwedeng gamitin 'yong totoo kong account na may totoo ko ding pangalan, dahil malamang mabibisto ako kapag iyon pa din ang gagamitin ko. Mabuti na lang at walang hilig sa social media ang kakambal ko, kaya wala manlang siyang social media account. Pero imposible naman yatang walang social media ang isang 'yon. Baka meron pero naka-private at hindi buong pangalan niya ang nakalagay. Pwede naman iyon, eh. Parang si Silver lang, Silvester ang totoo niyang pangalan pero Silver lang ang nakalagay sa kanyang social media account. Kinuhanan ko ng litrato ang sarili ko at siniguradong kita sa background ko ang kama ni Alistair bago iyon sinend kay Silver. Gamit ko na ang bago kong account na nakapangalan sa kapatid ko. Rain Vasquez: You see that bed? That’s Alistair’s bed. I typed in with a matching cute emoticon pa. Hindi ko maiwasang mangiti habang hinihintay ko ang reply niya. Pero baka tulog iyon dahil aabutin nanaman ng madaling araw ang pag-li-live stream niya. Ito lang ang oras niyang magpahinga at matulog. Ang sarap din ng buhay ng isang ‘yon. Nag e-enjoy lang siyang maglaro at kumikita na agad siya. Pero hindi lang naman iyon ang pinagkukuhanan ng pera ni Silver may mga investment na din siya kahit sa mga maliliit lang na kompanya o business. Nag-aaral pa lang kami nag-iinvest na siya sa mga ganoon, eh. Mukha lang hindi seryoso sa buhay ang lalaking iyon, pero sa totoo lang mas madiskarte pa sa akin ‘yon. Kuripot nga lang. Hindi manlang ako malibre sa mga mamahaling restaurant. Laging sa fast-food ako dinadala, pero ayos na din. At least nakakalibre ako sa kanya kahit papaano, saka halos sa kanila naman na ako kumakain talaga mula nang umalis ang pamilya ko sa bansa. Napangiti ako lalo nang makitang na-seen niya ang message ko sa kanya. Mukhang gising ang mokong, ah. Mabilis ang naging reply niya pagkatapos ma-seen ang message ko. Silver Verano: Tsk! Iyan lang yata ang dahilan kung bakit ka nand’yan, eh. Ngumuso ako bago nireply-an ang message niyang iyon. Rain Vasquez: Ano ka! Hindi, ah! Alam mo namang pangarap ko na ‘to mula pa man noon, di ba? Na-seen niya agad iyon. Bago siya makapag-reply doon ay nagtipa akong muli ng panibagong message sa kanya. Rain Vasquez: Hindi ka ba masaya para sa akin? Kinagt ko ang ibabang labi ko habang naghihintay ng magiging reply niya doon. Maya-maya ay lumabas na din ang reply niya. Silver Verano: Nami-miss ko lang ‘yong kaingayan mo dito. Napangiti ako sa reply niya na iyon. Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply ay may kasunod na agad iyon. Silver Verano: Nakaka-miss palang walang nag-aaway na dalawang bata dito sa bahay. May kasama pang emoticon na tumatawa. Ngumuso ako. Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya pati ang kapatid niyang walong taong gulang. Lagi kasi kaming nag-aaway ng kapatid niya kapag nasa kanila ako. Tapos lagi niya akong sinasabihan na isip bata dahil pati ba naman ang walong taong gulang niyang kapatid ay pinapatulan ko. Paano ang sarap-sarap kasing asarin ng kapatid niya. Wala naman kasi akong mas nakakabatang kapatid dahil dadalawa lang kami ng kambal ko. Kaya iyong kapatid na lang ni Silver ang madalas kong mapag-trip-an. Ang cute kasi no’n kapag paiyak na. Namumula ang pisngi. Maputi kasing bata. Hindi naman maputi si Silver pero napakaputi ng kapatid niya. Rain Vasquez: Miss ko na agad si Pat. With a sad emoticon. Silver Verano: Kailan mo balak bumisita ulit dito? Rain Vasquez: Hindi ko pa alam pero hindi na muna ngayong linggo. Kapapasok ko lang dito, eh. Nakakahiya naman kung lalayas agad ako para magliwaliw. Silver Verano: Bakit hindi ba pwede ‘yon kung wala naman kayong ginagawa? Rain Vasquez: Pwede naman pero ayoko lang muna ngayon. Baka next week. Not sure pa, pero bibisita ako din ako d’yan promise. Silver Verano: Tsk! Kapag hindi ka pumunta dito ako ang pupunta d’yan. Rain Vasquez: Pwede naman. Pero please lang, huwag ka naman sanang maghanap ng gulo dito. Silver Verano: Bakit naman ako maghahanap ng gulo d’yan? Eh, bibisitahin lang naman kita. Umirap ako. Okay, kunwari na lang hindi ko alam na may alitan sila sa social media ni Kean. Rain Vasquez: Okay, sabi mo, eh. Basta bago ka dumalaw magsabi ka, ah. Para masabi ko din kay coach. Silver Verano: Okay. At doon na nga natapos ang maikling palitan ng messages namin ni Silver. Mukhang matutulog na ang mokong, eh, kaya nagpaalam na din ako agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD