"Good morning po, Sir Karl!" bati ko sa general manager ng resort pagkapasok ko sa trabaho nang sumunod na araw. "Good morning din, Teo. Nga pala, walang mga bagong turista na darating ngayon. Kaya ngayong umaga sa cleaning team ka. Tapos mamayang hapon nire-request ka doon sa tour. Hinahanap-hanap ka ng mga turista. Mag-log book ka na lang at ako na bahala sa record mo. Is that okay?" tanong niya. "Okay po," sagot ko naman. Pwede namang gumala nang mag-isa ang mga turistang nagbo-book dito sa 'min. Pero nag-o-offer naman kami ng tour packages. Kasama na doon ang mga meal. May security pang kasama at medic kung sakaling may maaksidente man. Our tour packages are quite famous. Kagaya nga ng sabi ni Sir Karl ay isa ako sa mga madalas na i-request ng mga turista. Kaya naman dumiretso na a

