CHAPTER 02: THE PLAYBOY IN THE CORPORATE ATTIRE

1668 Words
"You're leaving?" tanong sa 'kin ni Jianna habang nagsusuot ako ng longsleeves ko. "Yeah," I said absentmindedly, "may flight ako later this evening. Uuwi na ako sa Pilipinas. Kailangan na ako nina mama at papa sa kumpanya." Napatayo na lang si Jianna mula sa kama. "What?! You're leaving me here?!" gulat niyang tanong. I stared at her. "Why? May utang ba ako sa 'yo?" "You can't just leave me, Trace, especially after what we did last night!" reklamo niya. "We only had s*x last night. Ano naman doon?" tanong ko. "What the… So wala lang sa 'yo ang lahat?!" tanong ni Jianna. "Bakit? Mayroon bang "tayo" in the first place? Malinaw 'yung sabi ko sa 'yo 'di ba? s*x lang naman ang gagawin natin. And as far as I know, hindi kita binuntis. Hindi rin kita girlfriend. Wala akong nakikitang rason para pigilan mo ang pag-alis ko," I said firmly. "Fine!" Jianna said, throwing a pillow at me. "Fine! Madali akong kausap! I will make you pay for this!" galit na galit niyang sabi. "Are you done? I still have to pack my things. Pupunta ako sa mall this morning. Sana naman pagbalik ko ay wala ka na dito. Bye," I said, heading straight to the door. I am Trace Villamor Ilagan, the son of the owners of the Ilagan Group of Companies. We have clothing lines, restaurants, malls, and many other businesses. Sa katunayan nga ay pinapauwi na muna ako sa Pilipinas nina mama at papa dahil ipapasa na raw nila sa 'kin ang pagiging CEO ng kumpanya. Nandito ako ngayon sa Amerika. Dito ako nag-aral mula nang mag-college na ako. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang gumraduate ako. At the age of 22, maagang ipapasa sa 'kin ng parents ko ang responsibilidad sa kumpanya. My father will still remain as the president to guide me. Even though I graduated Magna c*m Laude in my course ay kailangan ko pa rin ng tulong ng mga mas may experience. Pagkababa ko ay isang kotse na ang naka-park sa labas ng bahay ko. "Good morning, little bro," bati ng driver. Si Ate Tanya. She's three years older than me. She's the Marketing Head sa kumpanya. Pumunta siya dito sa Amerika para samahan ako sa graduation ko at para na rin magbakasyon. Hindi kasi nakapunta sina mama at papa dahil busy sila masyado. Pero tuwing Pasko at kung may free time sila ay binibisita naman nila ako dito sa Amerika. "Why so early?" tanong ko pagkapasok ko sa kotse niya. Bigla niyang pinikot ang tenga ko. "NAG-LANDI KA NA NAMAN!" sigaw niya. "Aww! Let me go!" sigaw ko habang namimilipit sa sakit. "Ang sarap ng buhay mo kagabi tapos aaray-aray ka ngayon? Gunggong. Hindi ako nakatulog kagabi sa ingay niyo!" sabi niya. "I'm sorry! Akala ko kasi wala ka sa bahay!" sagot ko. Binitawan na niya ako. "Aalis ka na nga lang mangtutuhog ka pa ng kung sinong babae," sabi niya sabay palipad sa kotse. "Siya 'yung nagpumilit…" I said. "Rarason pa, rarason pa. Hoy, para sa kaalaman mo, pwede kang mabuhay sa mundong 'to nang hindi nakikipag-s*x araw-araw. Gahd. Hindi ka man lang gumaya sa 'kin. Ikaw, ginawa mo nang three times a day ang s*x na 'yan," sabi ni Ate Tanya. "It's not my fault that I was born with good looks," I said coolly. Pinikot na naman niya ako. "Aray! Tama na!" reklamo ko. "Tigil-tigilan mo ako ng hangin mo ah. Pa'no kung nakabuntis ka? Tapos 'di mo naman mahal 'yung nabuntis mo? Tapos 'yung anak mo tatawaging bastardo o kung ano. Wala namang kasalanan 'yung bata. Kaya ikaw, tumigil ka na diyan sa ginagawa mo. Sige ka. Magkaka-AIDS ka niyan," banta niya. "I do use condom, for your info," I fired back. "Asus. Putulin ko 'yan. Gunggong…" Ate Tanya is my disciplinarian. Nagagawa kong makatanggi kina mama at papa pero pagdating sa kanya, kapag sinabi niya, sinabi niya. Sa oras na gumawa ka ng mali, siguradong pipilipitin niyan ang ilong o tenga mo. We're really close despite of her brutal nature. Pero dahil tila tigre ang ugali niyan ay hanggang ngayon ay wala pang lovelife 'yan. Sa pagkakaalam ko kung hindi nabalian ng buto ay na-ospital ang lahat na nag-attempt na manligaw sa kanya. She's actually sweet deep inside. I can feel her care and love for me. Noong nag-aaral pa ako at mabalitaan lang niya na may sakit ako ay 'di siya magdadalawang-isip na lumipad papunta rito sa Amerika. Kaya kahit anong gawin niyang pangungurot o pamimikot sa 'kin, kahit kailan hindi ako nagtampo sa kanya. "Have you already packed your things?" tanong sa 'kin ni Ate Tanya pagkarating namin sa isang shopping centre. "Um…" "Not yet… Naku, naku… Lumayo-layo ka nga sa 'kin at sasaktan na talaga kita," gigil na gigil niyang sabi. Tumawa na lang ako. "Sorry na. Busy kagabi…" "Busy sa pagpapasarap. Hay naku. Alam mo, pustahan tayo, lahat ng anak mo magiging panganay lahat," sabi niya. "Don't exaggerate," I said, rolling my eyes. Ate Tanya sighed. "Hey, little bro…" "Yes?" "Talaga bang ginusto mo ang kursong 'yan? There's no turning back the moment na umuwi ka sa Pinas…" I smiled a bit. "Ito ang gusto ko, Ate Tanya. Don't worry." "Masyado ka naman kasing masunurin kina mama at papa. Kung anong sabihin nila ay sinusunod mo naman agad. Nang sinabi nilang sumunod ka sa 'kin dito para mag-aral pumayag ka. Nang sinabi nilang mag-Business Ad ka pumayag ka. Nang sinabi nilang umuwi ka na at magiging CEO ka na ay pumayag ka rin. Pwede ka namang magdesisyon para sa sarili mo 'di ba? Hindi mo kailangang sumunod sa utos nina mama at papa parati," she said. Huminga na lang ako nang malalim. "But I have to. Magulang natin sila. Wala naman silang sinabi sa 'tin na nakasama sa 'tin 'di ba?" tanong ko. "I know. But still, at the end of the day, you are the creator of your own happiness. Hindi ibang tao ang magdedesisyon sa kung ano ang ikasasaya mo o alin ang hindi. Happiness is a choice. At kung pinili mong piliin ang mga bagay kung saan masaya ka ay talagang mahahanap mo ang totoong kaligayahan mo. Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?" tanong pa niya. "I am," I said firmly. Ate Tanya punched my shoulder. "Hay naku, Trace. Bahala ka. Don't worry. Nandito naman ako para pikutin ang tenga mo kung naliliko ka na ng landas," sabi niya. Ngumiti na lang ako. "Thanks, ate." ••• "It's damn hot here!" reklamo ni Ate Tanya pagkalabas namin sa airport. Kakarating lang namin sa Pinas. "Nakalimutan ko na kung gaano kainit dito sa Pinas," sabi ko naman habang nagpapaypay sa sarili ko. Isang lalaki ang lumapit sa 'min. "Kuya Jefferson!" bati sa kanya ni Ate Tanya. "Magandang tanghali po, Ma'am Tanya. Welcome back din po, Sir Trace," bati niya sa 'kin. "Kuya Jeff?! Kumusta ka na?!" sabi ko nang makilala ko siya. Siya kasi 'yung naghahatid sa 'kin sa school mula noong elementary hanggang high school ako. Obviously, matagal ko na siyang hindi nakikita. "Ayos lang naman po. Tara na po at hinihintay na kayo nina Sir George at Ma'am Helen," sabi niya. May mga lalaking kumuha sa mga gamit namin bago nila sinakay sa isang van. Sumakay naman kami sa kotseng minamaneho ni Kuya Jeff. "A lot has changed here in Manila," I said, gazing out of the car's window. "At sana naman magbago ka na rin ngayong nandito ka na. Hindi lang ako ang pipikot sa 'yo. Inaabangan ka na ni Manang Ising sa bahay. Sinusumbong ko sa kanya ang lahat ng ginagawa mo sa Amerika," sabi ni Ate Tanya. Napangiti na lang ako. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa subdivision kung nasaan ang bahay namin. Nakaabang na sina mama at papa pagkarating namin sa bahay. Agad naman silang yumakap sa 'kin pagkababa ko ng kotse. "Kumusta ka na, anak?" tanong ni mama. "Ayos lang po. Na-miss ko kayo masyado nina papa," sabi ko. "Hindi ka naman ba nagpasaway doon? Alam mo namang bihira lang kaming makabisita sa 'yo sa Amerika," sabi ni papa. "Hindi po, ‘pa," sabi ko naman. Umubo nang marahan si Ate Tanya. "Tara na sa loob at nakahanda na ang pananghalian. Pinaluto ko lahat ng paborito mo," sabi ni mama sabay akay sa 'kin papasok sa bahay. Pagakapasok namin sa kusina ay agad kong nakita si Manang Ising. "Manang!" panabay naming sabi ni Ate Tanya sabay yakap sa kanya. Malapit kasi kami kay Manang Ising. Aside sa nagsilbi na siya sa lolo namin ay siya rin ang nagpalaki sa 'min ni Ate Tanya kaya parang magulang na rin ang turing namin sa kanya. "Tigil-tigilan mo ako, Trace. Hindi mo ako madadala sa yakap mong 'yan. Alam ko lahat ng ginagawa mo sa Amerika. Mag-uusap tayo mamaya," sabi niya sabay kurot sa 'kin. "Manang naman. Kakarating ko pa lang sermon na agad ang mapapala ko," sabi ko naman. "Kung nagtitino ka kasi, hindi kita pagagalitan. Sige na, kumain na kayo," sabi niya. Habang kumakain kami ay agad ko namang tinanong sina mama at papa tungkol sa mga kailangang gawin sa kumpanya. "kailan po ba ako magsisimulang magtrabaho sa kumpanya?" tanong ko sa kanila. Nagkatitigan sina mama at papa bago sila ngumiti. "Hindi ka muna magtatrabaho. Why not go to a vacation first?" tanong ni mama. "Ma naman… Alam niyo naman pong kailangan ko na agad na matuto ng pamamalakad sa kumpanya," sagot ko. "Alam din namin na hindi ka agad uuwi kung malalaman mong pagpapa-bakasyunin ka lang namin. Magpahinga ka na muna. Magbakasyon ka muna ng isang buwan. Kami na muna ang bahala sa kumpanya," sagot ni mama. "S-Sige po. Kung 'yan ang gusto niyo…" "At sasama ako sa 'yo. May pupuntahan na tayong magandang tourist destination. It's one of the freshest and up-and-coming destinations dito sa bansa," sabi naman ni Ate Tanya. "Where?" "Batuhan Island, Maalon Beach."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD