Samantha Pov "Love.! Samantha.!" Sigaw ko sa kabilang linya pero wala ng sumasagot kaya agad akong nag u-turn pabalik sa bahay nina Bianca. Sh*t.! Alam kong darating ang araw na ito pero hindi ko inaasahan na mangyayari ito ng ganito kaaga. Kung alam ko lang hindi na sana ako umalis sa tabi ni Sam. Pagdating ko sa bahay ng kaibigan nya ay agad akong pumasok sa loob. Naabutan ko pa si Harvey na pinapainom ng tubig sina Bianca, Sheena at Max. "Anong ginagawa mo dito.?" Seryoso kong tanong sa lalaking ito. "Nag---nagpunta ako dito para humingi ng tawad kay Samantha sa nagawa ko sa kanya. Nasabi kasi sa akin ng pinsan nya na mag se-sleep over sya dito kay Bianca kaya dito ako nagpunta. Saka nakabukas kasi ang gate nila kaya nagtaka ako at pumasok na lamang dito sa loob. Pero hindi ko alam

