SaSA-3

2139 Words
Present time "Hello bestie.? Nasaan kana ba.? Nakapark na kami dito sa madilim na parte malapit sa bahay nyo. Gaya ng napag-usapan natin." Mahinang sabi ni Bianca. Flashback "Punta tayong BGC mamaya ah.!" Parang excited pa na sabi ni Samantha sa dalawang kaibigan. "Eh paano naman yung mga bodyguard mo bestie.? Siguradong babantayan ka nila. Alam mo namang ibinilin ka ni Tito Roman sa kanila bago sila pumuntang London na hindi ka papaalisin ng bahay nyo kung hindi mo sila kasama." Paalala ni Bianca sa huli. "Akong bahala ok.? Basta ganito ang gagawin nyo. Kapag pumunta na kayo sa bahay doon kayo magpark sa madilim na bahagi na hindi kalayuan sa bahay namin. Para hindi nila kayo makita at baka magtanong pa sila kung ano ang ginagawa nyo doon. Iisip ako ng paraan kung paano ko sila matatakasan. Basta kapag tumawag ako paandarin nyo na agad ang kotse para makasakay na agad ako at ng makaalis tayo agad para hindi tayo mahuli." Samantha explained. "Hay.! Kinakabahan talaga ako sa plano mong iyan Sam. Isama mo na lang kaya ang mga 'yan.?" Suggest naman ni Alicia. "What.?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo bestie.? Alam mo namang ayaw ko ng chaperone diba.?" Mataray na sabi ni Samantha na ikina'ikot ng mata ng kaibigan. "Relax lang ok.? Nagsa'suggest lang naman ako." Inis na ring sabi ni Alicia. "Tama na 'yan guys. Baka mag-away pa kayo nyan eh." Awat na ni Bianca sa dalawa. "So ano.? Go ba kayo sa plano ko.?" "Ano pa nga ba.? As if namang may pagpipilian pa kami." Napipilitang sagot ni Alicia. Huwag lang talaga silang mahuli ng mga bodyguard nito dahil sisiguraduhin nyang kakalbuhin nya ang kaibigan nyang ito. "Hehehe. Thanks besties. I love you both." Nakangiting sabi ni Samantha sa mga kaibigan na ikina'ikot na naman ng mata ng mga ito. End of flashback "Wait lang guys. Nandito pa ako sa loob. Ang hirap palang takasan ng mga ito." Sagot ni Samantha sa kabilang linya habang nagtatago sa likod ng pintuan sa kanilang sala upang humanap ng tyempo para tumakas. Bigla namang pumasok ang dalawa nyang bodyguard kaya agad nyang siniksik ang kanyang katawan sa likod ng pintuan para hindi sya makita. "Nagugutom na ako pre. Kumain muna tayo." BG 1 "Ako rin eh. Siguro naman tulog na si ma'am Samantha ngayon. Hindi na naman siguro yun aalis ngayong gabi." BG 2 "Hay. Ang hirap talaga kapag mayaman. Sila na nga itong binabantayan para masigurado ang kanilang kaligtasan. Sila pa yung galit." Sabi naman ng isa sa mga ito. Hindi namang maiwasang 'di makonsensya ni Samantha sa narinig dahil sa pagsigaw-sigaw nya sa mga ito. "Hahaha. Di kapa ba sanay dyan pre.? Pero kung si boss lang ang nagbabantay dyan.? Malamang 'di uubra ang pagiging mataray nyan." Natatawang sagot nito sa kasama. Hindi na narinig ni Samantha ang huling sinabi ng kanyang bodyguard dahil malayo na ang mga ito sa kanya. Habang papalayo ang dalawa nyang bodyguard ay dahan-dahan naman syang umalis sa kanyang pinagtataguan. Lalabas na sana sya nang makita nya ang isa pa nyang bodyguard malapit sa may gate habang kausap ang kanilang security guard kaya muli syang bumalik sa kanyang pwesto kanina. "Shit.! Nakakainis talaga.! Bwesit.!" Pagmumura nya habang tinatawagan si Bianca. "Hello B.? Pwedeng pahinging favor.?" Sabi nya sa kaibigan habang kagat-kagat ang kanyang daliri at halatang kinakabahan. "Ano na naman ba 'yan Howell.?" Kunot noong tanong ni Bianca kahit na hindi nakikita ng kaibigan. "Ano kasi--um. Hindi ako makaalis dahil may nagbabantay sa may gate. Uh, pwede bang libangin nyo muna sila.?" Paki usap nya rito. "Ano.?! Sam naman eh." Pagpoprotesta ni Bianca sa sinabi nya. "Sige na bestie. Please.?" Pagmamakaawa nya sa kausap sa kabilang linya. "Hays.! Ok fine.! Kapag kami talaga napahamak dito humanda ka talaga yoyon." Pagbabanta nito sakanya. "Salamat bestie." Masaya nyang sagot sa kaibigan. Rinig nya pa ang pagbaba ng mga ito sa kotse. Sumilip muna sya sa pintuan at maya-maya pa ay nakita na nya ang dalawa nyang kaibigan na nakasimangot. Pero agad din namang ngumiti ng pilit nang malapit na sila sa pwesto ng dalawang lalaki na nagbabantay sa gate. "Magandang gabi po ma'am Bianca at ma'am Alicia." Bati ng security guard sa dalawa nyang kaibigan. "Magandang gabi rin po kuya." Nakangiting bati ni Bianca "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo ma'am.?" Tanong ng gwardya sa kanilang dalawa ni Alicia habang ang isang bodyguard naman ni Samantha ay nakatingin lang sa kanila. Na waring pinag-aaralan ang kanilang kilos. Hindi tuloy maiwasang kabahan ng dalawa pero hindi nila iyon ipinahalata. "Ano kasi, may group study kami ni Sam kaya ano---pumunta kami dito." Sagot ni Alicia na nauutal pa. Wrong move.! "Group study.? Eh bakit po ganyan ang bihis nyo ma'am.?" Nagdududang tanong ng bodyguard sa kanila. "Ha.? Uh---ano kasi, galing kami sa isang party kaya ganito ang suot namin. Dumeritso na lang kami dito pagkatapos ng party." Sagot ni Alicia. Palihim namang napangiwi si Bianca dahil sa rason ng kasama. "Tama po si Alicia. May damit rin po kasi kami dito kay Sam dahil madalas kaming mag sleep over kaya dumeretso na lang po kami dito." Segunda na lamang nya habang nasa pintuan ang atensyon dahil sumilip si Samantha. "Ganun ba ma'am.? Wala ba kayong kotseng dala.?" Tanong parin nito sa kanila. "Wala po. Hinatid lang kami dito nang driver ko at hindi na sya dumiretso dito dahil nagmamadali po kasi yun." Sagot naman ni Bianca na kulang na lang ay himatayin dahil sa kaba. "Ahh, kaya pala. Sige ma'am, tatawagin ko muna si ma'am Samantha para ipaalam na nandito na kayo sa baba. Pasok ho muna kayo sa loob." Pag aya nito sa dalawa. "Sige po kuya. Susunod lang po kami." Magalang na sagot ni Alicia. Tumango naman ito bago pumasok sa loob para puntahan kuno si Samantha. Nang makalayo na ito sakanila ay sabay pang napabuntong hininga ang dalawa dahil sa kaba. "Kuya pwede po bang kunan nyo muna kami ng tubig.? Nauuhaw kasi ako eh." Paki usap ni Bianca sa gwardya. "Sige po ma'am. Pasok po muna kayo." "Mamaya na lang po paglabas ni Sam--- este pagbaba pala. Atsaka mahangin dito sa labas, naiinitan kasi kami eh." Pilit ang ngiting iginawad ni Bianca sa kausap. Naguguluhan man ang lalaki ay agad rin naman itong pumunta sa kusina para ikuha ng tubig ang nauuhaw 'daw' na mga kaibigan ng kanyang amo. Pagkaalis ng gwardya ay agad na lumabas si Samantha sa kanyang pinagtataguan. Daig pa nito ang hinahabol ng baliw na aso dahil sa bilis nitong maglakad. Mabilis din silang lumabas sa gate bago pa sila mahuli at malaman ng kanyang mga bodyguard na tumakas sya. Pagdating nila sa kotse ni Bianca ay agad din silang sumakay at pinaharurot ito habang tumatawa dahil sa kanilang kapilyahan. Habang ang kanyang mga bodyguard naman ay tumawag na sa kanyang ama para ipaalam ang kanyang ginawa. "Hello Mr.Howell.? Ano po kasi, yung anak nyo. Tumakas po kasama ang mga kaibigan nya." Sumbong ng isa sa tatlong bodyguard. Napabuntong hininga na lamang si Mr. Howell sa balitang natanggap. "Hays. Ang tigas talaga ng ulo ng batang 'yan. Sige ako ng bahala pag-uwi ko dyan. But for now, please hanapin nyo muna sya baka may masamang mangyari sakanya." Paki'usap ni Mr. Howell sa tatlo. "Okay po. Masusunod Sir." Sagot naman ng isang bodyguard. Habang papalabas ng gate ay nakatanggap naman agad ang isa sa kanila ng impormasyon kung nasaan sina Samantha. Meanwhile Nagsasaya ang magkakaibigan habang sumasayaw sa dance floor nang biglang may lumapit sa kanila na limang lalaki. Sa hitsura pa lang ng mga ito ay halatang lasing na kaya napagpasyahan na lamang nilang bumalik sa kanilang table pero pinigilan sila ng mga ito. "Hey. Aalis na agad kayo.? Kakasayaw pa lang namin eh. C'mon babe. Dance with me." Sabi nong isang lalaki na may maraming tatoo sa braso habang inilalapit ng husto ang katawan nito kay Samantha. Itinulak nya ito kaya halos mabuwal ito sa kanyang kinatatayuan dahil sa lakas ng pagkakatulak nya rito. "Wow.! Palaban pala si miss ganda pre. Hahaha." Kantyaw ng isang lalaki sa kaibigan. "Mabuti naman kung ganon dahil isa 'yan sa gusto ko sa isang babae. Yung palaban." Sagot nito sa kaibigan habang nakangising nakatingin kay Samantha. "Talaga.? Then pasensya na dahil hindi kita type." Mataray namang sagot ni Samantha rito habang sinusubukang itulak ang lalaki para makadaan silang tatlo. Pero sa kasamaang palad ay hinawakan nito ang kanyang kamay at pilit na hinahatak papalapit sa katawan nito. "Please bitiwan mo ang kaibigan namin." Paki'usap ni Bianca sa lalaking nakahawak sa kamay ng kaibigan. "Siguro naman tama na yung paki-usap nya para bitawan mo na ang kaibigan nya.?" Biglang sulpot ng isang lalaki mula sa likuran nila. "Sino ka ba huh.?! Wag ka ngang maki-alam dito kung ayaw mong masaktan.!" Sabi nong lalaki na may tatoo sa braso at mukhang ito ata ang lider nang apat. "Hindi ako naghahanap ng away mga pre. Pero sana huwag nyo namang bastusin ang mga babae." Natatawang sagot nito habang papalapit ang isa pa nitong kaibigan. "Anong meron dito Mike.?" Tanong ng bagong dating na lalaki. "Wala naman Steve. Naki'usap lang naman sana ako sa mga ito na pakawalan yung tatlong babae." Sagot ng lalaki sabay nguso sa pwesto nina Samantha na napalibutan ng kasamahan ng lalaking humawak sa kamay nya. "Ohh. I see. Mukhang nasasaktan na si ganda dude. Baka naman pwede natin 'tong pagusapan." Sabi ni Steve doon sa limang lalaki. "Sabing wag kayong maki-alam eh.!" Nayayamot na sabi nung lider ng apat na lalaki bago binitawan ang braso ni Samantha at sinugod nito si Steve para suntukin. Pero nakailag ito at doon na nagsimula ang gulo dahil nakisali na rin ang apat pa nitong kasamahan. Laging nakakailag sina Steve at Mike sa kamao ng mga kalaban kaya wala silang galos samantala ang mga ito ay may putok na sa labi. May isang lalaki ang kumuha ng bote ng beer at akma na sana nitong hahampasin ang ulo ni mike na ikinasigaw nina Bianca pero may kamay na pumigil rito kaya hindi natuloy. Isang taong nakasuot ng hoodie jacket kaya hindi makita ang mukha nito dahil na rin may kadiliman sa loob ng bar. Walang pagaalinlangang pinaikot nito ang kamay ng lalaki kaya napasigaw ito dahil sa sakit. Napaluhod naman ito ng bitawan ng estranghero ang kamay nito. Nakita ng kasamahan ng lalaki ang ginawa dito ng estranghero. Kaya sinugod nito ang taong naka suot ng hoodie para suntukin pero umilag lang ito sa bawat suntok na binibigay ng kalaban habang nakapamulsa ito na parang wala lang nangyari. Nang susuntok na naman sana ang kalaban ay yumuko sya pagkatapos ay sinipa nya ito ng malakas kaya tumilapon naman ito sa ikalawang mesa. Pagtingin ng estranghero sa paligid ay nakahiga na sa sahig ang apat na kasamahan nung lalaking sinipa nya na kasama sa nang bastos kina Samantha. Tatayo pa sana ang lider ng mga ito kaya pupuntahan na sana ni Mike pero pinigilan sya ng taong naka hoodie dahil may mga gwardya nang dumating. "Tama na iyan Mike. Hindi dapat pinag'aaksayahan ng oras ang mga taong katulad nya." Cold nitong sabi. Nagulat naman sinabi Bianca dahil boses babae ang taong yun. Hindi pa rin nila makita ang mukha nito dahil sa suot na hoodie. "Maraming salamat sa tulong nyong tatlo. Hindi namin alam kung ano nang nangyari sa amin ngayon kung 'di kayo dumating." Sincere na pasasalamat ni Alicia at nagpakilala na rin sya sa mga ito at pinakilala nya sina Bianca. "Walang anuman miss ganda-- este Alicia pala. By the way, I'm Mike. Ito naman si Steven, Steve for short. At sya naman si Al----" Hindi na natapos magsalita si Mike ng tingnan sya ng taong naka hoodie. Habang si Samantha naman ay hindi maalis ang tingin sa naka hoodie na babae. "Pasensya na guys. Hindi lang talaga sya mahilig magbigay ng kanyang pangalan sa taong hindi nya pa kilala. But you can call her A." Sabi ni Steven habang nakangiti at nakatitig Kay Bianca. "Umalis na tayo rito. Ayoko na dito." Cold na utos ni A sa kanyang mga kaibigan. "Um, mauuna na kami mga binibini. Mag-iingat kayo. Nice meeting you anyway." Paalam naman ni Mike sa tatlong dalaga. Mas naunang naglakad si A sa kanila. Nang makarating sya sa may entrance ay nakasalubong nya ang mga bodyguard ni Samantha. Halatang nagulat ang mga ito nang makita sya at ang dalawa pa nyang kaibigan. Nilagpasan lang nya ang mga ito habang nginitian at tinanguan naman ni Mike at Steven ang tatlo. Sa kabilang banda naman ay nakatingin lang si Samantha sa papaalis na ngayon na magkakaibigan. Pero ang buo nyang atensyon ay nasa isang tao lang, doon sa babaeng naka'hoodie. Napaka'misteryosa ang dating nito sa kanya at ang boses nito na kasing lamig ng yelo. Yung tipong matatakot ka at mapapasunod sa kung ano man ang sasabihin nya. _____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD