Amilia's POV.
"Mia, anak! Anong ginawa mo, hindi mo dapat ginawa yun!" napahinto ako sa pag aayos ng kama ni papa ng magsalita ito.
Naka wheel chair na si papa at papalapit na sya sakin. Hindi ko na kailangan pang manghula, malamang nalaman nya na din finally ang nangyari sa amin ni Kasper.
"Akala ko, busy lang masyado si Dylan sa eskwelahan kaya hindi sya dumadalaw, kung hindi ko pa nalaman kay Dawson na lumipad na papuntang amerika si Dy-
Nabitawan ko yung unan na hawak ko.
"Pumunta na ng amerika si Kasper?" wala sa sarili kong tanong.
Dahan-dahang tumango si papa. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, parang anytime maiiyak ako.
"Umamin ka nga Amilia, kapalit ba ng pag galing ko ay ang pagbitaw mo kay Dylan?" nakatingin ng diretso sa mata ko si papa. Umiwas ako ng tingin.
Inalalayan ko sya hanggang maihiga ko sya ng maayos sa kama nya.
"Amilia Selene"
"Pa, magpahinga na po kayo" sabi ko na lang.
Nagulat ako ng hawakan ni papa ng mahigpit ang kamay ko.
"Pasensya ka na anak, alam ko na sobra kang nasasaktan ngayon dahil ako ang pinili mo-
"Pa, hindi ko pinagsisihan na ikaw ang pinili ko. Ikaw na lang po ang meron ako. Mahal na mahal kita papa. Matulog na po kayo at wag na kong intindihin"
"Mia, ipangako mo na kapag nabigyan kayo ng pagkakataon ni Dylan, ayusin mo na ang lahat. Wag mo na syang papakawalan pa, dahil naniniwala ako anak, malaki ang kumpiyansa kong mahal na mahal ka nya"
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak ako sa sinasabi ni papa.
"Sana nga papa" sabi ko na lang. I kissed his cheek bago lumabas sa kwarto nya.
Pagsarado ko pa lang ng pinto ay nagbagsakan na ang luha ko.
Wala na si Kasper,
Iniwan nya na talaga ako.
Tama yan.
Kalimutan mo na ko.
"Mia!"
Napabalikwas ako na nagdulot ng malakas na pagbagsak ko sa lapag ang matinis at malakas na boses ng kaibigan kong si Alice.
"Ano ba Alice! Ang aga aga napaka ingay mo! Umuwi ka nga muna sa inyo, nagpapahinga pa ko!" sabi ko. Umakyat ulit ako sa kama at nagtaklob ng unan sa mukha.
Ang sama ng panaginip ko. Napanaginipan ko na naman sya. 9 na taon na ang lumipas pero ganun pa din ang nararamdaman ko.
"Waaah! Grabe napaka gwapo talaga ni Dylan! Sya na naman ang cover ng sikat na magazine na to" daldal ni Alice.
Narinig ko pa lang ang pangalang Dylan ay napabangon ako. Nagmamadali akong lumapit at hinablot kay Alice ang hawak nitong magazine.
Totoo nga, sya na naman ang cover.
Siyam na taon na, at sino bang mag aakala na ang nerd na inaasar ng buong Vistoun University ay isa ng sikat na model ngayon
Dylan Kasper Pendleton
"Hindi naman halatang patay na patay ka sa future husband ko no?" pang iinis sakin ni Alice.
"Alice, mas makakabuti kung itatahimik mo yung bibig mo for the whole month ng magkaroon ako ng peace of mind" sabi ko.
"Whatever Mia, ano kayang itsura nitong si Dylan sa personal, baka himatayin ako kapag nakita ko sya" dagdag ni Alice.
Ako? Baka mamatay ako pag nagkita na ulit kaming dalawa. Ibang iba na sya, wala na ang nerdy Kasper na nakilala ko. Isa na syang sobrang sikat na tao ngayon na pwede ko na lang tingnan sa malayo.
Humapdi ang puso ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kung kaya ba ko ganito is dahil sobrang nagi guilty ako sa ginawa ko noon o dahil hindi naman talaga sya nawala sa puso ko at hanggang ngayon ay mahal ko pa din sya.
I shook my head with that thought. Tiningnan ko ang picture ni papa na nasa side table ko.
"What to do papa? Did he forgave me?" wala sa sarili kong tanong sa litrato ni papa.
"Huy! Bat mo kinakausap yang picture ni tito? Magulat ka biglang sumagot yan hahahaha" sabi ni Alice na ngayon ay nakahiga sa kama ko na akala mo ay sa kanya. "Tsaka sino naman yung iniisip mo kung pinatawad ka na?"
Nag roll eyes na lang ako at hindi ko na pinansin pa ang tanong nya.
Bestfriend ko si Alice pero kahit ilang taon na kaming magkaibigan ay hindi ko magawang ikwento si Kasper, nahihiya siguro ako sa ginawa ko.
"Sige na nga! Uuwi muna ako. Kita tayo sa bar mamaya" sabi nya sakin.
"Sige" simpleng sagot ko.
May ari ang pamilya ni Alice ng high class bar.
I took Fine Arts kesa ituloy ang pag i-HRM. Graduating na dapat ako ng huminto ako dahil namatay si papa. That was 5 years ago. Hindi na ko bumalik pa sa pag aaral dahil kailangan ko ng tustusan ang sarili ko.
Alice became my friend, unlike me graduate sya ng HRM kaya nakapagpatayo sya ng sarili nyang high class bar kung saan ako nagpa part-time as a waitress.
Even though hindi ako nakapagtapos ay I still join gymnastic competition dahil yun lang ang maipagmamalaki ko, magaling talaga ako doon.
So far, so good, nakakaya ko namang buhayin ang sarili ko.
Did I felt loneliness?
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi, diba?
Of course, lalo na kapag may mga okasyon dahil madalas ay nag a out of the country si Alice during holiday season kaya wala akong kasama.
Naalala ko pa pasko ng last year, kumakain ako mag isa habang nakaharap sa TV ng biglang ipalabas ang kauna unahang TV commercial ni Kasper, muntik na yata akong mabilaukan don dahil sa haba ng panahon, doon ko lang sya ulit nakita.
Ang gwapo, gwapo, gwapo nya na talaga. Ilang beses ko na atang nasabi yan.
Ayun, after ng TV commercial na yun. Nag boom ang modelling career nya, at kahit san ako pumunta ay naririnig ko ang kwentuhan at pagpapantasya sa kanya ng mga babae. Kahit san ako lumingon may poster at billboard sya. Sikat na sikat na sya. Although naiinis ako sa babaeng fans nya, at kahit wala akong karapatan ay nagseselos ako sa mga kapartner nya ay natutuwa akong maayos na sya.
Mabilis akong nag almusal pagkatapos kong maligo dahil magti training ako dahil nalalapit na din ang local competition sa gymnastic.
Palabas na ko ng makita ko ang puting sobre na nasa may gate ng bahay na pamana sakin nila papa.
At halos lumuwa ang mata ko ng mabasa ko ang laman nun.
"WTF! Is this serious?!" hindi ko napigilan ang sarili ko na masabi yun.
Kukunin na ng Pendleton Bank ang bahay na bigay sakin ng magulang ko. Itong bahay na to ang tanging escape world ko sa reality na mag isa ako at harsh ang mundo. And I can't let them take this from me!
Umutang kasi ako sa PB para sa medical and pang libing ni papa, si Tito Dawson ang nakausap ko nun, ayaw nya pa ngang isanla ko ang bahay pero nahihiya ako, lubog na kami sa utang sa pamilya nila.
"Hays! Sana pala pumayag ako na wag ng isanla ang bahay para hindi ganito kasakit sa ulo!"
Teka! Baka naman nakalimutan ni Tito Dawson na ako ang may ari ng bahay na to, syempre kilalang bangko ang Pendleton sa buong mundo at marami silang ari arian na nakukuha baka naman, nakalimutan nya.
Tama! In order to solve this problem! Pupuntahan ko sya! Kakapalan ko na ang matagal ng makapal kong mukha para humingi ng extension sa pagbabayad nitong utang. Hindi pwedeng mawala ang bahay sakin at lahat gagawin ko para mapanatili sa pangalan ko ito.
Tama Mia! Kaya mo yan!
Fighting!