Padabog akong bumaba ng hagdan kinabukasan. Dumiretso ako sa kitchen para tingnan kung anong almusal. Pagpasok ko do’n ay agad rin akong natigilan nang maabutan ko si Timothy do’n. He was in an apron, flipping pancakes on a goddamn pan! Bahagya akong napatigil pero agad ring nakabawi nang mapansin niya akong pumasok. Nagkunwari akong lumapit sa refrigerator. What will I get? Agad akong kumuha ng baso at binuksan ang chiller para kumuha ng tubig. Pati tunog no’n habang isinasalin ko ay parang nakaiirita sa pandinig. “I reheated the food you ordered yesterday. But you can also have pancakes if you want,” aniya. Na para bang mas takam ako sa pancake na gawa niya. Duh! Halos mapairap ako nang harapin siya. Nilagpasan ko siya para dumiretso sa microwave. Pagbukas ko ay walang laman ‘yon.

