Alexis Pov It was a saturday morning at plano ko sanang yayaing lumabas si Samantha. Gusto ko kasing bumawi since naging kami na wala man lang akong pormal na panliligaw sakanya, kaya gusto ko syang sorpresahin ngayon. Pababa na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko si Mike na bagong gising pa lamang at kalalabas lang galing sa kanyang kwarto. "Hanep ah. Ang astig ng pormahan natin ngayon. Saan ang lakad mo Al.?" Pabiro nitong tanong sa akin. Naka black fitted jeans at white v-neck shirt lang naman ako na pinatungan ng black leather jacket. "May lakad kami ni Samantha." Maikli kong sagot sakanya. "Nang ganito kaaga.?" Nakangising tanong nito. Naparolyo na lamang ako ng mata dahil sa kadaldalan nya. "Tumigil kana nga sa kakatanong dyan.! Mang'aasar kana naman." Nayayamot kong sagot

