bc

The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

book_age18+
53
FOLLOW
1.0K
READ
forbidden
age gap
opposites attract
heir/heiress
sweet
serious
city
like
intro-logo
Blurb

Wala nang mas kinaiinisan si Elara Montesilva kundi si Timothy Grey—ang stepfather niyang masyadong bata, masyadong seryoso, at masyadong involved sa lahat ng bagay tungkol sa kanya.

Akala niya, noong namatay ang nanay niya ay tapos na rin ang koneksyon niya rito. Pero nang mapunta siya sa isang iskandalong muntik nang sumira sa pangalan niya, si Timothy pa rin ang unang dumating. Galit, tahimik, at determinadong ayusin ang lahat.

Ngayon, kailangan niyang bumalik sa buhay na matagal na niyang tinakbuhan.

At habang araw-araw ay nagbabanggaan ang pride nila, unti-unti niyang nakikita ang ibang side ni Timothy. Ito ‘yung lalaking hindi lang kayang magalit, pero marunong din mag-alaga... at umunawa.

Pero paano kung ang galit niya, unti-unti nang napapalitan ng isang bagay na hindi dapat?

At paano kung sa likod ng lahat ng lihim ni Timothy Grey, ito rin pala ang tanging taong kayang sirain ang pader na itinayo niya?

Rebellion. Tension. Forbidden emotions.

Dahil minsan, ang taong gusto mong iwasan ay siya ring hindi mo kayang kalimutan.

chap-preview
Free preview
Simula
Five days. Limang araw na akong nagkukulong sa kwarto pagkatapos ilibing si Daddy. I don’t think I’ll ever be able to move on. He was my anchor, my shield, my protector. We were inseparable. Kaya hindi ko matanggap na bigla na lang siyang mawawala sa’min. I’m worried my mom would give up without him. Tiningnan ko ang huling pagkain na inihatid sa’kin ni Aling Esther. Nilapitan ko ’yon at sinubukang kainin. Inilapit ko ang kutsara sa bibig ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko—walang tigil at tuloy-tuloy sa pagdaloy. I want my dad back, please. Sa huli, nakaisang subo lang ako at piniling pumikit muli. I woke up hearing gossip outside my bedroom, kaya sa unang pagkakataon, lumabas ako. Dumiretso ako sa kwarto nila Daddy. Walang tao. I was about to go out when a framed photo of him caught my eye. Inabot ko ’yon at pinakatitigan. I miss you. Yumuko ako, saka mahigpit na niyakap ’yon. And then, the tears came again. Ilang minuto akong gano’n nang maulinigan ko ang mga boses sa labas. Tumayo ako at ibinalik ang frame sa side table. I walked past the study room. “We can arrange the wedding early morning tomorrow, at the mayor’s office,” boses ni Attorney Ramos ’yon—our family lawyer. Natigilan ako, pero walang pasintabi na pumasok ako. “Whose wedding?” tanong ko. Kita sa mga mukha nila ang bahagyang pagkagulat. “Justine, anak…” si Mommy ang unang nagsalita. Pinaglipat ko ang tingin sa kanila—lalo na sa lalaking hindi masyadong pamilyar sa paningin ko. “Sino siya?” turo ko sa lalaki. “A trusted friend of your dad,” nauutal na sagot ni Mommy. Kumunot ang noo ko. I’d never seen him before. Or maybe I did, but I just couldn’t remember. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanila. “Whose wedding is it?” “Let’s talk about this later, Atty. Ramos. Tim,” paalam ni Mommy sa mga ito. Agad na tumayo si Atty. Ramos at nagpaalam. Tumayo na rin ang lalaki na akala ko ay lalabas rin—pero sa gulat ko, humarap siya sa’kin. Agad na nagsalita si Mommy. “Tim—” “I’m marrying your mom,” putol ng lalaki. Shock was an understatement. Akala ko biro ’yon, kaya hinintay kong bawiin niya ang sinabi. He didn’t. He meant it. Hindi makapaniwalang nilingon ko si Mommy. I waited for her to say anything that would pacify the rage building up inside me. Pero luha lang ang sumalubong sa’kin. “W-What… why?” tanong ko, halos ayaw lumabas sa bibig ko. Natatarantang inabot ni Mommy ang mga kamay ko. “Ely, I—we need Tim’s help to—” “I love your mom, Elara,” simpleng sabat ng lalaki. “Don’t even say a word, you…” Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa nanlalabo kong paningin. Agad akong lumabas at muling nagkulong sa kwarto. I cried for my father—for the constant pain in my chest. Walang kumausap sa’kin. I also missed their wedding, which I think they never even intended to include me in. I couldn’t believe how fast it all happened. Ni hindi ko magawang lumabas ng kwarto kapag nandiyan sila. Ayokong makita silang magkasama—no, nandidiri ako sa kanila. I hated how our house turned into the place I didn’t want to be in the most.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
311.6K
bc

Too Late for Regret

read
294.3K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.6K
bc

The Lost Pack

read
410.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
148.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook