Samantha Pov Nakarating na kami dito sa bahay nila Alexis pero hindi pa rin sya umiimik. Pati sa sasakyan kanina ay masyado syang tahimik. Nakatuon lang sa daan ang tingin nya pero halatang may malalim na iniisip. I hope wala itong kinalaman sa nangyari kanina dahil baka kung ano na naman ang magawa nya. Kahit naman ako gusto kong maparusahan si Harvey dahil sa ginawa nya pero hindi sa ganong paraan. But on the other hand gusto kong palampasin ang nangyari dahil iniisip ko parin na kahit papaano ay may pinagsamahan rin kami. He's been a good friend to me since then kahit na may kapilyuhan at kayabangan ito sa katawan. Siguro masyado lang syang nasaktan ng malaman nya na kami na ni Alexis. Masyadong naapakan ang pride nya knowing na babae ang sinagot ko instead sa kanya o sa ibang lalaki

