After 2 years and 1 month (2043) Nagulat ako nang may humila sa akin patayo sa couch ng nilingon ko si ate na naka-simangot ang mukha iisa ang manager namin pero, hindi kami palaging magkasama sa taping, guest o sa anumang mall show na pinupuntahan namin at ibang project na tinatanggap naming dalawa. Kahit palagi niya ako pinupuntahan kahit saan ako pumupunta para humingi ng sorry sa ginawa niya hindi ko pa rin siya napapatawad. Hindi ako katulad ng iba na madaling magpa-tawad at kalimutan lang ang lahat para lang sa trabaho. Professional ako pagdating sa trabaho pero, ayokong ma-isama ang problema ko sa pag-ibig at hindi maiiwasang maipakita sa mata ang tunay kong emosyon. Pati ang dalawang kaibigan namin na malapit sa amin madalang ko na lang puntahan o kausapin kapag ako dinadalaw

