Episode 1
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental
Lumipad patungong Maynila si Kate para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo dahil narin sa kagustuhan ng kanyang lola na siyang nagsusustento sa kanyang pag-aaral. Sa kanyang pag-alis ay isang lalaki ang kanyang naiwan na siyang kanyang kasintahan. Hindi niya man nais na iwan ito ngunit priority niya ang kanyang pag-aaral. Pangarap niyang maging isang ganap na nurse at makapagtrabaho sa kilalang hospital.
4 years later...
kring....kring.... isang tawag sa kanyang telepono ang nagpagising sa kanya, tiningnan niya ang caller at ng makitang ang kasintahan nito ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
* "Hello babe," in her bedroom voice.
*" Hi babe good morning, did you have your breakfast already?"
*"Hmmm not yet babe just woke up from your call.What time is it na ba?"
*"Oh come on babe i'ts already 10 am. Mukhang napasarap yata ang tulog ng baby ko."
*"What! oh no I have too much sleep na pala i thought it's still early, but anyway wala naman akong gagawin ngayon since it's Sunday magsisimba lang ako later. And sorry about yesterday babe I didn't intend not to call you it's just that sobrang pagod ko kagabi because of our rehearsal that's why after I finished my dinner I directly went to bed at nakatulog na ako." Sa malungkot kong boses
*"No worries babe I know that you're busy for this past few weeks kaya naiintindihan ko, and if you call baka hindi ko rin naman nasagot kasi I forgot my phone in my room nasa hacienda kasi ako buong maghapon."
*"Hmm ganun ba? Mukhang kinacareer mo na ang pagiging haciendero mo ah. Napatawa naman ang binata sa aking sinabi. "I miss you babe.Hindi kana nakabisita dito malapit na graduation ko."
*"Me too babe I really hope that I could visit you there pero masyado pang busy ngayon dito sa hacienda kailangan talaga ang presence ko since Mom and Dad are in business trip.But I'll promise you na once na bumalik sila ay bibisita kaagad ako diyan sayo. Hindi ko naman pwedeng ipagkatiwala lang sa mga tauhan."
* "It's okay babe I do understand naman, we can have a video call and besides mas importante iyan."
* "Thank you babe for understanding. Hindi talaga ako nagkamali sayo you're always understand things even though na minsan mahirap para sa'yo."
*" Ano ka ba babe you don't have to thank me you're just doing what is right hindi ko naman ata maatim na mapabayaan ang hacienda niyo at maapektuhan ang mga trabahador niyo just because of just wanting to see you."
" Ohh ang sweet naman ng babe ko. Baka nalipasan kana ng gutom babe," sabay tawa ng binata napairap naman ako sa sinabi nito kahit alam kong hindi niya nakikita." Tsk!" sabi ko nalang.
" Oohhh don't be mad babe I'm just kidding." "I know!" agad na sagot ko.
"Kamusta na pala si Bruce babe?" tukoy ko sa kabayo nito. Nalaman ko kasi dito na nagkasakit ito kaya ayon at hands on din siya ngayon sa pag-aalaga dito.
" Medyo okay narin naman siya babe kagagaling lang dito ng veterinarian kanina and as what we observed medyo bumabalik narin ang lakas niya."
" Well that's good to hear babe alam kong mahalaga sayo si Bruce and I don't want you to look sad because of his situation."
" I'm okay babe and besides alam kong hindi basta-basta sumusuko 'tong kabayo ko."
" Yes babe parang ikaw!" Natahimik naman bigla ang nasa kabilang linya.
" What am I a horse to you?" Kaya pala natahimik dahil namisinterpret nito ang sasabihin ko.
" Oh no babe! what I'm trying to say is parang ikaw si Bruce palaban." Narinig ko naman na napabuntong hininga ito.
" Akala ko naman mukha na akong kabayo sa paningin mo." Napakalas naman ang tawa ko sa tinuran nito.
" What sa mukha mong 'yan mapagkakamalan kitang kabayo?are you kidding me eh kahit siguro ihanay ka sa mga Greek God ay mangingibabaw ang kagwapuhan mo." patawa tawa kong papuri dito.
" Tinatawanan mo na ako babe." Alam kong nakasimangot na 'to sa mga oras na ito. " Hahaha hindi babe I'm just imagining kung anong itsura mo ngayon. "Can we have a video call"? mapanghamon kong turan dito.
" I really wanted too babe pero later nalang kapag nakauwi na ako ng mansion."
" It's fine babe ayaw ko din namang makita mo ang magulo kong mukha ngayon at baka ako naman ang pagtawanan mo."
" That would never happened babe you're always beautiful in my eyes kahit ano pa ang magiging hitsura mo."
" Tigilan mo'ko Dylan binobola mo na naman ako. Hmm baka nga may ipinalit ka na sa akin diyan kasi minsan ka nalang kung makatawag sa akin," pangongonsensiya ko rito.
" That's not true babe masyado lang talaga akong busy dito minsan kasi sumasama ako sa taniman ng tubo para macheck ko rin ang mga dapat pang kakailanganin." Mukha nga naman siyang nagsasabi ng totoo dahil hindi rin biro ang mamalakad ng hacienda. Minsan naiisip ko paano nila nagawang sabay sabay pamahalaan ang mga negosyo nila gayong napakarami nito, kung sa bagay marami naman silang empleyado na namamahala nito.
" Baka napapabayaan mo na ang sarili mo babe at inaabuso mo na ito sa pagtatrabaho. Dapat kumain ka parin sa oras hindi 'yong bago ka kumain nalipasan ka na ng gutom. Baka magkasakit ka na niyan."
" May nurse naman akong girlfriend na mag-aalaga sa akin," turan nito.
" Naku babe huwag mong dinadaan sa biro ang ganyang bagay. Naku makukurot talaga kita kapag nandiyan ako."
" Hmmm miss na talaga kita babe, gusto na kitang yakapin. Namiss ko iyong mga time na nandito pa tayo sa hacienda at tinuturuan kitang sumakay sa kabayo. 'Yong mga araw na naliligo tayo sa busay habang naghahabulan." Napasinghap ako sa mga alaalang 'yon kung saan masayang masaya kami.