Maraming nangyari sa career ko sa nakalipas na taon pagkatapos ng movie namin ni Allen bumalik ako sa Korea at tinapos ko ang commitments ko doon. Kinuha ko ang mga maleta ko sa umiikot na machine at binaba tinulungan pa ako ng isa sa katabi ko. "Thank you," tugon ko na lang. Huminga na lang ako bago hinila ang mga maleta ko. Mag-babakasyon ako ngayon sa Pilipinas para makahinga sa ginawang scandal ni Mariella sa akin sa Korea. Sirang-sira na ako sa k-netz ngayon pero, hindi sa kanya pumabor ang ginawa niya dahil kumalat sa internet ang tungkol sa panloloko niya kay Allen. Ginawa ko ang utos ng magulang niya sa akin na mabaling sa akin ang atensyon ni Allen nung panahon na may ginagawa kaming movie hindi naman nangyari lumayo pa sa akin noon si Allen. Baka, nung panahon na 'yon nalaman

