CHAPTER 03: FIRST ENCOUNTER

1770 Words
Teo's POV Linggo na at wala akong pasok sa trabaho kaya naman tumutulong ako sa mga gawain namin sa bahay. Hindi rin nangingisda si Tatay Ely at hindi rin pumupunta sa palengke si Nanay Loida kaya nagkakasama-sama kaming lahat. "Kumain ka nang marami para naman tumaba ka kahit na papaano," sabi sa 'kin ni tatay habang nag-aalmusal kami. "Hindi naman ako patpatin 'tay. Normal naman ang timbang ko," sabi ko habang kumakain ng pritong saging na saba. "Kahit na. Tingnan mo nga ‘tong kapatid mo at kulang na lang tumalbog sa katabaan-" "Ang sakit mong magsalita, 'tay!" sabi naman agad ni Buknoy na kanina pa nakasubsob sa plato niya. Tumawa na lang ako. "Ako na po pala 'nay ang maglalaba. Tsaka mamaya pong hapon ako na rin po ang mamamalengke," sabi ko kay Nanay Loida. "Hayan ka na naman. Subukan mo naman kayang magpahinga? Linggo pa naman ngayon," tanong ni nanay. "Kayo po ang dapat na magpahinga ni tatay. Mas mabigat at mahirap po ang trabaho niyo. Ako na bahala, 'nay. Tsaka isasama ko naman 'tong si Buknoy para may mapaggamitan naman ang mga sebo nito sa katawan," sabi ko. "Oh sige. Mag-iingat kayo. At ikaw Buknoy ha, tulungan mo ang kuya mo. 'Wag kang pasaway," sabi ni nanay. "Opo!" sagot naman agad ni Buknoy. Bumaling naman sa 'kin si Tatay Ely. "Teo, anak. Malapit na ang birthday mo. Ano ba’ng gusto mong gawin natin? Gusto mo ba ng 18 roses?" tanong ni tatay. "'Tay… 21 po ang debut ng mga lalaki. Tsaka 'wag na po kayong gumastos. Basta kumpleto tayo ay masayang-masaya na ako," sabi ko naman. "Ayaw mo man lang bang maghanda? Paniguradong sisingilin tayo ng mga pinsan mo niyan. Isama mo pa mga tiyuhin at tiyahin mo," sabi niya. "Kung maghahanda po kayo ay simplehan niyo lang 'tay. Tsaka 'wag kayong gagastos nang masyado. Bigyan mo lang ng isang kahon ng alak 'yang mga pinsan ko ay masaya na 'yan," sabi ko naman. Pansin ko na nagtitigan sina nanay at tatay. Pagkatapos naming kumain ay agad ko namang kinuha ang mga lalabhang damit namin. "Tara na, Buknoy," tawag ko sa kapatid kong nasa mesa pa rin. Nasa isang tiyahin kasi namin ang pinakamalapit na poso dito kaya doon kami naglalaba para naman makatipid sa tubig sa bahay. Naabutan ko rin ‘yung tiyahin ko na naglalaba. "Tita Eden!" bati ko sa kanya. Agad naman kaming nagmano ni Buknoy sa kanya. "Oh, maaga ka atang maglalaba ngayon?" tanong niya. "Marami-rami pong gagawin. Si Tito Roger po?" tanong ko. "Maagang namasada ng jeep. Ni hindi ko nga namalayan na umalis," sagot niya. "Si Kuya Eric po? Ba't parang wala po siya dito?" tanong ko pa. "Hayun, maaga rin na nakipag-basketball. Ewan ko ba diyan. Ang tanda-tanda na puro basketball ang inaatupag," sabi niya. "Hayaan niyo na, tita. Tsaka balita ko may pa-liga raw po si mayor. Sasali po ba sila?" tanong ko. "Malamang sasali ang mga 'yan. Alam mo namang wala 'yang pinapalampas na liga. Alam ko namang masaya siya sa pagba-basketball, pero hindi man lang siya makagaya sa 'yo, responsable. Ang swerte sa 'yo nina Ely at Loida," sabi niya. "Swerte naman po ako sa kanila. Pinalaki po nila ako nang maayos," sabi ko naman. "Kaya nga. Samantalang ako, kahit anong gawin ko ay sadyang talagang mahal na mahal ni Eric ang bola. Malaking biyaya ka mula noong nakuha ka niyan nina Ely-" Natigilan ako. "Nakuha?" tanong ko agad. "Ah… Ang ibig kong sabihin ay malaking biyaya ka mula noong dumating ka kina Ely. Aba'y sa dami ng naitutulong mo sa kanila ay paniguradong tuwang-tuwa silang dalawa sa 'yo," sabi naman agad ni Tita Eden. Tumitig na lang ako sa kanya. "Tulungan na kita diyan sa labahan mo. Tutal ay patapos na ako rito," sabi pa ni tita. "'W-Wag na po. Magsampay na po muna kayo. Nandito naman po si Buknoy," sabi ko naman. "Oh sige. Magsasampay muna ako," paalam naman niya. Sinundan ko na lang ng titig si Tita Eden habang naglalakad siya palayo. ••• "Ate Brenda!" bati ko sa isang tindera ng mga gulay. Hapon na at namamalengke na kaming dalawa ni Buknoy. Nandito sa bayan ng Batuhan ang palengke. Dito rin ang pwesto ni nanay kaso mga isda lang ang paninda niya. Malapit lang naman 'to mula sa barangay namin pero kailangan mo pa ring sumakay sa tricycle dahil nakakapagod din ang lakarin. "Kumusta, Teo? Ano ba’ng bibilhin mo ngayon?" tanong niya. "Pansin ko gumaganda ka po lalo ngayon ah. Ano po ba’ng sikreto niyo?" sabi ko naman. "Asus. Alam ko na 'yang style mo. Bilis na. Pili na," sabi niya. Ngumiti na lang ako. "Magkano po rito sa pechay?" tanong ko. "Limampung piso 'yan na malaking bungkos," sabi ni Ate Brenda. "Thirty-five na lang ate oh-" "Hoy-" "Oops," agad kong putol sa kanya. "Kumukunot ang noo niyo Ate Brenda. 'Wag po kayong ma-stress masyado. Ang ganda niyo pa naman…" "Oh sige na! Ilang bungkos ba ang bibilhin mo?" tanong niya. "Dalawa po," sabi ko sabay ngiti. Binalot naman niya ‘yung dalawang bungkos ng pechay. "Oh, hayan. Seventy na lang 'yan ha," sabi niya habang inaabot sa 'kin ang binili ko. "Naks. Ang ganda mo po talaga Ate Brenda! Salamat po!" sabi ko naman. Notorious ako sa tawaran dito sa palengke sa bayan. Pero kahit ay maraming akong mga kaibigan at kakilala rito. At dahil marami akong kaibigan at kakilala ay mas lalo lang na madali sa 'kin ang tumawad. Isa ako sa mga suki ni Ate Brenda. Nang matapos na kaming mamalengke ay agad kaming dumiretso sa terminal ng tricycle para umuwi. "Bili naman tayo ng pagkain, Kuya Teo," sabi sa 'kin ni Buknoy. "Sa bahay na. Nagluluto si nanay ng goto. Kaunting tiis na lang," sabi ko. Malapit na kami sa terminal nang kinalabit na naman ako ni Buknoy. "Kuya… Nakikita mo ba 'yung nakikita ko?" tanong niya. "Ano? Nakakita ka na naman ba ng tumatakbong pritong manok?" "Hindi. Tingnan mo oh, may lumalapit sa 'tin," sabi niya. Sinundan ko naman ang titig ni Buknoy Isang lalaki nga ang naglalakad papunta sa 'ming dalawa. Noong una ay akala kong sa direksyon lang talaga namin siya naglalakad, pero tumigil bigla sa harapan namin ‘yung lalaki. "Um, excuse me. Pwede niyo ba ituro sa 'kin kung saan 'yung Maalon Beach and Mountain Resort? Turista kasi ako rito. Naglalakad-lakad lang ako kaso iniwan ako ng kasama ko. Sinusubukan ko siyang tawagan kaso 'di niya sinasagot," sabi ng lalaki. Nakatingala ako sa kanya. "Taga barangay Maalon po kami. Tsaka nagtatrabaho po ako sa resort na tinutukoy niyo," sagot ko. Agad namang ngumiti ‘yung lalaki. Hindi ko namalayan na nakatulala lang ako sa kanya. "Great. Pwede niyo ba akong samahan? Please?" tanong niya. Kumurap-kurap ako nang ilang beses. "Um… Ano po kasi…" Nabasa ata niya ang nasa isip ko. "Hindi ako masamang tao, okay? Naliligaw lang talaga ako. Hindi ko kayo gagawan ng masama," sabi niya sabay ngiti ulit. Well, looking at him ay mukhang mabuting tao nga siya. Anak-mayaman at may hitsura sa unang tingin ko pa lang. Wala naman akong nararamdamang mali sa kanya kaya pumayag na lang ako. "S-Sige po…" sabi ko. “Great. Thanks a lot!” Sumakay naman kami sa tricycle agad. Halos labinlimang minuto lang naman ang layo ng bayan mula sa Maalon. Nagpababa na lang kaming tatlo sa harap ng resort. "Nandito na po 'yung resort," sabi ko naman doon sa lalaki pagkababa namin. "Thanks a lot. Here, take this. Pasasalamat ko sa 'yo," sabi niya habang may iniaabot sa 'kin na pera. "'Wag na po," sabi ko naman agad. "Maliit na bagay lang naman po 'yun. Hindi niyo na po kailangan pang magbayad. Ganito po talaga kami rito. Itago niyo na po 'yan." Nagtaas ng kilay ‘yung lalaki. "Are you sure? Ilibre ko kayo sa restaurant? Okay lang ba?" tanong pa niya. "Sige po!" sabi naman agad ni Buknoy. "Buknoy… Uuwi na tayo. Nakakahiya naman," sabi ko. "Kuya, kanina pa 'ko gutom na gutom," reklamo niya. "Don't be shy," sabi ng lalaki bago siya lumuhod sa harap ni Buknoy. "Gusto mo bang kumain?" "Opo!" Tumitig naman sa 'kin 'yung lalaki. "Hindi mo naman ata tatanggihan ang kapatid mo?" Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. Nasa kabilang kalsada lang naman 'yung restaurant na tinuro ng lalaki. Habang kumakain na kami ay nagtanong sa 'min 'yung lalaki. "So, I'm Trace Ilagan. Kakarating lang namin dito kahapon. Taga-Maynila kami. And you guys are?" "Teo po. Short for Matteo Onyx," I said timidly. Nakasando lang kasi akong butas-butas pa, naka-shorts, at may bitbit pang dalawang basket ng mga pinamili ko samantalang 'yung ibang tao dito sa restaurant ay mga matitinong damit ang suot. "Nice name," he said. His eyes lingered a moment on my cheeks. Yumuko na lang ako para itago ang mga pekas ko sa pisngi. Sanay na ako sa ganyang gesture mula sa mga taong kakakilala ko pa lang. At ang automatic na isusunod nilang tanong… "May lahi ka bang foreigner?" tanong niya. Bingo. I shook my head. "Wala po." "I see. Akala ko kasi may lahi ka because of your freckles. Bihira lang sa mga pinoy ang magka-ganyan 'di ba? But your freckles actually suit you," he said. Kumamot na lang ako sa pisngi ko. Bumaling naman siya kay Buknoy sabay ngiti. "At ano naman ang pangalan mo?" "Buknoy po!" "Kain ka lang, okay? Ang cute-cute mo pa naman," sabi ni Trace. "Nagtatrabaho ka pala doon sa resort? I'm really lucky na ikaw ang natanong ko. 'Yung kapatid ko kasi basta-basta na lang akong iniwan. Ano ba’ng trabaho mo doon?" tanong niya sa 'kin. "Depende po sa pangangailan. Minsan ay tourist guide po. Minsan naman ay taga-linis po ng mga kwarto," sagot ko. "I see. But really, thanks a lot for saving me back there. Kakarating ko nga lang dito at wala pa akong alam sa lugar niyo. But this place is really beautiful. May alam ka ba na mga binibentang lupa dito?" tanong niya. "W-Wala po," sagot ko naman. Buti na lang at kapag gutom na gutom 'tong si Buknoy ay 'sing-bilis ng kidlat kung kumain 'yan. 'Di nga nagtagal ay nasa labas na kami ng restaurant. "So, thanks a lot," sabi ni Trace. "Wala pong anuman. Tsaka salamat na rin po sa… sa pagkain. Mauuna na po kami," paalam ko naman bago kami tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. "Um… Teo…" Lumingon ako. Trace smiled at me. "See you around." Ngumiti na lang ako nang bahagya bago kami naglakad palayo ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD