Samantha Pov
Papunta na kami sa aming classroom pero hindi parin ako nilulubayan ng dalawa kong kaibigan sa panunukso sa akin kay Alexis.
Tsk.! Hindi ba nila nakikita na babae yung tao.?
Kaya imbis na patulan ang kahibangan ng mga ito ay nagpatiuna na akong pumasok sa aming classroom. Bahala sila magdadaldal dyan. Hmp.!
"Ang aga-aga lukot na iyang mukha mo babe. What's wrong.?" Tanong sa akin ng taong nakatayo sa harapan ko ngayon.
Isa pa 'to eh.! Laging sinisira ang araw ko.
"Wag mo nga akong matawag-tawag na babe Harvey.! Nasusuka lang ako kapag naririnig ko iyan galing sayo. At kung pwede lang huh.? Lumayo-layo ka sa akin.! Mas lalo lang akong nabu'bwesit." Masungit kong sabi sa kanya pero tumawa lang ito.
Nababaliw na ata siguro ang taong ito. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah.
"Bakit.? Ano pala ang gusto mong itawag ko sa iyo.?" Pangungulit parin nito.
Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko eh.
"Isa pa talaga Harvey, sinisigurado ko sayong lilipad itong hawak kong libro papunta dyan sa mukha mo." Pagbabanta ko sa kanya.
"Woah.! Relax lang okay.? Don't worry, magbe'behave na ako babe." Sagot nito sabay kindat.
Yuck.! Akala siguro nya ikinagwapo nya iyon.
Napaikot tuloy ang mata ko dahil sa ginawa nya samantalang ito ay natatawang umupo sa kanyang upuan.
And yeah. Sa kamalas-malasan naging kaklase ko ang lalaking 'to sa subject na ito. Kaya laging nasisira ang araw ko eh, umagang-umaga pa lang.
Hindi naman talaga ganito ang sitwasyon dati. Actually, Harvey is my guy friend. Mabait naman ito kahit na lumalabas ang pagiging mayabang nito minsan. Na isa sa hindi ko nagustuhan sakanya at ang pagiging bully nito sa ibang studyante dito sa paaralan. Kaya nong nanligaw ito sa akin ay hindi ko sya sinagot. Pero ang walanghiya ayaw magpa'awat.
Lagi nyang ini'insist na may gusto din daw ako sakanya pero nagpapakipot lang daw ako.!
The heck.! Ang yabang lang diba.?!
At ang mas lalong nagpapa'init ng ulo ko ay ang pangungulit nito sa akin araw-araw.
"Kinukulit kana naman ng manliligaw mo noh.?" Biglang tanong ni Bianca.
Tingnan mo 'tong dalawang ito. Parang mga kabute. Bigla-bigla na lang sumusulpot.!
"Hay. Lagi naman eh." Walang ganang sagot ko rito.
Dumating naman ang prof. namin kaya umupo na kami ng maayos.
"Good morning class.! Meron kayong mga bagong kaklase. Actually kaka'transfer lang nila. Kaya I hope maging maayos ang pakikisama nyo sa kanila. Understood.?" Sabi ni Ma'am Lonzaga bago lumabas ulit ng classroom.
"Sana naman mga gwapo ang transferee."
"I hope so. Nakakasawa na kasi ang pagmumukha ng mga boys dito."
Rinig kong sabi ng mga kaklase naming babae na nagpa'ikot ng mata ko. Landi alert na naman ang mga ito.
Mag ce'cellphone na lang sana ako nang pumasok ulit ang prof. namin. Kasama ang mga bagong naming kakla----- s**t lang.!
Muntikan na akong masamid sa sarili kong laway nang makita ang mga bago naming kaklse.
What the capital F.! Ba't ba hindi ko agad naisip na transferee nga rin pala sila dito.?!
"Kindly please introduce yourself to your classmates." Utos ni Ma'am Lonzaga sa kanilang tatlo.
"Hi guys, I'm Steven Taylor. I hope we can be friends." Nakangiting sabi ni Steven na ikinakilig naman na mga kaklase naming babae.
"Hello guys. I'm Mike Lee, your new classmate. Don't be shy to approach me guys. I won't bite, promise." Pagbibiro nito na ikinatawa ng iba naming kaklase.
Mabuti pa ang dalawang ito hindi snob. 'Di tulad sa isa nilang kasama na mukha atang ipinaglihi sa sama ng loob. Lagi kasing naka poker face. And speaking of cold treatment, here she is.
"Hi. I'm Alexis Ramirez Gomez." Pagpapakilala nito.
See what I mean.? And take note guys. Yun lang talaga ang sinabi nya. Diba ang tipid lang.?
Natahimik tuloy ang mga kaklse namin. Yung totoo.? Takot ba sa kanya ang mga tao.?
Napapansin ko kasi kapag sya na ang nagsasalita natatahimik ang paligid eh.
"Pwede na kayong maupo dyan sa mga vacant seat." Pagbasag ng Prof. namin sa katahimikan.
Pumunta naman silang tatlo sa mga vacant seat and I was expecting na sa tabi ko uupo si Alexis dahil may bakanteng upuan pa naman sa right side ko.
Pero ang bruha nilagpasan lang ako at doon sya umupo sa pinakadulo. Tsk.! Ang chossy nya huh.!
Yung mga kaklase nga naming babae gustong-gusto tumabi sa akin pero inaayawan at tinatarayan ko lang, tapos ngayon.? Hays.! Nakaka'inis talaga ang babaeng ito.
Nagsimula nang magturo ang Prof. namin pero wala ako sa konsentrasyon para makinig sa kanya. Ewan ko ba.!
Hindi ako mapakali at di ko rin alam kung ano ang nakain ko't lumingon pa talaga ako sa likod. Pero wow lang huh.! Hindi sya nakikinig sa Prof. namin.
Nakasuot lang ito ng headphone habang nakatingin sa labas ng bintana.
Ba't ganun.? Kahit na wala kang makikitang emosyon sa kanyang mga mata at kahit na hindi sya nakangiti ang ganda parin nyang tingnan.
Hmm. Ang lalim naman ata ng iniisip nya. Tss. Ba't ba kasi ag hirap basahin ng babaeng 'to.
I was caught off guard nang lumingon ito sa direksyon ko at huli na ang lahat para umiwas pa ako. Tumitig lang ito sakin sabay taas ng kanyang kilay.
Shit.! Ang hot nyang tingnan.!
Nahihiya tuloy akong umiwas ng tingin sa kanya.
"That's our lesson for today class. See you tomorrow." Rinig kong sabi ng Prof. namin.
Huh.? Teka. Tapos na ang klase namin na wala man lang akong naintindihan.?! Geez. Ano ba itong nangyayari sa akin.?
"Ok ka lang ba bestie.?" Tanong sa akin ni Bianca.
Nginitian ko na lamang ito para hindi na magtanong pa.
Pero bigla ata akong kinabahan nang makita na papunta sa aming direksyon sina Mike. Hindi pa man sila nakakalapit sa amin nang harangan sila ng grupo ni Harvey.
"Hi Miss. Pwede ka bang yayain lumabas mamaya.?" Tanong ni Lawrence kay Alexis na ikina'inis ko.
Ang babaero talaga ng mokong na ito. Akala mo naman ka'gwapuhan. Che.!
"Ayoko." Maikli pero may diing sagot naman ng huli.
Pero mukhang ayaw atang magpa'awat ng mga unggoy na ito.
"Sige na Miss. Hindi naman kami boring kasama eh. Promise mag'e'enjoy ka." Ngiting asong sagot ni Lawrence.
"Oo nga naman. Sandali lang naman tayo eh." Hirit naman ni James.
"Alin ba doon sa ayoko ang hindi nyo maintindihan.? O sadyang bobo lang talaga kayo para di nyo maintindihan ang salitang yun.? AYOKO.! And I'm not into boys kaya lumayo ka sa akin, 'di tayo talo." Naiinis na sagot ni Alexis na ikinagulat naming lahat.
Wait..w-what.?!
Pero imbis na mandiri ang mga kaklase naming babae, mukha pa atang kinilig na ewan. Ang lalandi.!
"Ohh. So you're a lesbian.?" Tanong ni Harvey habang nakangiti ng nakakaloko.
"And what if I said yes.? May magagawa kaba dun.?" Balik tanong naman ni Alexis.
O--kay.? Nag'iiba na talaga ang atmosphere dito sa loob ng classroom.
"Wala naman. Sayang lang kasi. Ang ganda mo pa naman, yun nga lang maganda rin ang hanap." Nang'iinsultong sagot ni Harvey.
Nagtawanan naman ang dalawa nitong alipores samantalang wala namang reaksyon sina Mike at Steve.
Mukhang nagpipigil ang mga ito na masapak ang mga kaharap dahil sa pangbabastos sa kanilang kaibigan. Kahit naman ako naiinis sa inasta ni Harvey. Ang sarap nyang sabunutan.! Promise.!
"Alam mo kung ako sayo.? Hindi ko dapat pino'problema ang buhay ng ibang tao. Ang pagtuunan mo na lang ng pansin ay iyang kayabangan mo. At ang mga kaibigan mong ito, na mukha atang hindi pa nakakakita ng babae sa tanang buhay nila." Nang'iinis namang sagot ni Alexis na ikinatahimik bigla ng tatlo.
Akma na sanang susugod ang dalawang kaibigan ni Harvey pero agad silang nahawakan nina Mike at Steven sa balikat.
"Ops.! Dyan lang kayo." Warning ni Mike sa dalawa.
Hindi pa nakuntento si Alexis dahil lumapit pa ito kay Harvey at may ibinulong ito sa tenga nito.
"Bawas-bawasan mo ang pagiging mahangin mo. Dahil ang pinaka ayoko sa lahat ang mga taong mayayabang na wala namang maibubuga. And oh please, you don't have an idea kung ano ang kaya kong gawin sa mga katulad mong saksakan ng katangahan."
Hindi ko narinig ang sinabi ni Alexis kay Harvey pero sigurado akong hindi ito nagustuhan ng huli dahil nakatiim-bagang ito at naka'kuyom ang mga kamao.
Nag'smirk naman si Alexis nang makita ang reaksyon ng huli na ikinakilig ng mga babae sa paligid namin. I admit, ang hot nyang tingnan sa ginawa nyang iyon.
"Bitawan nyo na ang mga iyan. Hindi dapat pinag aaksayahan ng oras ang mga katulad nila." Sabi nito kina Mike at nauna ng naglakad palabas ng classroom.
"Adios" nakangising sabi ni Steve bago sumunod sa kaibigan nila.
-----------
Alexis Pov
Nakakainis ang lalaking yun.! Ang sarap upakan ng pagmumukha. Buti na lang talaga nakapagpigil ako.
Akala nya kung sino syang gwapo, eh mukha namang tuko tingnan. Tsk.!
"Mukhang may ayaw agad sayo first day of school pa lang." Sabi ng isang tinig na nagpahinto sa aking paglalakad.
"Wala akong paki-alam. At kung pwede lang huwag kang sunod ng sunod sa akin. Napaghahalataang isa kang dakilang chismosa eh." Sagot ko rito.
Wala lang. Gusto ko lang syang inisin.
Sumimangot naman ito dahil sa sinabi ko.
"Aish. Akala ko pa naman hindi mo alam na sinusundan kita." Pagmamaktol nito na ikina'iling ko.
"Tsk.! Amoy mo pa lang kilala ko na." Pang'aasar ko pa rito.
Naiinis tuloy itong umalis sa pwesto ko. Kahit kailan talaga pikon ang isang yun.
"Nandito din pala sya.?" Tanong ni Steven nang makalapit sa aking pwesto.
Tumango lang ako sa kanya.
"Kailan pa.? Hindi ko ata napansin." Kunot noo namang sabi ni Mike.
"Alam natin kung paano sya kumilos Mike. Hindi mo sya mararamdaman kung gugustuhin nya. Paganahin nyo kasi ang senses nyo. Baka mamaya nyan may kalaban na pala sa tabi nyo, di nyo lang naramdaman." Sagot ko sa kanila at nauna nang naglakad papunta sa next class namin kuno.
Hays. Sana lang talaga huwag gumawa ng ano mang kalokohan ang babaeng yun. Knowing her, masyadong mapaglaro. Kapag may gustong pagtripan hindi pinapalampas.
___________