SaSA-6

2435 Words
Samantha Pov Nakatulala pa rin ako haggang ngayon habang inaalala ang mukha nung babae na sumalo sa akin kanina at ang boses nito na kasing lamig ng yelo. Sa tingin ko narinig ko na ang boses nito before pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan. Tapos ang mga mata nito na nagpabilis ng t***k ng aking puso lalo na nung mabaling ang tingin nito sa aking labi. Para tuloy akong nanghina at hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko naramdaman ang bagay na iyon. Paano ba naman kasi ang babaeng yun.! Sa lahat ng pwedeng tingnan sa mukha ko, labi ko pa talaga. Tsk.! But wait, hindi naman siguro sya lesbian right.? Sa ganda nyang yun imposibleng isa syang lesbyana. Well, hindi naman sa isa akong homophobic na tao. Hindi lang talaga bagay sakanya maging isang lesbian kung magkaganun man. Kahit na medyo boyish syang kumilos. "Sam, ok ka lang ba.?" Rinig kong tanong sa akin ni Bianca. "Oo nga naman bestie. Simula nung ganap kanina tulaley kana. Yung totoo.? Huwag mong sabihing hindi kapa nakakapag move'on sa muntikan mo nang pagkakabagsak.? O baka naman dahil sa cold treatment sayo ng knight in shining armour mo.?" Natatawang sabi ni Alicia na syang nagpataas ng aking kilay. "Anong knight in shining armour ang pinagsasabi mo dyan.? Kita mo namang babae yung tao eh." Naiinis kong sagot rito. "Hahaha. Relax lang ok.? Nagbibiro lang naman ako eh. Ang init na naman ng ulo mo." Naiiling na sagot nito dahil sa pagiging pikon ko. "Pero alam nyo guys parang pamilyar sa akin ang boses nya. Naalala ko tuloy si mystery girl doon sa bar. Yung kasama nung dalawang lalaki na tumulong sa atin.?" Biglang sabat ni Bianca na nakakuha ng atensyon ko. Teka. Tama nga.! Sya nga.! Sya yung babae na nasa bar. Shit.! Kaya pala pamilyar ang boses nya. "Pero imposible namang sya yun. Kung titingnan mo kasi si girl kanina parang hindi makabasag pinggan. Unlike don sa babaeng nasa bar na marunong sumuntok." Sabat naman ni Alicia. Hmm. May punto naman sya don. Pero hindi ako maaring magkamali dahil parehong-pareho talaga sila ng boses eh. Fuck.! Nililito ko na naman ang sarili ko. "Let just drop that topic guys. Ang mabuti pa umuwi na tayo. Maaga pa naman ang klase natin bukas." Sabi ni Bianca na sinang'ayunan naming dalawa ni Alicia. ------- Meanwhile "Nakapili kana ba ng damit na bibilhin mo Al.?" Tanong ni Steven sa kanyang kaibigan na nakakunot ang noo at parang may malalim na iniisip. "Al.!" Tawag ni Mike kay Alexis pero parang wala itong narinig dahil nakatulala lamang ito. "Hoy Al.!" Sabay na sigaw ng dalawa sa kaibigan na ikinagulat nito. "Ano ba.! Ba't ba kayo sumisigaw huh.? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito oh." Pabulong na sabi ni Alexis sa dalawa nyang kaibigan. Sabay tingin sa mga saleslady na ngayon ay nagkukunyaring may inaayos. Marahil ay natakot sa tingin na ipinupukol sa kanila ng dalaga. "Tss. Kanina pa kaya nakatingin sa atin ang mga iyan. At tsaka hindi kapa ba sanay.? May kasama ka kayang mga gwapo kaya natural lang na pagtinginan tayo dito." Pabirong sabi ni Mike na nagpaikot sa mata ng kaibigan. "Ang yabang mo po Mr. Lee, baka kamo mga taong grasa. Tsk.! Umalis na nga lang tayo. Maaga pa ang klase kuno natin bukas." Malamig na sabi ni Alexis. "Teka, wala ka bang bibilhing damit.?" Tanong sa kanya ni Steven habang papunta na sila sa cashier. "Wala. Sa susunod na lang ako bibili. May damit pa naman akong susuotin." Walang gana nitong sagot sa kaibigan. "Ok. Anyway, nakita ko pala ang subject natin dito pati yung mga kaibigan nya. And guess what kung ano pa ang nakita ko.?" Nakangiti ng nakakaloko si Steve habang sinasabi nya iyon na syang nagpataas sa kilay ni Alexis. "Wag mo akong gawing manghuhula Steve. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin." Malamig pa ring sagot rito ng kaibigan. As usual "Ahem.! Well, nakita ko lang naman kung paano saluhin ng prince charming nya ang kanyang prinsesa. Ay mali. Princess charming pala. Hahaha." Tumatawang sagot nito na nagpainis kay Alexis. Alam nya kasi kung ano ang tinutukoy nito. "Huwag mong lagyan ng malisya ang ginawa kong iyon. Nagkataon lang na nandun ako kaya ginawa ko lang ang trabaho ko at sa tingin ko'y tama." Mahinahon nyang sagot rito. "Ohh. Kaya pala ginawa mo ang trabaho mong saluhin sya.". Nakangiting sabi ng kaibigan. Ngiting nang'aasar. "Alam ko iyang tumatakbo sa isipan mo Steven. Kilala kita mula ulo hanggang paa kaya gaya ng sabi ko kanina. Huwag mong lagyan ng malisya ang ginawa ko." Cold pa rin nitong sagot sa kaharap. Itinaas naman ni Steve ang kanyang kamay bilang tanda ng pagsuko. "Ok relax. Chill ka lang buddy. Pero alam mo may tips ako sayo. Sa susunod na sasaluhin mo sya, don't look at her lips. Halatang natatakot yung tao eh. Hahaha." Patuloy nito at nauna nang naglakad dahil baka masapak pa sya ng kaibigan. "Steven Taylor.!" Pabulong na sigaw sa kanya ni Alexis pero tinawanan lang nya ito. ----------- Samantha Pov Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock na nasa bedside table ko lamang. Hay. Inaantok pa ako. Ang tagal ko kasing nakatulog kagabi kakaisip sa mukha nung babae yun kahapon. Tsk.! Makapag ligo na nga lang baka malate pa ako sa klase ko. Kahit naman kasi kami ang may-ari ng unibersidad na pinapasukan ko. Hindi ko parin pinapabayaan ang pag-aaral ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa mga matatalino sa aming paaralan at nangunguna sa Dean's list. Kaya nga Queenbee ang tawag sa akin ng karamihan dahil beauty and brain 'ika nga. Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay bumaba na ako para mag breakfast. Nagtext na kasi sina bestie na papunta na sila sa paaralan. "Magandang umaga Sam. Kumain kana dito hija, nakahanda na ang pagkain." Sabi ni Aling Karing habang pinaglalagyan ako ng tubig sa baso. Bata pa lamang ako ay dito na silang dalawa nagtatrabaho ng kanyang asawa na si Mang Berto. Sila yung lagi naming kasama ni ate Nadine kapag wala sa bahay sina dad and mom. Itinuring na rin namin sila bilang tunay na pamilya. Sila rin yung nakakaalam ng totoo kung ugali bukod sa pamilya at sa dalawa kong kaibigan. Mabait at maalaga naman talaga ang mag-asawa dahil para na nila kaming tunay na anak kung ituring. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa kanilang dalawa dahil sa pag-aalaga nila sa aming dalawa ni ate Nadine. Sila na rin ang tumatayong pangalawa naming magulang kapag wala sina dad dito sa bansa. "Sabay na lang po kayong kumain sa akin nay. Wala rin naman akong gana dahil wala akong kasabay." Paglalambing ko dito kaya napailing na lang ang matanda dahil sa inasal ko. "Ikaw talagang bata ka. Oh sya.! Tawagin ko muna ang tatay Berto mo." Sabi nito at pinuntahan na ang kanyang asawa kaya sabay-sabay na kaming kumain kasama ang iba pang kasambahay. Pagkatapos kung kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto para makapag sipilyo at nang makaalis na rin ako. Nagpaalam muna ako sa mag-asawa bago umalis. "Nay, aalis na po ako." Paalam ko rito ng madatnan ko ito sa kusina. "Sige, magiingat ka sa pagmamaneho. Huwag kang magpatakbo ng mabilis ha.!" Paalala nito sa akin. "Opo nay." Sagot ko rito bago ako pumunta sa aking kotse. Pagdating ko sa paaralan ay agad kong pinark ang kotse ko at dumiretso na sa school canteen dahil nandoon daw sina bestie. Habang naglalakad ako sa may hallway ay maraming mga estudyante ang bumabati sa akin kaya nginitian ko na lamang ang mga ito. Wala ako sa mood magsungit ngayon eh. Malapit na akong dumating sa pwesto nila Bianca kung saan sila nakaupo nang mapansin kong may kausap ang mga ito na dalawang lalaki habang nagtatawanan. Hays. Ang aga-aga lumandi ng dalawang 'to. Pagdating ko sa kanilang pwesto ay tumikhim muna ako para makuha ang kanilang atensyon dahil hindi ata nila napansin ang pagdating ko. Lumingon naman ang dalawang bruha sa akin kaya tinaasan ko lang sila ng kilay. "Good morning bestie.! Kanina kapa ba dyan.? Sorry hindi ka namin napansin." Nahihiyang sabi ni Alicia. "Halata nga eh. Ang sarap kasi ng kwentuhan nyo kaya di nyo napansin na may tao na sa harapan nyo." Masungit kong sagot sakanya bago nilingon ang dalawang lalaki na nakangiting nakatingin sakin. Hmm. Pamilyar ang mukha nila. Saan ko nga ba nakita ang mga 'to.? "By the way Sam. This is Mike and Steven, new student dito. Sila rin yung tumulong sa atin doon sa bar if you still remembered it." Pagpapakilala ni Bianca sa dalawa. Kaya pala pamilyar ang mukha nilang dalawa. But wait, kasama kaya nila yung misteryosang babae doon sa bar.? "Silly, of course I still remembered it. Anyway, I'm Samantha and thank you nga pala sa tulong nyo sa amin. Siguro kung hindi kayo dumating baka ano nang nangyari sa amin." Sincere kong sabi. "Walang anuman Samantha." Nakangiting sagot ni Mike. "So anong year na pala kayo.? And ba't kayo nagtransfer eh mid-term na.? If you don't mind me asking." "It's ok. Fourth year na kami taking up Businees Administration. Saka mahabang storya kung ba't kami nagtransfer. But dont worry, hindi kami gagawa ng ano mang kalokohan sa unibersidad nyo." Pabirong sagot ni Steven kaya natawa ako. Tingin ko naman masaya silang kasama. "Ah. Pareho lang pala tayo ng kursong kinuha. So, kayo lang ba dalawa ang nag'transfer dito.? I mean, wala na ba kayong kasama.?" Tanong ko sakanya at huwag na kayong magtanong dahil hindi ko rin alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Tiningnan lang ako ni Steven na parang nanunukso o baka naman namamalikmata lang ako. "Bakit.? May inaasahan kapa bang iba.?" Tanong nito pabalik sa akin. "Huh.? Uhh. Wa--wala naman." Nauutal kong sagot rito. Magsasalita pa sana ito ng marinig namin ang sigawan ng mga estudyante. "Wow.! Ang hot naman nung girl. Transferee din ba sya dito.?" "Gosh.! Nakakatomboy naman sya." "Ang ganda naman nya.!" Ilan lamang iyan sa aming narinig mula sa mga estudyante dito sa canteen. Curious tuloy ako kung sino ang tinutukoy nila, pati rin ata ang mga chismosa kong kaibigan nakikisagap ng balita. "I think she's already here." Sabi ni Mike na nakakuha ng atensyon namin. "Sino ang tinutukoy mong nandito na.?" Tanong ni Alicia sa kanya. "One of our bestfriend na magta'transfer rin dito." Sagot ni Steven habang nakatingin na naman sa akin. Nailang ako sa tingin nya kaya nagkunyari na lamang ako na may tinitingnan sa aking cellphone. Maya-maya pa ay nagsalita na si Mike pero hindi ko na pinagka'abalahang tingnan kung sino ang kausap nito. "Ang tagal mo naman bud. Akala ko tuloy 'di ka papasok ngayon." Rinig kong sabi ni Mike. Ramdam ko namang may umupo sa tabi ko. Teka nga muna. Akala ko ba babae ang kaibigan nila.? Eh bakit bud ang tawag nila sa kanya.? Tawagan naman yun ng mga lalaki eh. "Oo nga naman Al. Wala ka kasi sa bahay kanina, saan kaba nagpunta.?" Tanong naman rito ni Steve pero wala akong narinig na sagot mula sa katabi ko. Himala atang 'di nagsalita ang dalawang chismosa kong kaibigan.? Samantala kanina akala mo kung sinong mga reporter kakatanong kina Mike. Tapos ngayon dumating lang itong kaibigan nung dalawa tumahimik agad sila. Ay grabe.! Iba rin talaga. Naputol lang ang pakikipag'usap ko sa aking sarili ng magsalita ang bagong dating na transferee. "May pinuntahan lang ako." Maikli pero cold nitong sagot. Natigil ako sa paglalaro ng candy crush nang marinig ko ulit ang boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa taong nakaupo sa aking tabi para makita ang mukha nito. Muntikan pa akong mahulog sa aking kinauupuan nang ma'realize ko na sya yung babae na nasa MOA na sumalo sa akin. And the worst thing is katabi ko pa talaga sya ngayon. Geez.! Ba't ba ako kinakabahan.? "Saan nga." Pangungulit ni Mike sa kanyang kaibigan. "It's none of your business." Malamig paring sagot nito. Wait. Shit.! Oh my gosh.! Huwag nyong sabihing iisa lang yung babaeng sumalo sa akin at yung babaeng tumulong sa amin sa bar.?! "Guys ito nga pala si Alexis Ramirez, kaibigan namin ni Steven. Sya rin yung kasama namin doon sa bar. At katulad nga ng sabi ko dati you can call her A or Alex." Pagpapakilala ni Mike sa bagong dating. Shit.! I was right.! They were the same person. Fudge.! Nakakahiya.! Dalawang beses na nya akong tinulungan. "Hi Glaiza.! I'm Alicia and this is my friends, Bianca and Samantha. Pwede mo rin kaming maging kaibigan kung gusto mo. And by the way, welcome to the Howell University.!" Masayang bati ni Alicia. Buti na lang talaga makapal ang mukha nito minsan. Tiningnan ko naman kung ano ang reaksyon ng katabi ko pero blangko lang itong nakatingin kay Alicia na parang isa itong baliw sa kanyang paningin. Ramdam kong siniko ako ni Alicia, signaling me na kausapin ang bagong dating. "Hi. I--Im Samantha Cruz Howell, i-it was nice meeting you and um, yeah. Welcome to the Howell University." Nauutal kong bati sa kanya. Lumingon naman ito sa akin kaya feeling ko tuloy tumaas lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa lapit ng mukha namin. Tumitig lang ito sa akin na mas lalong nagpailang sa akin. But seriously, I was mesmerized by her eyes. Ang sarap kasing titigan kahit na wala kang makikitang emosyon doon. And crap.! Her pointed nose. Nahiya tuloy ang ilong ko dahil sa tangos ng ilong nya. And her pouty lips na kahit walang lipstick ay ang pula pa rin. Wow.! She's almost perfect. Ngayon lang ako pumuri sa isang babae. Sa totoo lang. Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang may tumapik sa balikat ko. "Ok ka lang ba.?" Cold nitong tanong sa akin. "Huh.? O-oo naman." Sagot ko sakanya. Goodness.! I'm checking her out again. Nakakahiya.! "Ok." Kibit-balikat nitong sagot sa akin. "Guys una na kami ah. Malapit na kasing magsimula ang klase namin eh. See you around na lang guys." Paalam ni Bianca kaya tumayo na ako at nauna ng naglakad sa kanilang dalawa. "I saw it." Biglang sambit ni Alicia nang mahabol nila ako. "You saw what.?" Tanong ko naman sa kanya. "Kung paano ka tumitig sa knight in shining armour mo." Natatawang sagot nito sa akin. "What.?! Huwag mo nga akong pagtripan ngayon. Wala ako sa mood ok.?" Masungit kong sagot sa kanya pero tinawanan lang ako ng dalawang bruha kong kaibigan. Tsk.! Ano ba kasi ang nangyayari sa akin.? Hindi naman ako ganito dati ah. Pero simula ng makita ko sya hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakaka'inis.! __________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD