Alexis Pov Matapos ang nangyari kahapon ay hindi ko na malapitan si Samantha dahil bukod sa iniiwasan na nya ako, lagi na ring nakabuntot sa kanya si Harvey. Kaya ang plano ko na kausapin sya ay hindi na nangyari pa. "Oh ano.? Hindi mo parin ba sya nakakausap.?" Tanong ni Mike sa akin. Na'ikwento ko na rin kasi sa kanila ang nangyari kahapon sa parking lot. "Hindi pa nga eh. Paano ko naman kasi sya makakausap nyan kung laging may nakabuntot sa kanyang unggoy." Pokerface kong sagot sakanya. "Pansin ko nga rin. Mukhang hinahayaan lang din ni Samantha si Harvey na lumapit sakanya. Hindi tulad nong dati na sinusungitan nya ang unggoy na iyon kapag lumalapit ito sa kanya. Naku tol.! Kung ako sayo gagawa na ako ng paraan kung paano makakausap si Samantha bago pa mahuli ang lahat. Tingin ko

