SaSA-8

1471 Words
Samantha Pov Naka'alis na ang grupo nina Alexis at Harvey pero tahimik parin ang aming mga kaklase. Hindi siguro sila makapaniwala na isang babae lamang ang may lakas ng loob na sagutin si Harvey ng ganun. Paano ba naman kasi, kilala ang grupo nito sa buong campus dahil sa pang bubully sa mga nerd. Oh well, kahit naman ata hindi nerd binubully nila, kaya walang gustong bumangga sa kanilang grupo dahil kung meron man, siguradong kawawa. "Wow.! Ang intense ng eksena. Para lang tuloy akong nanunuod ng movie sa sinehan. Sayang nga lang walang popcorn. Hehehe." Natatawang sabi ni Alicia kaya nakatanggap sya ng hampas sa braso mula kay Bianca. "Muntik na ngang mag-away ang mga iyon natutuwa kapa dyan.! Pero in fairness naman kay Alexis bestie. Ang hot nyang tingnan lalo na nung ngumisi sya kay Harvey. Kung iba lang ang gumawa non malamang ang laswa tingnan. Pero pagdating sa kanya, iba ang datingan." Nakangiting sabi ni Bianca na mukha pa atang kinikilig. Langya.! Akala ko si Alicia lang ang may kalokohan pati rin pala sya. "Tama ka dyan B. Tingin ko nga crush ko na sya eh." Maarteng sagot ni Alicia na lalong nagpa-init ng ulo ko at di ko alam kung bakit. Napansin siguro nila ang hindi ko na maipintang mukha kaya nagtanong ang mga bruha. "Hoy bestie.! Ayos ka lang ba dyan.? Ba't ganyan ang mukha mo.? Mukhang mananapak ka ng tao sa datingan mong iyan eh." Nagtatakang sabi ni Alicia. "Ewan ko sa inyong dalawa.! Makaalis na nga lang. Baka tuluyan na talaga akong makakasapak ng tao ngayon." Mataray kong sagot sa kanilang dalawa at padabog na lumabas ng classroom. Alam kong nagtataka sila sa inasal ko pero wala akong pakialam dahil kahit ako hindi ko rin alam kung ano na itong nangyayari sa akin. "Luh.! Anong nagyari dun.? Ang init ata masyado ng ulo." Rinig ko pang tanong ni Bianca kay Alicia bago ako tuluyang nakalabas ng classroom namin. *** Habang naglalakad ako papunta sa susunod naming klase ay hindi ko maiwasang huwag mainis at pagalitan ang aking sarili kung ba't bigla na lang uminit ang aking ulo dahil sa narinig mula kina Bianca. "Kainis.! Nakakainis talaga.! Umayos ka Samantha.! Ba't kaba nagkakaganyan.? Ano naman ngayon kung crush sya nina Bianca.? Ano namang pakialam mo don.?" Panenermon ko sa aking sarili. 'Hindi ka naman kasi nya girlfriend para umasta ng ganyan.' Panunukso ng inner self ko na ikina'ikot ng mata ko. "Kahit pa lahat ng estudyante rito sa campus ang magkagusto sa kanya wala akong paki'alam doon.! Pagbubuhulin ko pa silang lahat eh.! At------" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may tumikhim mula sa aking likuran kaya agad akong napalingon rito. "Hindi ako na'inform na uso na pala ngayon ang makipag-usap sa sarili." Nakangiting pahayag ng taong ito. Bigla tuloy akong pinamulahan ng mukha dahil sa kanyang sinabi. Sana lang talaga hindi nito narinig ang mga pinagsasabi ko. "Hi. Kanina kapa ba dyan Ms. Maxine Miller.?" Pormal kong tanong na nagpatawa sa kanya. "Ang pormal mo naman Sam, and nope. Papunta na talaga ako sa classroom natin but then, nakita kitang naglalakad mag-isa dito kaya nilapitan na kita. Hindi ko naman alam na may quality time pala kayo ng sarili mo eh." Pabiro nitong sagot sa akin habang natatawa pa kaya mas lalo lang tuloy akong nahiya. "Tse.! Tara na nga.! Baka malate pa tayo." Masungit kong sabi para hindi na ako nito tuksuhin pa. Buti na lang talaga hindi nito narinig ang mga pinagsasabi ko. Nauna na akong naglakad at sumunod naman ito sa akin since magkaklase kami sa Economics kaya sabay na kaming nagtungo sa aming classroom. Si Max ang isa sa mga dean's lister at nerd dito sa aming campus, kaya minsan nabu'bully rin ito. Paano ba naman kasi, nakasuot ito ng malaking salamin sa mata at mahilig magsuot ng palda na lagpas hanggang tuhod o 'di kaya'y maluwang na maong pants. Mahilig rin itong magbasa ng mga libro at tumambay sa library kaya siguro napagkakamalang nerd. But seriously, she have a beautiful face. Kulang lang talaga sya sa fashion sense pero kapag nabihisan ng maayos at lagyan ng kunting make-up sa mukha, pwede na syang maging modelo. Hindi naman kasi ito pandak. I think she's 5'7 at mukhang magka'height nga lang kami. Makinis din naman ang balat nito na mukhang pangmayaman. Mabait rin ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging kaibigan namin sya kahit papaano, though hindi sya sumasama sa mga gimik namin nila bestie kapag inaaya namin syang lumabas. And I totally understand her naman, kasi hindi sya sanay kaya hindi na namin sya pinipilit na sumama. Ayaw rin naman namin syang ma'out of place kapag kasama kami. "Samantha." Tawag sa akin ni Max habang niyuyugyog ang balikat ko. "Huh.? May sinasabi ka.?" Tanong ko sakanya. "Ang sabi ko nasa harap na tayo ng ating classroom. Kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig. Sigurado ka bang okay ka lang talaga.? Kanina kapa kasi nakatulala dyan eh. May problema kaba.?" Sunod-sunod nitong tanong na nakapagpatawa sa akin. Minsan talaga may pagka madaldal ang babaeng 'to. Nakakunot lang ang noo nito na nakatingin sa akin. "Malala kana talaga Sam. Kanina lang parang pasan-pasan mo lahat ng problema sa mundo tapos ngayon tatawa-tawa ka dyan na parang baliw. Alam mo, payong kaibigan lang huh.? Itigil mo na iyang pagdo'droga mo habang maaga pa dahil wala kang mapapala dyan." Nag-aalalang sabi nito sa akin. Napalaki tuloy ang mata ko dahil sa sinabi nya kaya nahampas ko sya sa kanyang braso ng wala sa oras. Paano ba naman kasi, 'di mo alam kung nagbibiro lang ba ito sa sinasabi nya o ano. Ang seryoso kasi ng aura nya. Kaloka.! "Walangya ka.! Talagang ginawa mo pa akong drug addict. FYI lang huh.! Hindi ako nagdo'droga.! Tsaka may iniisip lang ako, addict agad.?" Sarcastic kong sagot sakanya. Natatawa naman itong nag peace sign sa akin. "Sorry naman.! Malay ko ba namang may iniisip ka lang pala." Depensa nito sabay ikot ng mata. Grabe.! Ibang klase talaga. Ngayon lang ako nakakita ng nerd na mataray. "Alam mo pumasok na lang tayo, baka mahampas na naman kita ulit." Sabi ko na ikinatawa nya. Mukhang sya ata ang baliw sa aming dalawa. Tsk.! Pagpasok namin sa classroom ay agad kong nakita ang dalawa kong bruhang kaibigan na busy sa pakikipag landian--- este pakikipag'usap kina Mike at Steve. Hmm. Kaklase rin pala namin sila sa subject na ito. Napansin naman ako ng mga bruha pero tinarayan ko lang ang mga ito. Awtomatiko namang hinanap ng magaganda kong mata ang babaeng kasing lamig pa ata ng yelo. And there she is. As usual, nasa dulo na naman ito naka upo at nakasuot na naman nang headphone habang nakatingin sa labas ng bintana. Yung totoo.? Ano ba talaga ang meron sa labas ba't doon sya lagi nakatingin.? 'Di hamak namang mas maganda ako kesa sa view sa labas. Hehehe. Echos lang yun guys. Hays. Ano na naman ba itong pumasok sa utak ko.?! "Sila ba yung mga bagong transferee dito.?" Tanong ni Max. "Yeah. Paano mo nalaman.?" Taka kong tanong rito. "Narinig ko lang sa mga studyante na may mga bagong transferee daw. Ang ga'gwapo raw at maganda kaya na'curious lang ako. Isa pa, halos kilala ko na lahat ng mga kaklase natin dito noh.! Kaya nalaman ko kaagad na bagong studyante lang sila dito." Sagot nito. Hmm. Tama nga naman. Hindi pa ako nakakasagot ng magsalita ito ulit. "Pero alam mo ang gwapo nga nila at ihhhhh.! Ang cute pa nong girl sa dulo oh. Pinaghalong maganda at cute." Tukoy nya kay Alexis. Napa'arko tuloy ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Pati ang babaeng ito nagkakagusto rin sa panda na iyon. Oo guys.! Panda talaga.! Ang laki kasi ng mata nya. Tsk.! Lumingon ulit ako sa babaeng panda na iyon at sakto namang nakatingin na pala sya sa direksyon namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, baka mamaya isipin pa nya na tinitingnan ko sya. Imbis na umiwas ay ngumiti na lamang ako sa kanya ng pagkatamis-tamis. Yung ngiting kinababaliwan ng mga lalaki. Pero walang epekto mga bes.! Tumitig lang sya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay bago tumingin sa labas ng bintana. Bwesit.! Hindi lang pala ito cold, mataray din pala.! Hindi umepekto sa kanya ang charm ko. Huhuhu. Siguro kong mga lalaki lang ang nginitian ko ng ganun malamang naglulupasay na sa tuwa o di kaya'y naglalaway na. Pero sa kanya baliwala lang yun.?! Babae ba talaga ang gusto ng babaeng 'to.? Paano ba naman kasi mas mataray pa syang tingnan kesa sa akin kapag nakataas ang kanyang kaliwang kilay. Pero in fairness naman sa kanya. Ang hot nyang tingan. Wait. Ano daw.?! O.M.G.! Erase..erase..erase. Nahahawa na ata ako kina Bianca. Hmp.! Maka'upo na nga lang. __________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD