Caleb POV Tahimik kaming nakaupo ni Ysha sa sala matapos kaming bigyan ng espasyo ng mga magulang niya. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin—hindi ito yung tipikal na katahimikan na komportable, kundi yung punong-puno ng mga bagay na hindi masabi. Tinitigan ko siya, bakas sa mukha niya ang pagod at lungkot, pero hindi ko alam kung dahil ba iyon sa akin o sa ibang bagay. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "I realized na tama ngang papakasalan na lang kita, Ysha," simulang sabi ko, pilit na pinapanatag ang tono ko. Napatitig siya sa akin, halatang nagulat sa biglaang pag-amin ko. "Caleb… bakit parang—" Pinutol ko siya, ayokong makarinig ng kahit anong pagtutol. "Listen, Ysha. Hindi ko man nararamdaman ang mga dapat kong maramdaman para sa’yo ngayon... pero sa tingin ko, un

