Maraming lihim o sekreto ang nakapaloob at nakatago sa mundong ito na hindi natin kailanman nalalaman.
Mga lihim na tila napaglipasan na ng panahon ngunit mapahanggang ngayo'y patuloy pa ding nakakubli't nakatago sa loob ng napakahabang panahon.
Iba't - ibang lihim na may iba't - ibang sekreto o kwentong nakapaloob. Simple man o kumplikado, masama man o mabuti ay hindi natin basta-basta agad masasabi hangga't patuloy na nakadikit ang selyong pumipigil upang ito'y magbukas.
Iilan lamang ang mga taong nakatuklas ng mga lihim na nakapaloob sa mundong ito. Ang ibang nakatuklas kung hindi matanda na ay matagal naman nang pumanaw at sumasakabilang buhay.
Kung naipapasa naman, iyon ay nahahaluan na ng iba't - ibang kwentong walang katuturan at kabuluhan at puro haka-haka na lamang.
Ngunit sa lahat ng lihim na minsan ko nang nadinig sa mga taong suki sa paghahagilap nang kung ano-anung mga balita, ay itong lihim ang siyang pinaka-kakaiba sa lahat.
At ni-minsan ay hindi ko akalaing ako pa mismo ang makakatuklas at makikita mismo ng dalawa kong mga mata ng harap-harapan.
Ako si Jace Ocampo, isang Grade 10 student sa Kalimba National High School, labing-anim na taong gulang.
Isa akong bakla at hindi alam iyon ni papa na siya namang lubos kung ipinagpapasalamat ng malaki sapagka't hindi pa niya nalalaman ang kabaklaan ko.
Ewan ko ba sa sarili kung bakit hindi ko masabi-sabi sakaniya ang tunay na ako... ang tunay na kasarian ko.
Siguro dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang bakla ako... ang kaisa-isa niyang anak at unico-hijo.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin sa akin kapag sakaling malaman niya ang tunay na balat ko. Lalo pa't hindi pa ako handang umamin ngayon sa tunay kong pagkatao.
Saka na siguro ako aamin kapag may lakas-loob na akong lumabas mula sa klosetang aking pinagtataguan at sandigan mula sa napakahabang panahong pagtatago.
Oo nga pala, matagal ng patay ang aking Ina labing anim na taon na ang nakakaraan. Ang sabi sakin ni Papa ay sobrang masilan daw masyado ang naging kalagayan nito noong ipinagbubuntis ako. Saksi pa nga siya kung gaano daw naghirap ang aking Ina habang nagdadalang-tao ito. Dagdag pa nga niya'y nangangayat raw halos ang dati-rating balingkinitan nitong katawan at bumaba din daw ng husto ang timbang nito bagay na hindi ordinaryong nangyayari sa isang taong nagbubuntis, kaya nama'y matapos niya akong mailuwal dito sa mundo ay kaagad din siyang binawian ng buhay, marahil dala na rin siguro sa lubos na pagbaksak ng katawan nito.
Tanging sa mumunting litrato ko na lamang nakita ang mukha niya at luma pa ang pagkakakuha roon kung kaya’t hindi ko na masyadong maaninagan pa ng husto ang buo niyang hitsura.
Dahil sa nangyaring iyon sa aking ina kaya kaming dalawa nalang ni papa ang tanging naiwan at naninirahan sa simple naming barong-barong.
Matapos mailibing ang aking ina ay marami uling mga babaeng umaaligid at lumalandi sa papa ko. Kahit mapahanggang ngayo'y madami pa rin ang nagpapakita ng interest at motibo dito.
Hindi naman kasi maitatangging gwapo ang aking ama, samahan pa ang magandang hubog at katikasan ng katawan nitong bunga na rin ng mabibigat na trabaho sa bukid kaya naman hindi talaga maiiwasang maraming babae ang magkakagusto rito.
Ngunit sakabila nito'y walang pinatulan si papa maski ni-isa sa mga iyon at lalong hindi na din niya naisipan pang humanap at nag-asawa pang muli.
Iyon ay dahil mahal na mahal niya ang aking namayapang ina, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sakin noon, ewan ko lang ngayon.
Balik tayo sa kwento, nagsimula ang sekretong natuklasan ko noong sabadong iyon. Tuwing sabado o kaya'y walang pasok ay nakagawian ko nang tumulong kay papa sa pagtatrabaho sa lupain ni Mang Ado.
Si Mang Ado ang may-ari ng lupang pinagtatrabahuan ni papa dito sa bukid na matatawag na ring hasyenda dahil sa laki ng nasasakupan nito. Byudo na ito at may tatlong anak na may kaniya-kaniyang asawa na din.
Sa pagkakantada ko'y nasa kwarenta'y sinko na si Mang Ado, ngunit sakabila ng edad nito ay mapapansin pa din ang pagkabatak at pagiging maskulado ng pangangatawan ni Mang Ado. Maalaga kasi ito sa katawan kaya naman kahit matanda na ay matikas parin ito at malakas ang appeal.
At katulad din ng aking ama ay hindi din maitatangging gwapo si Mang Ado kaya kahit sakabila ng edad nito na halos lumagpas na sa kalendaryo ay marami pa ding babae ang umaaligid at naghahabol dito.
Bukod doon ay mayaman din si Mang Ado, hindi lang ang lupaing pinagtatrabahuan ni papa na may tanim na iba't-ibang produktong prutas at gulay ang pagmamay-ari nito, kundi marami pang ibang negosyong lingid na sa kaalaman ko.
Sa buong umagang iyon ay maghapon akong tumutulong kay papa at sa iba pang trabahador na namimitas ng mga gulay at prutas na handa nang aanihin.
At sa buong maghapon namang iyon ay pawis na pawis ang buo kong katawan mula sa pang-aani ng prutas at gulay na dadalhin sa bayan upang ibenta at pagkakakitaan. Ang gulayan at prutasan ni Mang Ando ay kilala bilang isa sa pangunahing pinagkukuhanan ng supply sa tuwing nakukulangan o’ kaya’y nauubusan ng supply ang super market at ganun na rin sa iba pang karatig bayan.
At ngayon nga ay kasalukuyan akong nagpapahinga mula sa upuang gawa sa kawayang kahoy na napapaligiran ng mga tanim na punong mangga.
Habang ang aking ama naman ay dumiretso sa mismong opisina ni Mang Ado kasama na ang mga katrabaho nito upang kuhanin ang sahod para sa buong linggong pagtatrabaho.
Ngunit magdadalawang oras na magmula noong pumunta siya sa opisina ni Mang Ado ay hindi ko pa siya nakitang lumabas o umalis doon.
Samantalang ang ibang kasabayan nitong katrabaho sa lupain na pumunta din doon ay kanina pa nakalabas. Ang iba nga'y umuwi't umalis na bitbit ang pera sa buong linggong pagtatrabaho.
Hindi na ito ang una, sakatunayan ay maraming besis na itong nangyayari satuwing pumupunta si papa doon ay siya palagi ang nahuhuling lumabas.
Labis kong ipinagtataka iyon matagal na. Ewan ko ba kung bakit palaging ganun ang nangyayari, siguro dahil nahuhuli palagi si papa sa pagpila kaya huli rin siyang makalabas o baka may iba pang pinapagawa si Mang Ado sa kaniya. Hindi ko alam. Si papa kasi ang pinakapinagkakatiwalaan ni Mang Ado sa lahat ng trabahador dito, matatawag nangang kanang kamay nito sa papa dahil kapag nagkaroon ng promblema sa negosyo niya ay si Papa agad ang tinatawag nito.
Habang naghihintay ako sa kaniyang pagbalik ay napansin ko ang unti-unting pagdilim ng paligid mula sa aking kinauupuan. Papalapit na naman ang gabi, kung kaya't naisipan ko nang puntahan ang aking ama na nasa mismong opisina pa din ni Mang Ado mapahanggang ngayon.
Ang sabi niya sakin ay maghintay lamang ako dito sa kaniya na palagi naman niyang sinasabi sakin satuwing kukunin niya ang kaniyang sahod, subalit kanina pa ako naiinip sa paghihintay.
Mabilis akong naglakad patungo roon, hindi naman kasi iyon gaanong malayo kaya't wala pa mang isang minuto ay narating ko na agad iyon.
Nakasarado ang pinto ng opisina nang mabungaran ko ito. Nakasindi ang ilaw sa loob at sa labas. Pansin kong wala ng mga tauhan o trabahador na nakapila. Senyales na tapos nang kuhanin ng mga trabahador ang kanilang sahod. Senyales din na tanging si papa na lamang ang naiwan sa loob.
Lumapit ako sa pinto at kumatok ng dalawang besis upang ipaalam na may tao sa labas.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero para kasing may narinig ako na naglalaglagang mga gamit at pati na ang malulutong ngunit mahihinang mura sa loob ng opisina.
At kasabay din ng mga murang iyon ay siya ding pagbukas ng pinto at pagluwa roon ng aking ama na hubad-baro at pawis na pawis ang buong maskulado't morenong katawan.
Bitbit nito sa kaliwang kamay ang puting sobre na naglalaman ng pera habang hawak-hawak naman nito sakabila ang pang-itaas ngunit kupasin nitong damit.
Samantalang bukas naman ang butones at zipper ng kaniyang pantalon, kung kaya't kita ko ngayon ang suot niyang underwear na tila hindi pa maayos ang pagkakasuot niyon na para bang kagagaling lang sa paghubad at mabilis nalang na isinuot ng hindi na tinignan pa at inayos.
Kapansin-pansin ang pagkabigla at gulat na gumuhit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Maging si Mang Ado na nasa likuran niya ay ganoon din ang reaksyon pagkakita sakin na para bang hindi niya inaasahan ang pagdating ko dito sa opisina niya.
Katulad ni papa ay hubad baro din si Mang Ado, ngunit ang kaibahan lamang ay may nakapulupot na puting tuwalya sa pang-ibaba niyang katawan.
Pansin kong basa ang maskuladong niyang katawan, hindi ko lang mawari kung dahil ba naligo siya o’ ano, base na rin kasi sa tuwalyang nakapulupot sa bewang niya na gamit-gamit niya ngayon, pero ng mapatingin naman ako sa buhok niya ay hindi naman iyon basa. Basa ang katawan niya pero tuyong tuyo naman ang buhok niya, ni-parang ngang hindi man lang nawisikan iyon ng tubig, eh. Bakit kaya?
Maging ang nakabakat na malaking bukol nito sapagitan ng malalaki't malapad niyang hita ay pansin na pansin ko rin mula sa kinatatayuan ko. Buhay na buhay ito ngayon at sobrang tigas na parang bakal. Nakasaludo pa nga ito na parang sundalong handang sumabak sa laban kaya naman hindi tuloy maiwasang magkaroon ng tent ang tuwalyang nakatapis sa bewang ni Mang Ado na agad din naman nitong tinakpan ng kamay niya ng mapansin nitong nakatitig ako roon.
“Jace? Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo doon mo lang ako hintayin sa barracks?” gulat na tanong ni papa sa akin.
“Pasensya na ho, papa. Naiinip na ho kasi ako doon kaya naisipan ko nang puntahan ka dito.” mabilis ko namang sagot dito habang pabaling-baling ang tingin sa kanilang dalawa ni Mang Ado tapos sabay tingin sa pang-ibaba nilang katawan.
Napakorteng ‘o’ ang mga labi at mata ko ng ngayon ko lang din napansin at napagtantong matigas din pala ang sundalo ni papa. Nakabakat iyon pakaliwa sa loob ng itim niyang underwear at... naghuhumirintado sa laki.
Bakit kaya parehong matigas ang mga sundalo nilang dalawa? May nangyayari ba ritong hindi ko nalalaman? o baka naman may dinalang babae si Mang Ado sa loob ng opisina niya... tapos... tapos sabay ginalaw nilang dalawa ni Papa?
Iyon lang naman kasi ang naisip kong dahilan kung bakit pareho silang matigas ngayon. Pareho din naman silang lalaki kaya walang malisya sa kanila kung magkikitaan man sila ng katawan sa isa't-isa habang sabay nilang ginalaw ang babae. Kung gayunman ay mukhang nakaistorbo pa ata ako sa kanila?
Sinuyod ko ng tingin ang loob ng opisina upang kompirmahin iyon pero wala akong nakitang babaeng sa loob, kaya naman hindi ko tuloy maiwasang maguluhan sa mga nangyayari ngayon sa aking harapan.
Wala namang problema sakin kung may kaulayaw o’ kaya'y may kinakalantaring babae si Papa. Wala na rin naman kasi ang aking Ina kaya't magagawa na niya ang bagay na iyon kung gugustuhin man niya. Hindi ko rin siya pipigilan kung iyon ang magpapasaya sa kaniya, sino naman ako para pigilan siyang lumigaya diba?
“Sa susunod wag kang pupunta rito kapag hindi ko sinasabi, naiintindihan mo?” pagalit na sambit ni papa ngunit mababakasan pa din ng matinding gulat ang buong mukha nito.
Hindi ko maintindihan kung anong ikinagalit niya sa pagpunta ko dito, bawal ba akong pumunta sa opisina ni Mang Ado?
“Oho, pasensya na po. Hindi na ho mauulit.” nakayukong sagot ko sa aking ama.
“Relax ka lang Hernan, wag mo namang pagalitan ang anak mo. Baka kanina pa ‘yan napapagod sa paghihintay sayo, lalo pa't tumulong din ‘yan kanina sa pamimitas ng gulay at prutas...” mabilis na sabat ni Mang Ado na parang bang pinagtatanggol ako laban sa aking ama, mabilis tuloy akong napatingin sa kaniya.
“Hindi ko naman pinapagalitan boss, pinagsasabihan ko lang.” mahinahong balik ni papa kay Mang Ado.
“Kanina ka pa ba rito?” tanong muli nito sakin.
“Ah, hindi ho... kakarating ko lang po...” sagot ko naman dito.
“Ikaw ba yung kumatok kanina?”
“Opo, ako ho ‘yon... papa.”
“May nakita ka pa bang ibang tao dito matapos mong dumating?” muling taong ni papa sakin na animo'y isang imbestigador at pilit akong iniimbestigahan sa isang krimeng wala akong kaalam-alam.
“Bukod ho sa sarili ko ay wala na po...” pag-amin kong balik dito.
“Anong nakita mo kanina nang kumatok ka?”
“Ho?” gulat at may pagtataka kong sambit.
“Tsk! ano ngang nakita mo!?” ulit na tanong nito sakin.
“W-wala ho...”
Wala naman talaga at totoo iyon. Well, bukod sa bukas lang naman ang kaniyang pantalon at hindi maayos ang pagkakasuot ng kaniyang underwear ay wala na... wala na akong iba pang nakita bukod roon. Ngunit ang hindi ko maintindihan at maunawaan ay kung anong ibig at nais iparating ni papa ng tanong na iyon sa akin.
At mas lalong hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi maayos ang pagkakasuot ng pang-ibabang kasuotan niya, lalong-lalo na ang ayos ni Mang Ado na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa pang-ibaba nito. Ganiyang ayos ko silang dalawa naabutan sa loob ng opisina. Wala ding babae na maaaring maging dahilan upang tigasan sila. Diba kataka-taka iyon? Ayaw ko namang pag-isipan sila ng masama dahil lang dun, pero kasi... hindi ko din maiwasan, eh.
“Mabuti kung ganoon.” saad ni papa na tila nabunutan ng matulis na tinik sa lalamunan.
Labis ang naging pagtataka ko sa sinaad niya sapagka't para kasing may mas malalim na kahulugan ang salitang binitawan niya. Masyadong malaman ito at kung anuman iyon ay hindi ko alam.
Sakabila ng pagtataka kong iyon ay pinilit ko na lang ipinagsasawalang bahala ang sinabi niya at ang mga bumagabag sa akin.
“Bakit nga pala natagalan kayo papa?” pag-usisa ko sakaniya.
“May pinag-uusapan lang kaming importante ni boss Ado, diba boss?” sambit nito sabay baling sa nakatapis na si Mang Ado.
Nais ko sanang itanong kung bakit nakatapis lang ito subalit nagdadalawang isip akong gawin.
“Ah, Oo may pinag-usapan lang kaming importante ng papa mo.” sagot ni Mang Ado sabay akbay kay papa.
Napatango nalang ako sa sinabi niyang iyon.
“Uwi na po tayo papa, malapit na hong mag-gabi.” ani ko naman dito na parang bata na gusto ng makauwi sa kanila.
“O' sige. Boss, aalis na kami nitong anak ko, salamat nga pala sa pa-sweldong ibinigay niyo samin.”
“Gee, salamat din sa patuloy at masipag na pagtatrabaho saking... lupain Hernan.” sambit ni Mang Ado kay papa. Ewan ko lang ha, pero para kasing iba ang dating ng pagkakasabi ni Mang Ado roon para sa akin. Malaman ang salitang binitawan niya at sigurado ako roon.
Tumango naman si papa dito sabay ngisi at bitiw ng tinging hindi ko lubos maintindihan, ganoon din naman ang ginawa ni Mang Ado kay papa.
“At nga pala, para sayo din Jace dahil sa matyagang pagtulong mo sa iyong ama, o' heto't tanggapin mo ang perang ito.” sambit ni Mang Ado sabay bigay ng puting sobre sakin.
Hindi ko pa din maiwasang magulat kahit na ilang besis na din naman akong binigyan ni Mang Ado ng ganito. Ang sabi pa nga niya sakin ay tanggapin ko daw dahil sahod ko raw iyon. Kung tutuusin ay maliit lang naman ay ang naitulong ko kay papa. Nagbuhat-buhat lang naman ako ng mga basket at iyon lang, pero dahil pera na ito kaya tinanggap ko na rin. Hehehe.
“Naku, maraming-maraming salamat ho, Mang Ado...” masayang sambit ko sa kaniya dahil sa pasweldong binigay niya sakin.
“Mag-aral ka nang mabuti, ha? para makatapos ka. At tsaka wag kang maging pasaway sa papa mo...”
“Opo...” masigasig na sagot ko rito. Nakalimutan ko na tuloy pansamantala ang lahat ng mga gumugulo sa isipan ko.
Matapos ng usapang iyon ay nagsimula na kaming maglakad at umalis ni papa sa opisina ni Mang Ado.
Nakasunod lamang ako kay papa sa likuran niya. Dahil sa mahaba ang mga biyas ng mga paa niya kung kaya't mabilis itong maglakad kaysa sakin.
Habang nakasunod ako sa kaniya ay unti-unting na namang nakapakunot ang aking noo ng mapansing tila basa sa mismong bandang pwetan ang lumang pantalon ni papa.
Gumuhit muli ang pagtataka sa aking mukha, kaya't dala ng kuryusidad ko kung kaya't nagtanong ako sa kaniya habang naglalakad kami pauwi.
“Pa, bakit ho, parang basang basa ata iyang pantalon mo?”
Kitang-kita kong mabilis na pagtigil ni papa ng marining niya ang tanong kung iyon. Lumingon siya sa akin na may gulat muli sa kaniyang gwapong mukha katulad na katulad din kanina.
“Ha? Anong basa?” gulat niyang anas sakin.
“Iyang pantalon mo po...” sambit ko sabay turo sa pantalon niya sa mismong bandang pwetan.
“Ah, ito? sa pawis ko to kanina ’nak. Alam mo namang tayong mga lalaki konting galaw lang ay agad tayong pinagpapawisan...” katwiran niya.
Napapaisip ako, Oo nga naman, well except lang sa salitang lalaki dahil hindi naman talaga ako tunay na lalaki!
“Tara na nga't malapit na mag-gabi, magluluto pa tayo ng kakainin mamaya.” dagdag niyang sambit.
Hindi na ako nagtanong pang muli kahit na may pagtataka parin sa aking mukha, sumunod nalang ako sa paglalakad sa kaniya hanggang sa marating naming dalawa ni papa ang barong-barong ngunit simple naming bahay.
Itutuloy . . . . .