bc

BLINDED BY DESIRE (TAGALOG)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.8K
READ
possessive
family
love after marriage
dominant
independent
boss
sweet
bxg
sassy
wife
like
intro-logo
Blurb

Nang ikinasal siya kay Nicholas Demakis, inakala ni Meghan Tecson na may happy ending na siya. Hindi niya alam na ang pagpapakasal sa lalaki ay magdudulot lamang ng pasakit sa kanyang buhay. Subaybayan ang buhay ni Meghan at ang kanyang muling pakikipagsapalaran upang mapasakanya ang lalaking lubos na minahal.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Tumakbo si Nick papunta sa kusina nang mabalitaan niya na nagkagulo na naman sina Meghan at Margaret. Naabutan niya si Keith na nahirapang paghiwalayin ang dalawang babae kaya kaagad na siyang lumapit at hinatak si Meghan palayo kay Margaret, samantalang si Margaret naman ay inawat ni Keith. “Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa?” Sumigaw si Nick. “Meg, umakyat ka na sa silid mo at matulog, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo! Maawa ka naman sa akin,” pakiusap ni Nick kay Meghan. “Kaya ko nga ito ginagawa dahil naawa ako sayo! Matalino kang tao ngunit nagpa-uto ka kay Margaret. Bakit hindi mo tanungin si Margaret kung sino si Keith sa kanyang buhay?” Hinamon ni Meghan ang lalaki bago siya nagmartsa palayo mula sa kusina. Nawalan ng kulay ang pagmumukha ni Margaret at nagtago ito sa likod ni Keith. “Margaret, may sasabihin ka ba sa akin? Bakit nag-away na naman kayo ni Meghan? Ano ang dahilan?” Magkasunod na tanong ang ibinato niya sa babae ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Kung anuman ang gustong ipahiwatig ni Meghan ay gusto niya itong marinig mula mismo sa bibig ni Margaret. Nanginginig ang kamay ni Margaret habang nakahawak sa kanyang braso kaya minabuti ni Keith na paupuin muna ang babae, bago niya hinarap si Nick. “Pare, naguguluhan lang si Margaret kaya niya nagawa ang bagay na ‘yon.” Sabi ni Keith. Naningkit ang mga mata ni Nick habang pinakinggan niya si Keith dahil una sa lahat, sino ba ito para kausapin siya? “Na ano?” Tinanong niya ang lalaki. Nilingon ni Keith ang babae at sumenyas ito na manahimik siya. “Ako ang ama ng batang nasa tiyan ni Margaret,” pag-amin ni Keith. Noong madiskubre niya na ginamit lang siya ni Meghan, nagalit siya, ngunit tama si Meghan. Hindi pwedeng ipaangkin ni Margaret ang kanyang anak kay Nick. Natigilan si Nick sa kanyang narinig dahil hindi niya inasahan na may basihan si Meghan sa mga inakusa nito kay Margaret. Oo nga at nagduda siya noong una, pero naisip niya na hindi siya kayang lokohin ni Margaret. Ilang taon silang may relasyon at ni minsan ay hindi niya nakitaan ang babae ng masamang asal. “Ulitin mo nga ang sinabi mo!” Tumaas ang kanyang boses ngunit kay Margaret siya nakatingin. Umiyak lang ito at hindi nagsalita. Pagkuwa’y tumikhim si Margaret at tumayo upang harapin si Nick. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mata at biglang lumuhod sa harap ni Nick. “I’m sorry,” humingi siya ng tawad sa kasalanang nagawa. Sa totoo lang ay pinagsisihan niya na nagpasiping siya kay Keith isang linggo matapos silang magniig ni Nicholas. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘yon. Aminado si Nick na wala siyang balak pakasalan si Margaret ngunit may nakalaan ng puwang sa kanyang puso para sa batang isisilang nito. Sa katunayan ay may napili na silang pangalan para sa bata. Nagtagis ang kanyang mga bagang at puno ng poot ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Margaret. “Tumayo ka na,” mariin niyang wika kay Margaret, at hinayaan niyang tulungan ito ni Keith sa pagtayo. “Hmmm Margaret,” muli niyang tinawag ang pangalan ng babae bago siya umalis sa kusina. Kinabahan si Margaret nang marinig niya ang boses ni Nick ngunit pakiramdam niya ay kaya siyang patawarin ng lalaki. “Yes Nick?” “Magpatulong ka kay Keith sa pag-empake ng mga gamit mo,” sabi ni Nick at iniwan ang dalawa. “Nick!” tinawag ni Margaret ang pangalan ng lalaki ngunit hindi ito lumingon at patuloy na naglakad palayo sa kanya. “Kasalanan mo ‘to! Bakit ba kasi nakipagkaibigan sa lukaret na si Meghan?” Si Keith ang sinisi ni Margaret sa lahat. Hindi ba at sinabi na niya sa lalaki na tapos na sila? Ano’ng ginawa nito at biglang sumulpot sa pamamahay ni Nick? Pahamak talaga sa mga plano niya! Inirapan niya si Keith. “Hindi kita maintindihan, Marj. Hindi ka naman dating ganyan,” sabi ni Keith sa mababang boses. “People change, Keith. At kung hindi mo sinira ang plano ko,magiging marangya ang buhay namin ng anak ko,” sabi ni Margaret. “Anak natin ngunit ibang lalaki ang gusto mong umako sa responsibilidad. Are you crazy? Magiging masaya ka ba sa gagawin mo?” Kinunsensya ni Keith ang babae na nagmatigas na makinig sa mga payo niya. “Wala akong pakialam, ang importante ay hindi mahihirapan ang anak ko!” Nangatwiran siya pero sa totoo lang ay hindi niya alam kung sino talaga ang ama ng batang dinadala. Kaya lang ay lagi talagang gumamit ng condom si Nick every time na magtatalik silang dalawa. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Margaret? Halika na at tulungan na kita sa mga gamit mo,” hinawakan ni Keith ang kamay ng babae upang makasigurado siya na susunod ito sa kanya. “Ayokong umalis,” nagmatigas si Margaret at pilit na iwinaksi ang kamay ni Keith na nakahawak sa kanya. “Hindi mo ba nakita ang mukha ng lalaking ‘yon kanina? He wanted to kill you!” Sumigaw si Keith. “No, hindi niya ako kayang saktan,” giit ni Margaret. “Nahihibang ka na nga,” wika ni Keith, ngunit muli niyang kinuha ang kamay ng babae at sabay na silang umakyat sa itaas pagkatapos niyang tanungin ang isa sa mga katulong kung nasaan ang silid ni Margaret. Nagsimula na siyang mag-empake nang pumasok si Margaret. “Paano na ako ngayon?” Gumaralgal ang boses ni Margaret habang pinabayaan lang si Keith na mag-empake ng kanyang mga gamit. “Hindi naman kita pababayaan, eh.” Sabi ni Keith. Mas lalong umiyak si Margaret dahil sa sinabi ni Keith, hindi dahil sa nakunsensya siya, kundi sa kaalaman na magiging mahirap siya habangbuhay. Hindi alam ng lalaki ang mga ginawa niya dati upang makabingwit ng mayaman at itinuring niyang biyaya ang pagdating ni Nick sa kanyang buhay. “Kung hindi mo sana ako binuntis,” muli niyang sinisi ang lalaki bago lumabas at nagtungo sa silid ni Meghan. Ngunit, bago pa siya nakarating sa silid ni Meghan, nakita niyang lumabas ang babae at parang balewala lang kay Meghan ang nangyari. “Meghan!” Sumigaw siya. Sandaling nilingon ni Meghan si Margaret ngunit wala siyang balak na makipagmabutihan sa babae. Hangga’t hindi maghilom ang sugat sa kanyang leeg matapos siyang kalmutin nito, hinding-hindi niya ito mapapatawad. Inignora niya ang babae at patuloy na naglakad patungo sa hagdanan kasi pupunta siyang garden upang magpahangin. Napangiti siya nang makita si Nick sa ibaba kahit na wala sa mood ang lalaki. Ang mahalaga, hindi na ito maloloko pa ni Margaret. “Hindi mo ba ako narinig?” Biglang hinarangan ni Margaret ang pababa na babae. “Umalis ka sa dadaanan ko,” binalaan ni Meghan si Margaret na parang baliw na humarang sa kanya. Tiimbagang na hinamon ni Margaret si Meghan at hindi siya nagpadala sa takot. “Or what? Sasakalin mo ulit ako? Sino ka ba para sirain ang mga plano ko?” Galit na tinanong ni Margaret si Meghan. “Sana iba na lang ang niloko mo at hindi si Nick. Alam kong selfish ka na simula pa noong mga bata tayo, pero ano’ng nangyari at mas lumala ka, Margaret?” Kinausap niya ang babae na nag-aapoy ang mga mata sa galit.   Biglang nagdilim ang paningin ni Margaret sa galit at walang pakialam na itinulak niya si Meghan. Natauhan lang siya nang makita niyang bumagsak ang katawan ni Meghan at nagpaikot-ikot ito pababa hanggang sa tuluyan itong  bumagsak sa sahig. Nanginginig ang kanyang mga kamay at napahawak siya sa handrail nang marinig ang boses ni Nick habang tinulungan si Meghan at nang tumingala ito sa second floor, nakita siya ng lalaki. Nakita niya sa mukha ni Nick ang poo’t at galit para sa kanya ngunit hindi nito iniwan si Meghan at inutusan ang isa sa mga katulong na tumawag ng ambulansya. Napaatras siya, at kung hindi siya naagapan ni Keith, malamang na susunod siya kay Meghan sa baba. “Keith…,” nanginig at nanlamig ang kanyang buong katawan habang nakatingin sa lalaki. Alam niyang nasaksihan ni Keith ang kanyang ginawa at natakot siya dahil isa itong pulis. “Sana’y hindi mo ginawa ‘yon, Marj.” Sabi ni Keith bago niya iniwan ang babaeng lubos na minahal ngunit hindi niya pala lubusang kilala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.4K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook