Samantha Pov Nandito kami ngayong lahat sa aming classroom, last subject narin kasi namin 'to kaya pagkatapos nito pwede na kaming umuwi. Pero yung totoo, kanina pa ako nakatingin sa girlfriend ko na hindi man lang ako nililingon. Hays.! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Namimiss ko na sya. "Hindi kapa rin ba nya pinapansin.?" Tanong sa akin ni Bianca na nakatingin din pala sa pwesto nina Alexis. Malungkot lang akong umiling sakanya bilang sagot sa tanong nya. "Ayan kasi, dapat tinanong mo muna yung tao kung gusto nya bang sumali sa mga ganyan. Ayan tuloy nakatanggap ka ng cold treatment mula sa cold mong girlfriend." Sermon naman sa akin ni Alicia. "Ano ba kasi ang kailangan kong gawin.?" Frustrated kong tanong sa kanila habang kagat-kagat ang daliri ko. Habit ko na kasing gawin yun l

