Chapter 9

1875 Words
Amilia's POV. Nanghihinayang akong bumaba ng taxi. Pano ba naman kasi, nakakahinayang yung pinambayad ko. Ano ba naman kasi tong main branch ng Pendleton Bank, walang dumadaan na jeep or bus or tricycle e di sana nakatipid ako. Kung wala kang sasakyan mapipilitan ka talagang mag taxi or uber, like me. Waaaah! Magtitipid ako ng husto ngayong week na to. Tumingala ako sa magandang building na nasa harap ko. "Wow ang yaman talaga nila Tito Dawson" hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng building na to. Parang sinasabi lang naman nila sa buong mundo na mayamang mayaman sila. Papasok na ko sa loob ng mapansin ko ang ngiting ngiti si kuyang guard sakin. Hindi ko na sana papansinin ang magdidiretso na sa pakay ko ng, pahintuin nya ko. "Ma'am although napaka ganda nyo po, hindi po kayo pwedeng pumasok agad agad" magalang nitong sabi sakin. Napangiti naman ako, sinimplehan ko nga lang ang ayos ko. "Ay ganun po ba, sorry! Ano po bang kailangan nyo?" tanong ko. "Valid ID na iba validate po namin dito sa scanner na to, malalaman po namin kung may nag e exist na tulad nyo, mahirap na po madami po kasing nagkalat na nagti take advantage" paliwanag nito sakin. Napatingin naman ako sa scanner na tinutukoy nya. Parang normal na photocopy machine pero dito may tatlong monitor. "Ah sige" sabi ko. Kinuha ko sa bag ko ang ID ko at inabot ito kay kuyang guard. Nakita kong tinapat nya yun sa sensor nya and then nagulat ako ng mag pop up ang mga info ko sa screen, pati mga iba ko pang ID, may ilan ding kuha ng CCTV. Grabe! Napaka high tech talaga ng PB "Ito na yung ID nyo ma'am, for security purpose lang po. Pwede na po kayong pumasok" sabi nito at inabot sakin ang ID ko. Tumango na lang ako. Wow! Ang astig ng machine na yun. For sure hindi yun mura. Tiningnan ko ang buong paligid ng PB, grabe para namang hotel na to sa sobrang engranda ng pagkaka estraktura. Siguro nasa mga 10 palapag lang ito. Teka, nasaan kaya ang office of the CEO? Malamang wala yun sa ground floor kasi dito nangyayari ang mga transaksyon. Papunta na sana ako ng elevator ng harangin ako ng isang babaeng naka uniporme ng pang PB. "Where do you think you're going?" nakataas ang kilay nyang tanong sakin. "Ha? Ako ba yung kinakausap mo?" turo ko sa sarili ko. "Who else! Tara na naghihintay na si Manager sayo!" asik nito sakin ng walang sabing hatakin ako sa braso ko. Bakit kasi ako nag heels! "Wait! Teka nga- "Okay, nandito na po sya Sir Jace" sabi nung bastos na babaeng to. Aapela pa sana ako kaso kung makakaladkad to, akala mo close kami! Tiningnan ko yung lalaking naka suit sa harapan ko. "You're applying right? Tara na, para mainterview kita" sabi nito sakin. Tumalikod na sya. Ano? Aplikante? Hindi! "W-wait sir!" sabi ko, lumingon sya sakin na parang sobrang nawi weirdan pero ngumiti sya. "Yes? Nervous?" Umiling ako. "Hindi po kasi ako mag a apply, may sadya po ako dito" sabi ko at pilit na ngumiti. Shock naman nya kong tiningnan, napakamot sya ng ulo. "Sorry, may scheduled interview kasi ngayon, napagkamalan ka siguro ni Miranda. Pasensya na" magalang nyang sabi sakin. "Naku, wala po yun! Lagi naman tayong may pagkakamali ang mahalaga marunong mag sorry and marunong magpatawad. Okay lang po, wag nyo na syang pagalitan" "You're nice. By the way, what's your name? I'm Jace, head manager dito" sabi nito sabay lahad ng kamay nya sakin. Tinanggap ko naman yun at nakipag shake hands. "Mia" simpleng pagpapakilala ko. "Nice meeting you Mia, I apologize for the inconvenience" sabi nito. "Okay lang" "Miranda!" tawag ni Jace dun sa nanghila sakin. Lumapit naman ito agad, "Ibalik mo na sa lobby si Mia, and make sure to get back here with the right applicant" Jace. "Yes sir" magalang naman pala tong si ate. "Tara na ma'am" Susunod na sana ako ng tumalikod sya ng "Hey Mia, pag nag cross ulit ang path natin, dapat mag apply ka na dito sakin! Don't worry iha hire kita agad" sabi sakin ni Jace ng nakangiti. "Crazy. I'll go ahead. Thank you" sabi ko na lang saka sinundan si Miranda. Binalik naman nya ko sa lobby. Buti na lang natanong ko din sa kanya kung saan ang office ng CEO. Nag press na ko ng button para mapunta ng 8th floor. Pagbukas ko, nakita kong may mga security doon at mas mahigpit sila, muntik na nga akong di papasukin kung di ko pa sinabing kilala ko si Tito Dawson. Ngayon naghihintay ako dito sa waiting area nila na sobrang social! Ang ganda ng couch at may smart TV na thru voice command ang paglilipat ng channel or pagpili ng movie. "Amise, switch to Lion King" narinig kong command ng batang nasa kabilang couch. Switching to Lion King Nagulat ako ng mag respond yung TV! Wow! Ang ganda talaga ng PB! Napaka high tech! Nag switch naman sa Lion King yung palabas. Tiningnan ko yung bata. Waaah! Ang cute, cute nya sobra! "Bakit ka nakatingin sakin?" diretso nitong tanong. "Ang cute mo naman!" di ko napigilang masabi. "I've already heard that" bored nyang sagot. Sa tingin ko mga 5-6 years old pa lang sya. "Ganun ba? Ang galing ng TV na to ah, may AI" sabi ko. "Yes, she's like Siri, but more enhance, kaya nyang mag process ng iba't ibang command. Amise, can control smart home device like lights, door, locks. Marami syang capability as an AI" mahabang paliwanagv "Wow ang cool naman! San ba nabibili yang mga ganyan para pag yumaman ako, makapagpa kabit din ako. Tamad pa naman ako" "That's impossible miss" seryoso syang tumitig sakin. Creepy naman ng chikiting na to. "Amise, is exclusively for PB only" "Ha? Bakit ganun?!" shock kong sagot, gusto ko din ng ganoong AI "Nope, my Uncle, created Amise para sa PB, actually sa kanya nga lang dapat. Wala syang balak na i share si Amise to anyone kaya hoping that you'll get her will just hurt you" "Okay" hindi ko na kasi alam ano pang isasagot ko. Ang weird naman ng Amise na name for an AI, may sapak na ata ang tito nitong batang to. "My mom's here, aalis na ko. Enjoy Amise" sabi nito at tumayo na sa couch at sumakay na ng elevator. Teka! Bakit sakin sobrang higpit ng mga guard na yun tapos yung bata, hindi nila pinapansin! Nakakaloka! "You can come in now ma'am" magalang na sabi sakin ng sekretarya. Mabilis akong tumayo sa couch At sumunod sa sekretarya ni Tito Dawson. Iniwan nya ko sa tapat ng pinto kung saan may malaking nakasulat na, Office of the Director Inayos ko yung damit ko. Bago ko tinulak ang pinto para pumasok. Pagpasok ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napagkit ata ang suot kong heels sa carpeted na sahig kaya hindi ako nakagalaw. Lumipas man ang maraming taon at nagbago man ang ayos nya dahil napakagwapo nya na ngayon. Wala na din ang makapal na salamin nya. Iba na ang hairstyle pero sya pa din ito. Araw- araw ko man syang nakikita sa commercial, magazine, dyaryo, poster, at billboard. Iba pa din pala kapag personal ko na syang nakaharap, pakiramdam ko ay biglang naubusan ng oxygen sa opisina nya. Lalong rumagudong ang puso ko ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. "Kasper" I called him "Nice to see you again Mia and by the way it's Dylan" sabi nya. Nabakas ko ang galit or pagka sarcastic sa boses nya. Pinagdiinan nya din na sa first name nya ko sya tatawagin. Hindi pa rin pala nya nakakalimutan ang ginawa ko. Sino bang makakalimot nun Mia? Sarcastic na sigaw ng isip ko. Nabaling ang tingin ko sa table at nakita ko ang nakasulat doon Dylan Kasper Pendleton  CEO Natutop ko ang bibig ko sa nakita ko. Hindi na si Tito Dawson ang CEO kundi si Dylan na, ang nag iisang anak nito. Teka! Bakit sya na? Hindi ba sya busy sa pagmo model nya at ngayon nya na talaga naisip na mag take over sa pagiging director ng PB Sht pano ko pa mababawi ang bahay pero hindi ko naman pwedeng i give up yun, yun na lang ang meron ako na may memories namin ng magulang ko. "I guess you're here because of your house" he said. Napatingin ako sa kanya. Ibang iba na sya sa lalaking nakilala at nakasama ko dati. Kung dati, sa unang tingin mo pa lang, magaan na agad ang loob mo kasi ramdam mong mabait sya, ngayon, nakakakaba sya dahil hindi mo alam ang tumatakbo sa utak nya. Gosh! Aside from gwapo sya, kakabahan ka dahil alam mong hindi sya tanga sa buhay. Like hello! Ang taas yata ng IQ nya! Teka bakit nga ba pinupuri ko sya? Focus on your goal Mia. "Y-you c-changed" nagulat ko ng masa boses ko ang iniisip ko. "Who wouldn't? Especially sa lahat ng naranasan ko sayo" there is a sound of bitterness in his voice. "I mean, especially, sa mga experience ko sa buhay" Galit sya. Galit na galit pa din sya. "Kas- Dylan wag mo naman akong gantihan sa ganitong paraan. I regret what I did. Please wag mo namang kunin ang bahay. Yun na lang ang meron ako na mula sa magulang ko" I am in the verge of crying. He smirked. "Pathetic" he said. Hindi ako nakapagsalita. Ayoko ng makipagtalo ang gusto ko na lang ay wag ng kuhanin ang bahay. "Fine, you can have your house. Hindi ko na kukunin. Wala ka na ding babayarang utang" Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi pa rin pala sya nagbago. Mabait pa din sya! "Salamat ta- "In one condition" natigil ako sa sinabi nya. Akala ko pa naman. "Ano?! May kondisyon?!" di ko napigilang tumaas ang boses ko. "Nothing comes for free now Mia" "Ano yun?" I asked. "Be my wife, marry me" "A-ano?! Nagbibiro ka ba?" "Nope" mabilis nyang sagot. "Do I look like I'm fooling around?" bigla nya kong tinitigan ng diretso. Punyemas! Napaka gwapong mata naman! Mia! Ano ka ba naman! Umiwas ako ng tingin "Pero bakit? I don't get it, bakit ako? For sure alam mo naman na almost 3/4 ng populasyon ng babae sa pilipinas, gustong mapangasawa ka. Why me?" wala sa sarili kong tanong. "It's because I still love you" I froze when I heard him say that, my heart skipped a beat. Mahal nya pa ko? And then that momentum was suddenly forced stop when Kasper laughed. "Yan yung gusto mong marinig, but that is not the reason Mia" From skipped a beat to shuttered heart, real quick! Ang tanga ko sa parteng yun. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I want to make you suffer, gusto kong pagbayaran mo lahat. Lahat- lahat Selene" may diin nyang sabi. Nakaramdam naman ako ng pagkirot sa puso ko. "Patawarin mo na ko Dylan- "I don't need your apology. Do you think, if you say sorry. Everything will be fine! No! So don't apologize! Answer me! Is it a yes or a no?" Tiningnan ko sya. "Yes" A smile formed in his lips.. "Really?" "I am not marrying you just because of my house, I am marrying you because I want you to forgive me. And if this marriage is what will take for you to heal the wounds you had from me, I am willing to suffer" sabi ko. Hindi sya nagsalita. Tiningnan nya lang ako. Maaaring pino proseso nya ang sinabi ko. "Let's see kung kaya mong panindigan ang sinasabi mo. Be here, tomorrow at 5pm" Tumango ako, feeling ko naubusan ako ng energy sa pagtatalo naming yun. "Let's see kung sino ang unang susuko sa atin Amilia Selene" Hindi na ko nagsalita. Ayoko ng dagdagan pa ang galit nya sakin. Papa, ito na ba yung chance ko to make up from the past. Or Is this the stupidity that will lead me to my infinite devastation. Dylan Kasper Pendleton, wait and see.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD