Chapter 7

1139 Words
Amilia's POV. "Mia, teka lang!" napahinto ako ng hatakin ako ni Kasper sa braso. "A-ano ba Kasper?! Bitawan mo nga ako!" pinilit kong lakasan ang boses ko at marahas na hinatak ang braso ko. Gusto kong umiyak, ang bigat bigat sa pakiramdam ko. Simula pa kahapon, ayokong gawin kay Kasper to. "Mia, may nagawa ba kong mali. Can you please tell me, bakit ka ganyan?" malumanay nyang tanong. Kasper is looking so down right now. Mukhang hindi sya nakatulog dahil kahit makapal ang glasses nya ay kita kong namumula ang ilalim ng mata nya. "Wala, pagod lang ako. Pwede ba, sige na aalis na ko" sabi ko. "Mia!" nagulat ako ng maglapitan sila Natalia sakin. Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Kasper. They don't like him, as much as Kasper dislikes them. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Natalia. "Tara na Mia! Birthday ni Odette ngayon, we're gonna have some fun!" sigaw ni Karrie, naghiyawan pa ang mga kasama nya. "Mia, san kayo pupunta?" tanong ni Kasper. "Magba bar kami, so back off Dylan!" Nakataray na sabi ni Natalia. "Ano?" gulat na tanong ni Kasper. "Ano Mia? Sasama ka ba o hindi?" Karrie. Tumingin ako kay Kasper, kita ko ang malalim nyang tingin sakin. "Tara na" sabi ko. "Mia!" tawag sakin ni Kasper pero hindi ko sya pinansin. Lumakad pa din ako at sumunod kila Natalia. Hindi ko alam kung anong oras na at nasa bar pa din ako kasama sila Odette. Nakaupo lang ako sa isang sulok, at iniinom ang alak na naka serve sa table namin. Yes, I drink. Minsan umiinom ako pero si papa lang ang kasama ko. Madalas kaming uminom kapag death anniversary ni mama. And now, I am drinking alone dahil ito lang ang paraan ko para ma ease yung pain. Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil ito ang pinili ko. Pinili kong saktan si Kasper. Pinili ko to, kaya dapat panindigan ko. But I do love him. Sya lang ang lalaking mamahalin ko bukod sa papa ko, I know I am still young to say this pero yung nararamdaman ko kay Kasper, sure ako. Alam ko, hindi ko na to mararamdaman ever. Tatanda na siguro akong dalaga, tatandang mag isa at habang buhay kong pagsisisihan ang araw na to. Habang buhay magpapa ulit-ulit sa isip ko ang itsura ni Kasper and how I ignored it. How I hurt him How I left him How I threw him away Hindi nya ba nararamdaman na dapat nya na kong iwan. Sobra na ang nagawa ko, hindi ko alam kung kaya ko pa syang hiwalayan. Yung ako, magsasabi na tapos na ang lahat samin. Gosh, I sound like a fck girl Well, fck life! Fck this situation. Sana kung magkikita kami ni Kasper sa future, sana hayaan nyo kong mag explain at sana by that time, mapatawad nya ko. Hindi ko alam ilang shots na ang naiinom ko, nararamdaman ko na lang na hilong hilo ako. Nahihilo ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Tumayo na ko pero muntik na kong matumba, nagulat na lang ako ng may sumalo sakin. I looked at the person. "Hey Mia!" Mabilis akong lumayo sa kanya. Clint, the ultimate fckboy of the school, pogi, pa dreamboy, varsity player And I don't like him. "Uuwi ka na ba?" tanong nito sakin. "Obvious ba?" mataray kong tanong at nagpatuloy maglakad. Madami akong nababangga pero wala na kong paki, gusto ko na lang pumunta sa hospital at icheck si papa. Pero ang pinaka gusto ko ngayon, gusto kong umiyak. Sa wakas nakalabas din ako sa bar na yun. "Mia! Wait ihahatid na kita!" nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Clint. Nagulat ako sa ginawa nya kaya napatingin ako. He flashes his smile at me na kung sa akala nya ay makakapagpa laglag ng panty ko ay nagkakamali sya. Magsasalita na sana ako ng "Amilia" napalingon ako sa tumawag sakin, sa tono pa lang ng boses nya ay pinanlamigan na ko. Ibang iba yung himig ng boses nya sa usual na naririnig ko sa araw araw it sound so cold. It sounded like it's coming from a different Dylan Kasper. Nakita kong sumama ang tingin ni Kasper sa kamay ni Clint na naka akbay sakin. "Would you mind, taking your hands off my girlfriend?" dagdag ni Kasper. Mabilis naman na inalis ni Clint ang pagkaka akbay nya sakin. "Pinatulan mo yan Mia, you're crazy, papasok na nga ako sa loob! Bye nerd!" pang aasar pa ni Clint bago pumasok. Ilang minutong nagtitigan lang kami ni Kasper. Kinakabahan ako ng husto na para bang hahatulan ako ng kamatayan. Gusto ko ng tumakbo at yakapin sya at humingi ng sorry sa katangahan na ginawa ko pero hindi I have to be strong enough. Nakapag desisyon na ko. "What are you doing here?" ako na ang bumasag ng katahimikan samin. "Is that the right question? Let me correct you, what was that Mia? Ano yun? Anong meron sa inyo?" tanong nya. Lumapit sya sakin. Napigil ko ang paghinga ko. Naka school uniform pa din sya. "Why do you care! Pwede ba Kasper!- Nagulat ako ng ihagis nya yung salamin nya. "Damn it! Hindi kita maintindihan! Hindi ko na alam kung anong nangyayari sayo, okay naman tayo diba?! Tapos biglang pagpasok mo nagbago ka na. Can you tell me what I did wrong, saan ba ko nagkamali?" napasabunot na sya sa buhok nya. I felt a stabbing pain in my chest, frustrated na sya sobra. Lumunok ako. Linakasan ko pa din ang loob ko. Wag kang mag alala Kasper, ito na ang huling pananakit ko sayo. Sana kayanin mo, kalimutan mo na ang isang tulad ko. "You wanna know? I'll tell you! Maling nag ilusyon ka na magiging masaya tayo till the end! Naawa lang ako sayo kaya kita pinatulan, do you really think I would love a pathetic nerd like you! Ayoko na sayo. Tama na. Let's end this stupid relationship!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang bakas na pagkagulat sa mata nya. Maya maya ay yumuko sya. Pag angat nya parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Umiiyak sya. Kasper is crying because of me. "Akala ko, akala ko Mia, akala ko iba ka, akala ko mahal mo ko. Akala ko tanggap mo ko, for what I am. But you!" dinuro nya ko. "You fooled me, you destroyed me!" Pinunasan nya ang mga luha sa mata nya. "Tama ka, let's end this stupid relationship not because I am a nerd, it's because you don't deserve me. You don't deserve the love you got from me, and I'll make sure, maybe not now, but someday, you'll have to pay for it. Goodbye" pagkasabi nya nun ay tinalikuran nya na ko. Gusto kong tumakbo at habulin sya, yakapin sya para sabihing sorry na nagkamali ako pero alam ko, The damage has been done. It's beyond what I can do. Hindi ko na maaayos pa, kahit ibigay ko ang buong buhay ko. I just destroyed Dylan Kasper Pendleton And if he thought na pagbabayaran ko sa hinaharap ang desisyon na to, ngayon pa lang sinisimulan ko na. Mahal kita, pero hindi siguro ako ang tamang babae para sayo. Nagtagpo pero hindi itinadhana. Nagmahal pero hindi para sa isa't isa. Panahon na para maging malaya ka mahal ko. Wag mong hayaang ikulong ka ng sakim kong puso. Paalam
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD