Alexis Pov Halos mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Samantha. Mula nung inihatid sya ni Harvey sa kanilang bahay ay hindi ko na sya nilalapitan at hindi ko na rin sinusubukan na kausapin sya. Hindi naman dahil sa sumusuko na ako kaya ko ginagawa iyon. Ang totoo kasi nyan, napagtanto ko sa sarili ko na hindi ko dapat minamadali ang lahat. Kailangan ko munang bigyan ng panahon at oras si Samantha para gamutin ang sugat sa kanyang puso na ako ang may gawa. Kahit pa sabihin nating hindi ko sinasadyang masaktan sya, still ako parin ang dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon. Isa pa, hindi ko naman kailangang mag-alala ika nga nina Bianca at Alicia, dahil gagawin naman daw nila ang lahat para mabakuran ang kanilang kaibigan. Alam na kasi nila ang totoo dahil sinabi na sa kanila

