SaSA-4

2760 Words
Before the mission started "Good morning my dear cousin, gumising kana.! Anong oras na oh. Hey, wake up sleepyhead.!" Sigaw ng babae sa taong nakahiga sa kama na ngayon ay na'alimpungatan sa kanyang boses. Pero hindi parin ito tumayo bagkus ay tinakpan nito ng unan ang kanyang mukha at tainga para hindi marinig ang ka'ingayan ng kasama. Nagulat na lamang sya nang maramdaman nya ang malamig na likido na dumaloy sa kanyang katawan. Agad nyang kinuha ang unan na nakatakip sa kanyang mukha at nakita nyang nakangisi ang kanyang pinsan habang binubuhusan sya ng malamig na tubig na nakalagay sa baso. Agad din naman itong tumakbo palabas ng kanyang kwarto nang bigla syang tumayo. "What the.?! Ugh.! Georgina Garcia Travis.!" Sigaw nya rito at agad na itong hinabol na tawa pa ng tawa dahil sa ginawa nitong kalokohan sa kanya. "Ang epic ng mukha mo kanina couz, kung nakita mo lang. Hahaha." Natatawang sabi nito. Pero agad din namang tumigil nang mapansin nito ang seryosong mukha ng kausap. "Hindi nakakatawa ang ginawa mong iyon Georgi." Seryosong sagot ng kaharap ni Georgina. "Fine. I'm sorry ok.? Ikaw kasi eh. Ang hirap mong gisingin kaya ayan tuloy napilitan akong gawin yun. Sorry na talaga couz." Paglalambing nito sakanyang pinsan nang mapansin nito na hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nito. "I will forgive you this time. Pero sa susunod na gagawin mo ulit yun sa akin. Well, I'm sorry my dear cousin, cause I'll make sure na may tamang kaparusahan yun." Nakangising sagot ng kanyang pinsan. Hindi nya tuloy maiwasang 'di mapalunok ng laway dahil sa sinabi nito. Alam nya kasi ang ugali ng isang Alexis Ramirez Garcia.  Kapag sinabi nito ay talagang mangyayari. "Hehehe. I'll put that in my mind couz." Pilit syang tumawa para hindi mapansin ng huli na kinakabahan sya. "So, ano namang masamang hangin ang nagdala sayo dito sa condo ko at kailangan mo pa talaga akong gisingin ng ganito kaaga." Tanong ni Alexis sa kanya. "Pinapatawag ka kasi sa headquarter. May pag-uusapan daw kayo ni Tito Harold. Kasi naman Al.! Kanina pa raw sya tawag ng tawag sa cp mo pero hindi ka daw makontak. Kaya heto, ako na lang ang pinapunta nya rito para sabihan ka. And FYI lang couz, hindi na maaga no.! 10:30 a.m na kaya." Mataray na sabi ni Georgina sa kanyang pinsan. "Eh sa kaninang alas siete pa lang ako nakatulog kaya para sa akin maaga pa. Hindi na nga umabot ng apat na oras ang tulog ko dahil sayo. Tsk!. Pero teka nga muna. May alam kaba kung tungkol saan ang pag-uusapan namin ni Tito Harold.?" Nagtatakang tanong ni Alexis. "I'm not sure pero tingin ko tungkol ito sa bago nyong mission." Sagot naman ni Georgina sa kanyang pinsan na nakakunot na ang noo na ngayon. ____________ Alexis Pov Hays.! Makakabawi na sana ako ng tulog sa ilang araw na pagpupuyat, tapos ngayon bigla na lang akong gigisingin ng magaling kung pinsan para lang papuntahin sa HQ.?! Naman oh.! Kung hindi ko lang talaga mahal 'tong pinsan kong ito malamang kanina pa ito nakatikim ng batok mula sa akin eh. Anyway, let me introduce myself first. I'm Alexis Ramirez Garcia, twenty-three years old. Bunso sa tatlong anak ng isang bilyonaryong negosyante na si Alfred Garcia. Pero ang ginagamit kong apelyido ay Ramirez. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang pagiging isang Garcia. Ayaw ko lang talaga ng atensyon ng maraming tao porke't anak ako ng isang bilyonaryo. In fact, hindi pa ako naipapakilala ng aking ama sa kanyang mga business partners at sa publiko dahil na rin sa kagustuhan ko. Buti nga pumayag sya, knowing my Dad, gusto nyang ipagmalaki ang kanyang mga anak sa maraming tao. Kunti lang naman ang nakakaalam sa totoo kong pagkatao, even my co-workers sa agency ay hindi alam na isa akong Garcia. Mga magulang ko rin naman ang may-ari ng agency na pinagtatrabahuan ko. Ang totoo nyan dati rin silang mga secret agent which is hindi alam ng maraming tao bukod lang sa mga malalapit na kaibigan at pamilya namin. Bata pa lang ako tinuruan na ako kung paano makipaglaban at depensahan ang sarili mula sa mga masasamang tao. Kasama kong mag training ang apat ko pang kaibigan na mga anak rin ng dating kasamahan ni dad nung agent pa sya. Sila rin yung nakakaalam ng totoo kung pagkatao bukod sa pamilya ko syempre. Noong nag desisyon kami na magtrabaho sa Garcia Security Agency ay agad na tumutol ang mga magulang namin, dahil alam nila kung gaano kadelikado ang gagampanan naming trabaho lalo na't sa field ang napili namin. Pero wala namang nagawa ang mga magulang namin lalong-lalo na ang parents ko na pilit pa akong binigyan ng trabaho sa aming kompanya, para lang mabaling ang atensyon ko. Pero nung makita nila na seryoso ako hindi na sila nagpumilit pa. My dad wanted to introduce me to my co-workers, but i declined it. Ayaw ko kasing magkaroon ng special treatment. Gusto ko kasi na kung makuha ko man ang kanilang respeto, yun ay dahil sa may napatunayan ako at hindi lang dahil sa isa akong Garcia. Wala namang nagawa si dad at hinayaan na lang ako sa gusto kong gawin. Kahit na si Tito Harold na syang kasalukuyang namamahala sa aming agency ay wala ring nagawa. Si Tito Harold ay isa sa mga ka'team ni dad noong kabataan pa nila at sya rin ang ama ni Steven na isa sa mga kaibigan ko. Agent A o di kaya'y Alex ang tawag nila sa akin kapag nasa HQ ako. Pero kapag nasa trabaho na ay Shadow ang ginagamit kong codename. Ang mga kaibigan at pamilya ko lang naman kasi ang tumatawag sa akin na Al, which is ang nickname ko. Ang sabi ng karahiman ay isa akong cold na tao kaya marami ang natatakot na lumapit sa akin. Ganito na kasi ako simula nong bata pa lang ako. Let just say na hindi lang talaga ako mahilig magsalita o kumausap ng taong hindi ko kilala, at hindi rin ako madaling magtiwala. Isa pa, sanay na naman ang pamilya at mga kaibigan ko sa pagiging cold ko pero yung mga katrabaho ko ay naiilang pa rin sa akin. Anyway, I'm a lipstick lesbian. Lahat ng taong nakakakilala sa akin ay alam ang s****l preference ko. I'm out and proud naman kasi saka nagkaroon rin naman ako ng girlfriend, pero hindi nagtagal because she died in a car accident three years ago. Almost two years din kami non kaya I'm so depressed that time nung mawala sya. Halos mapabayaan ko na ang aking trabaho sa agency. Sino ba naman kasi ang hindi made'depress.? She's my first love after all. My first kiss, first partner in bed [you know what i mean]. Kaya nong nawala sya, lagi na lang akong laman ng bar and I even f**k different girls na laging lumalapit sa akin. Buti nga hindi ako nagkaroon ng aids. Hahaha. Kidding. But anyways, mabuti na lang laging nandyan ang mga kaibigan at pamilya ko para ipaalala sa akin na sobra na ang pinaggagawa ko sa aking sarili. "Hoy Al.! Okay ka lang ba.? Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba iyang iniisip mo't lutang na lutang ka dyan.?" Kunot noong tanong ni Georgina na hindi ko na lamang pinansin. "Nothing. Ano nga pala yung sinasabi mo kanina.? Yung tungkol dun sa bago naming mission.?" "Hmm. Narinig ko lang mula kay Tito Harold. Pinapunta nga pati sina Mike at Steve sa HQ eh." Sagot sa akin ng magaling kong pinsan na busy sa kanyang cp. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na isa sya sa mga model ng isang sikat na modelling agency. At tumutulong din syang magpatakbo ng kanilang kompanya dahil nagiisa lang naman syang anak ni Tita Minerva na kapatid ni Dad. Well, sexy naman talaga tong pinsan kong ito. Pero huwag lang talagang magkamali na may bumastos sakanya dahil sigurado akong mababalian ng buto. Yeah. Marunong rin syang mangbugbug ng tao. "Naku naman.! Akala ko magkakaroon na ako ng pahinga hindi pa pala. Puyat at pagod pa nga ako dahil sa ilang araw na pagtugis sa walangyang kriminal na yun, ang galing magtago. Tapos ngayon may bago na naman.? Haist. Plano pa naman namin nila Mike na magbakasyon muna para makapagpahinga. Tsk." Napapalatak kong reklamo rito. "Aba bago yan ah.! Marunong ka palang magpahinga Al.? Akala ko di na eh. This past few years subsob na subsob ka sa trabaho lalo na nung mawala sya. Halos lahat na ata ng kaso hinawakan mo na para lang maging busy, dinamay mo pa sila Mike. Tapos ngayon may pabakasyon-bakasyon ka pang nalalaman ah. Magaling.!" Pilosopong sagot sa akin ng magaling kong pinsan habang pumapalakpak pa. "Aso nga napapagod, ako pa kaya.? Atsaka naka'move on na ako noh.! Alam ko naman na hindi sya magiging masaya kapag sinira ko ang buhay ko." Sagot ko na lamang rito. "Ganun talaga couz. Minsan kailangan nating tanggapin na maaring hindi sila ang nakalaan para sa atin. Malay mo naman diba.? Baka malapit mo nang makilala ang babaeng para talaga sayo. Huwag mo lang isarado iyang puso mo at hayaan mong tumibok itong muli." Madamdaming pahayag nito. "Alam mo ang drama mo ngayon. Yung totoo.? Anong nakain mo bago ka pumunta dito sa condo ko.? Ang dami mo atang baon na hugot ngayon." Pagbibiro ko na lamang para maiba ang topic. Kahit na alam kong tama ang sinasabi nito. Pero sa ngayon kasi hindi pa ako handang magmahal ulit kahit na tanggap ko ng wala na talaga si Stacey. "Panira ka talaga Al.! Nagda'drama ako dito eh. Magbihis kana nga dun.! Kanina pa text ng text si Tito Harold kung nasaan kana." Mataray na sagot sa akin ng bruhildang ito. "Shoot.! Oo nga pala, hintayin mo ako dito, ihahatid na rin kita sa office mo bago ako pumuntang HQ." Sabi ko rito at tumango naman ito kaya agad na akong pumasok sa aking kwarto para maligo at makapag bihis. *** Pagkatapos kong maihatid si Georgina sa kanyang opisina ay dumeretso na agad ako sa HQ. Baka naiinip na sila sa kakahintay sa akin. Pagdating ko sa HQ deretso na ako sa office ni Tito Harold at hindi nga ako nagkakamali dahil halos hindi na maipinta ang pagmumukha ng mga taong nandito sa loob. "Good morning Tito, Mike and Steve. Sorry, I'm late." Hingi ko ng paumanhin sa kanila. "Thanks god you're already here Alexis.! Kanina pa ako tumatawag sa cp mo pero hindi ka makontak." Frustrated na sabi ni Tito Harold. "Deadbat kasi ako Tito." Maikli kong paliwanag sakanya habang nagkakamot sa aking kilay. "It's ok. So since nandito na kayong tatlo. Kailangan na nating pag'usapan ang bagong mission na ibibigay ko sa inyo." Panimula nito pero agad akong sumabat. "Wait Tito, kailangan ba talaga na kami ang humawak nyan.? Hindi naman sa nagrereklamo ako. You know me very well, especially sa mga ganitong sitwasyon. Pero kasi plano naming magkakaibigan na magbakasyon muna, para makapagpahinga sa sunod-sunod na kasong hinawakan namin lately. Kaya kung pwede sana Tito, sa iba mo na lang ibigay 'yan." Litanya ko. "I understand you Al. Pero kayo lang ang inaasahan ko sa kasong ito. Iba ito sa mga nahawakan nyo nang kaso na puro barilan at habulan. Dito makapagpahinga pa kayo." Sagot nya na ikinakunot noo naming magkakaibigan. Hindi namin maintindihan ang ibig nyang sabihin. "What do you mean dad.?" Tanong sa kanya ni Steven. "Well, kailangan nyo lang imbistigahan at hulihin kung sino ang taong gustong magpapatay sa pamilya ng isang business tycoon na si Roman Howell. And uhh, while nag iimbistiga kayo kailangan nyo rin bantayan ang bunso nitong anak." Nagaalangang sagot ni Tito. Magre'react na sana ako ng tumunog ang cp ko. Buti na lang talaga may power bank akong dala. It was my father. Nag text ito sa akin at nakiusap na tanggapin ko ang kasong ito. Hays. I think kakilala nya ang Mr. Howell na iyon. Paminsan-minsan lang kasi humingi ng pabor sa akin si Dad. "Ano.? Teka muna Tito. Hindi naman siguro ako nagkamali ng narinig na babantayan rin namin ang anak nito.? Tito naman.! Kaya nga sa field ang pinili namin dahil gusto namin ng action. Tapos ngayon magiging babysitter kami ng anak ng isang mayaman at kung hindi ako nagkakamali isa pang spoiled brat na bata.! Hindi ako papayag nyan Tito." Hysterical na sabi ni mike. Natatawa namang kinuha ni Tito ang ang tatlong folder, na sigurado akong nandon lahat ng impormasyon na pwede naming malaman tungkol sa magiging subject namin kung sakali. "Sino naman ang nagsabi sa inyong bata ang babantayan nyo.? Buksan nyo ang folder para malaman nyo at baka mabago nito ang desisyon nyo." Nakangising sabi ni Tito Harold kaya binuksan namin ito. May dalawang picture ang nandoon. Yung isa ay larawan ng isang pamilya na kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking nasa picture na medyo may katandaan na at mukhang ka'edad lang nila Dad ay si Mr. Howell. Paano ko nalaman.? May nakalagay kasing 'Howell Family' sa labas ng folder. Tss. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang larawan na may tatlong babae ang nandun, at sa tingin ko ay kasing edad lang namin ang mga ito. "Base sa nakita nyo. Ang isang picture dyan, iyan ang pamilyang Howell. At ang isang picture na may tatlong babae ay isa sa kanila dyan ang anak ni Mr. Howell at yun yung nasa gitna. Iyan si Miss Samantha Cruz Howell, ang babantayan nyo. Nakalagay na dyan lahat ng impormasyon na gusto nyong malaman tungkol sa kanya pati na rin sa dalawa nyang kaibigan na nasa picture, sila ang madalas nyang kasama." Paliwanag ni Tito. Tiningnan ko naman ang sinasabi nyang si Samantha. Hmm. She's just twenty years old, I see. And she have this beautiful yet seductive eyes. Sa tingin ko maraming lalaki ang nagkakagusto rito and um, magiging sinungaling ako if I won't admit that I find her sexy. "So ano Al.? Okay ba.? I mean, payag kana ba.?" Hopeful na tanong ni Tito Harold. Tiningnan ko muna ang dalawa at mukhang payag naman sila. "Okay, fine Tito. Tatanggapin ko 'yan dahil na rin sa paki'usap ni Dad. And I know what you're thinking Tito. I admit I find her sexy but she's not my type." Sagot ko sa tanong nya kanina kung okay ba. Tsk.! Akala nya hindi ko alam ang ibig sabihin non huh. "Sabi mo eh. By the way, sa makalawa na ang flight nyo papuntang Pinas at may bahay na rin kayo doon na tutuluyan. Lahat ng kailangan nyo kumpleto na. Mula sa pera at kotse, pati na rin ang mga weapon na gagamitin nyo kung sakali mang mapalaban kayo. Papasok din kayo bilang mga Business Ad. student sa mismong Unibersidad ng pamilyang Howell kung saan nag-aaral si Miss Samantha. Huwag kayong mag-alala, naka'enroll na kayo doon at magkaklase kayo ni Miss Samantha, lalo kana Al. Lahat ng subject nya ay kaklase mo sya. Para hindi sya mawala sa paningin mo-- I mean, sa paningin nyo pala." Nakangising sabi nito kaya napapa'iling na lamang ako. "Wow.! Balik mag-aaral pala kami nito. Hahaha." Komento ni Steven na mukhang tuwang-tuwa pa ata. "Yeah son. Interesting right.? And one more thing guys. Nauna na pala ang dalawa nyong kaibigan na sina Luis at Katherine. Last week pa sila umalis, para mabantayan na din nila ng palihim sina Mr. Howell at ang kanyang asawa at panganay nitong anak. Hindi na muna namin iyon ipina'alam sa pamilyang Howell, para na rin hindi mahalata ng kalaban at makakilos ng maayos ang dalawa. Hindi natin alam baka nasa paligid lang nila ang impostor. May nauna na ring tatlo nating tauhan na syang pansamantalang magbabantay kay Miss Samantha habang wala pa kayo doon, nasa London kasi sina Mr. Howell." Litanya ni Tito. "Tsk. Kaya pala hindi ko na nakikita dito sa HQ ang dalawa. Akala ko tuloy nagtanan na sila." Sabi ni Mike, natawa tuloy kaming lahat dahil sa kanyang kalokohan. "So it settled then. Makaka'alis na kayo guys para makapag-impake na rin kayo ng mga gamit na dadalhin nyo. Gusto ko lang din ipapaalala sa inyo na magiingat kayo, hindi nyo alam kung sino ang makakalaban nyo. Baka nasa paligid lang ang mga ito at nagbabalat-kayo. Good luck.!" Paalam nito sa amin habang palabas na kami ng kanyang office. Napalingon ako sakanya ng tawagin nya ako. "By the way Al, Mike is right. Isang spoiled brat ang babantayan nyo." Sabi nito sabay kindat sa akin. "Tsk. We'll see." Nakangisi kong sagot sakanya at tuluyang nang lumabas ng kanyang office. _________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD